MotoRhenz

MotoRhenz charity vlog

" Aking Mga Anak"Darating ang panahon at pagkakataon na kwento nalang ako Katawan ko'y babalik sa alabok at parang bulan...
20/09/2024

" Aking Mga Anak"

Darating ang panahon at pagkakataon na kwento nalang ako
Katawan ko'y babalik sa alabok at parang bulang maglalaho
Hindi ko alam kung hanggang kailan ang aking magiging wakas
Kung ilang araw, buwan, taon o sa mga darating nang bukas.

Hindi ko mapipigil ang pagdating ng aking takdang kamatayan
Gustohin ko mang tumagal pero 'di ko hawak ang tadhana't kapalaran
Masakit man isiping ang buhay ay may dulo at hangganan
At iwan ang mundo sa pinaka masakit na bahagi ng paglisan.

Darating ang tagpong dudungawin nalang ako sa ilalim ng salamin
Patawad kung hindi ko na magawang ang mga luha niyo'y pahirin
At sa mga kalungkutang hindi ko na kayo magawang damayan pa
Tibayan niyo sana at matuto kayong tumayo sa sariling mga paa.

Batid ko ang sakit sa mga yugto na hindi niyo na ako masisilayan
Subalit ang mabalot kayo ng lungkot ay h'wag niyo sanang hahayaan
Lagi niyong tatandaan na nariyan lang ang Diyos na masasandalan
Lumapit kayo sa Kan'ya kapag hindi niyo na kaya ang bigat na pinapasan.

Hindi ko man mapunan na ng saya ang lungkot sa inyong damdamin
Ang payo ko'y gawin ninyong sandatang lagi ang pananalangin
Upang mapanatag ang aking loob lumisan man ako sa mundo
Hanggang sa hinaharap na buhay sana'y magkita-kita muli tayo..

With Kasiblog – I just got recognized as one of their top fans! 🎉
11/08/2024

With Kasiblog – I just got recognized as one of their top fans! 🎉

Bonding with TK VINES  Chan-Chan  Kasiblog Salamat po ulit👊🤘😁
05/08/2024

Bonding with TK VINES Chan-Chan Kasiblog

Salamat po ulit👊🤘😁

With Roberto De Vero – I just got recognized as one of their rising fans! 🎉
16/07/2024

With Roberto De Vero – I just got recognized as one of their rising fans! 🎉

03/03/2024
Happy 200k follower Tk vines🥳👏🤝
03/03/2024

Happy 200k follower
Tk vines🥳👏🤝

ANG PANGARAP NA HINDI NAIINTINDIHAN NG KARAMIHAN:🛵🛵🥰🥰Bumili ako ng motor dahil isa ito sa mga pangarap ko.Balang araw, t...
19/01/2024

ANG PANGARAP NA HINDI NAIINTINDIHAN NG KARAMIHAN:🛵🛵🥰🥰

Bumili ako ng motor dahil isa ito sa mga pangarap ko.
Balang araw, tatanda na ako at di na makakalakad pa, mananatili nalang sa garahe ang mga ito bilang isang tropeo ng magagandang alaala sa buhay ko...

Marami akong nakilala na nagturo sakin ng mga bagay bagay base sa pareho naming hilig, at may iba din akong nakilala na pinagpapasalamat kong nakalimutan ko din sila😅

Nasubukan kong mabasa,
Lamigin,
At mainitan...

Natakot
Natumba,
At bumangon,

Nasaktan ko din ang sarili ko,
Pero, natawa nalang ako sa loob ng aking helmet...

Maraming beses ko na ding kinausap ang sarili ko,
Kumanta at sumigaw sa saya na parang sira,
At aaminin ko...minsan umiyak ako.

Nasilayan ko ang magagandang lugar at nag iwan sakin ng magagandang alaala...

Minsan nakakapaglaro ako sa mga kurbada na kahit si Valentino Rossi ay mapapahanga, minsan naman naglalaro ako sa kurbada na akala mo galit na galit😁😅

Maraming beses din akong huminto para pagmasdan ang magagandang tanawin...

May mga nakausap akong bagong kakilala, at pansamantalang nakalimutan ang mga taong nakikita ko araw araw.

Lumalabas ako minsan na may bigat na nararamdaman at babalik akong matiwasay na ang isip at puso..

Alam kong napakadelikado nito, pero naniniwala akong ang kahulugan ng courage ay ang subukan ang mga bagay na iyong kinakatakutan...

At sa twing sasakay na ako sa aking motor iniisip ko kung gaano kaganda ng buhay.

Umiwas ako sa mga taong hindi ako naiintindihan (hindi lang talaga sila marunong umintindi) at natuto akong makipag usap sa pamamagitan ng pagkilos sa mga kapwa ko riders.

Gumastos ako, pinagpalit ang madaming bagay, pero lahat ng ito hindi matutumbasan ang saya na naramdaman ko sa pagmomotor.

Hindi lang ito basta pangbyahe o piraso ng bakal na may gulong, ito ang isang bagay na kulang sa pagkatao ko.

At sa tuwing may magsasabi sa aking "ibenta mo na yang motor mo at magseryoso ka na sa buhay",... hindi ako sumasagot. iling lang ako at ngingiti, sabay alis...

MOTOR..... tanging ang mga taong may hilig sa knila ang syang makakaintindi lamang..

May God bless my friends and their toy of great people!

And the adventure continues...

LIVE to RIDE

Credit to the author..

COPY AND STICK THE TEXT WITH A PHOTO ...
LET'S MAKE THIS VIRAL.

Yung nakita mo yung nag tatanong sayo ng"KAP KALBO KA BA SA PERSONAL?"
06/09/2023

Yung nakita mo yung nag tatanong sayo ng
"KAP KALBO KA BA SA PERSONAL?"

Next week BER months na. 🤣   🎄
30/08/2023

Next week BER months na. 🤣 🎄

Yung kapit Bahay mong bagong bili Ang motor😅🤣
27/08/2023

Yung kapit Bahay mong bagong bili Ang motor😅🤣

25/08/2023

2hours lng byahe from tagkawayan mararating mo na Ang ipinagmamalaki Ng libmanan camarines sur, Ang napakagandang
ENGKANTO FALLS
Located at brgy bikal, libmanan camarines sur..
Malapit lng sa hi-way at pasok ang mga sasakyan kaya Hindi mo na kylangan maglakad pa Ng malayo para makarating sa napakaganda at napakalamig na water falls🥰

Entrance fee: 50 pesos per head

Cottage 300 to 500 depende sa laki,

Sulit na sulit👌

Sa sobrang awa ko Kay ate dahil masarap tulog niya,imbis na PASAY lang Ako bababa,sa CUBAO nalang ako bumaba hinde Bali ...
23/08/2023

Sa sobrang awa ko Kay ate dahil masarap tulog niya,imbis na PASAY lang Ako bababa,sa CUBAO nalang ako bumaba hinde Bali Ng mapalayo ako Basta safe si ate 🤭🤭🤭🤭🤭

Address

Brgy Santa Cecilia
Tagkawayan
4321

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MotoRhenz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to MotoRhenz:

Share