25/10/2025
Mayor Carlo Eleazar :Dumalo po tayo sa General Assembly ng Mayors for Good Governance, kung saan tinalakay ang mahahalagang hakbang na nagsusulong ng tapat at malinis na pamamahala para sa ating mga mamamayan.
Kabilang dito ang paglagda natin sa Manifesto of Good Governance, at ang pagpirma ng M4GG sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang DPWH, CBCP, at TAPAT.
Ang kasunduang ito ay nagpapalawak ng sakop ng imbestigasyon ng pamahalaan sa mga hinihinalang maanomalyang proyekto sa bansa.