12/01/2025
Grabe no?ππ’
Nakaka guilty talaga. Bago Ako naging magsasaka isa rin ako sa mga taong mahilig baratin ang paninda ng mga naglalako ng gulay yong sarili nilang tanim ang paninda nila. Iniisip ko kasi wala naman silang puhunan. Pero maling mali pala ang iniisip ko dahil ang mga magsasaka grabe ang dusa nila, mula sa pagtatanim hanggang sa pag aani. Dugo't pawis ang puhunan. Madaling araw pa lang nagsisimula na ang kanilang mga araw at gabi na kung magpahinga.
Sabi ko noong isa pa lang ako sa mga BARAT na mamimili ,kailangan kong tawaran ito wala naman silang pagod nagtatanim lang sila. Pero mula noong sinubukan kong magtanim doon ko naisip na sobrang hirap na pinagdadaanan ng mga magsasaka, doon ko naisip na isa akong walang pusong tao dahil hindi ko noon nakikita ang pagod at hirap ng magsasaka , binabarat ko lang sila :(
Sabi ko sa sarili ko , DAPAT ANG MGA MAGSASAKA ANG PINAKAMAYAYAMAN pero hindi yon nangyari dahil karamihan sa magsasaka sila ang pinaka mahirap :( kasi naman, BABARATIN NG MAMIMILI NG PRODUKTO NILA , PERO KAPAG BINIBENTA NA SA MERKADO 5X HIGHER. Isa sa magsasaka nakausap ko , ilang taon na siyang nagsasaka pero walang nabago sa pamumuhay nila . Paano ba naman BAGO PA MAN SILA NAG AANI NAIPANGITANG NA NILA ANG GASTUSIN , MGA PATABA, ABONO , PATUBIG AT MARAMI PANG IBA. Ganon umiikot ang buhay pagsasaka.
Wag naman po natin halos hingin nalang sa kanila dahil hindi natin alam ano-ano ang mga pinagdadaanan nila Bago pa man sila mag ani π’