Ph Update Now

Ph Update Now No sides. Just facts. News & insights that matter 🇵🇭
(1)

KINUMPIRMA NI SEN. JV EJERCITO ANG ALOK NA PAGIGING MAJORITY LEADERKinumpirma ni Sen. JV Ejercito na inalok sa kanya ang...
17/05/2026

KINUMPIRMA NI SEN. JV EJERCITO ANG ALOK NA PAGIGING MAJORITY LEADER

Kinumpirma ni Sen. JV Ejercito na inalok sa kanya ang posisyon bilang Senate Majority Leader, at sinabi niyang pinag-iisipan pa niya ito kasunod ng kamakailang pagbabago sa liderato ng Senado.

(Source OneTV Philippines)

17/05/2026

REP. RIDON TIWALANG KAYANG KUMBINSIHIN ANG SENATOR JUDGES PARA MA CONVICT SI VP SARA

Dadalo sa Senado ang 11 House prosecutors sa pag-convene nito bilang impeachment court para sa paglilitis kay Vice Pres. Sara Duterte sa Lunes, May 18, 3 p.m.

Ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon, kumpiyansa siyang makukumbinsi ang senator-judges na hatulan ang bise, anuman ang maging liderato ng Senado. Handa rin umano silang iharap ang lahat ng ebidensya sa kabuuang kaso laban kay VP Duterte.

MGA KONGRESISTA SA MASS FOR PEACE AND ACCOUNTABILITY Dumalo sina Bicol Saro Rep. Terry Ridon, Akbayan Rep. Perci Cendaña...
17/05/2026

MGA KONGRESISTA SA MASS FOR PEACE AND ACCOUNTABILITY

Dumalo sina Bicol Saro Rep. Terry Ridon, Akbayan Rep. Perci Cendaña, Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima, 3rd District Manila Rep. Joel Chua, at 3rd District Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa Mass for Peace and Accountability sa Edsa Shrine alas-12 ng tanghali ngayong Linggo, May 17.

AB0GAD0  MAY PANAWAGAN SA GITNA NG MGA NANGYAYARI NGAYON SA GOBYERNOIbinahagi ng abogado at political analyst na si Atty...
17/05/2026

AB0GAD0 MAY PANAWAGAN SA GITNA NG MGA NANGYAYARI NGAYON SA GOBYERNO

Ibinahagi ng abogado at political analyst na si Atty. Jesus Falcis ang kanyang maiksing panawagan sa gitna ng mga nangyayari ngayon sa gobyerno.

Ayon kay Falcis, ilan sa mag kanyang panawagan ay litisin si Vice Presiden Sara Duterte, hulihin si Senador Ronald "Bato" dela Rosa, at patalsikin bilang Senate President si Alan Peter Cayetano.

ARCHISHOP SOC VILLEGAS, HINDI NAITAGO ANG PAGKADISMAYA SA BIGLAANG PALITAN NG LIDERATO SA SENADOHindi naitago ni dating ...
17/05/2026

ARCHISHOP SOC VILLEGAS, HINDI NAITAGO ANG PAGKADISMAYA SA BIGLAANG PALITAN NG LIDERATO SA SENADO

Hindi naitago ni dating Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) President Socrates Villegas na maglabas ng mga maaanghang na salita bilang reaksyon sa naging palitan ng liderato sa Senado na pinamunuan ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Sa isang pahayag, sinabi ni Villegas na kasalukuyang Archbishop ng Ligayen-Dagupan na hindi siya makapaniwala na kayang gawin ng mga Senador ang palitan ng liderato sa paparating na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

“It is obscene. It is unbelievable that men and women called ‘honorable’ could do such a brazen exercise of power,” ani Villegas.

“It is confusing. It is unbelievable. It is pathetic. It is disgusting. It is shameless. How did we reach this low level of public service?” dagdag pa niya.

Naniniwala si Villegas na ang naging palitan ng liderato sa Senado ay maaring paraan upang maantala ang impeachment trial.

“The sudden change in the leadership of the Senate, mandated by law to try the impeachment case, is like graffiti on the wall showing another devious plan to delay the trial. It was not for the country but for somebody,” aniya.

Binatikos din ni Villegas ang pagbibigay proteksyon ng Senado kay Senador Ronald "Bato" dela Rosa.

Nanawagan naman sa publiko si Villegas na patuloy na gumawa ng mapayapang paraan para magkaroon ng pagbabago sa takbo ng politika sa bansa.

“We must apply constant moral pressure, not through violence or coercion, but through conscience and conviction. Evil persists not because it is strong, but because good people stop pushing,” aniya.

JAY SONZA, ILANG MINORITY LILIPAT SA BRAVE 13?Usap-usapan nga ang planong pagpapalit ng liderato ngayong darating na lun...
17/05/2026

JAY SONZA, ILANG MINORITY LILIPAT SA BRAVE 13?

Usap-usapan nga ang planong pagpapalit ng liderato ngayong darating na lunes bago mag convene ang Senado, dito ay may lumabas rin na balita ayon kay Jay Sonza na mayroong iilang minority na lilipat sa Majority.

"May lilipat na dalawa (sorry, tatlo pala) papunta sa kampo ng Brave 13 sa susunod na linggo.
TAGUMPAY ANG BAYAN."

-CONTENT CREATOR HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA PASALAMATAN SI PANGULONG MARCOS SA PAGLANTAD NG KORAPSYON-Naglabas ng reaksyon...
17/05/2026

-CONTENT CREATOR HINIKAYAT ANG PUBLIKO NA PASALAMATAN SI PANGULONG MARCOS SA PAGLANTAD NG KORAPSYON-

Naglabas ng reaksyon ang content creator na si Kalabwanz TV kaugnay sa mga isyung muling iniuugnay sa nakaraang administrasyon matapos umugong ang mga usapin tungkol sa umano’y mga anomalya at kontrobersiyang lumalabas ngayon.

Sa kanyang pahayag, pinuri niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil umano sa pagbubunyag ng ilang impormasyon na dati raw ay hindi nabibigyang pansin.

Ayon kay Kalabwanz TV, “Pasalamat talaga tayo kay PBBM kung hindi niya binuking ang anomaly tuloy sa ligaya mga gawain ng nakaraang administrasyon aminin.”

Hindi na niya pinangalanan kung anong partikular na isyu ang tinutukoy, ngunit malinaw na may kaugnayan ito sa mga usaping pulitikal na kasalukuyang pinagdedebatehan online.

“‘HINDI PO TAYO INTERESADO’ — KIKO, TILA INUNAHAN NA ANG MGA MAY BALAK MAGTANONGTila inunahan na ni Senador “Kiko” Pangi...
17/05/2026

“‘HINDI PO TAYO INTERESADO’ — KIKO, TILA INUNAHAN NA ANG MGA MAY BALAK MAGTANONG

Tila inunahan na ni Senador “Kiko” Pangilinan ang mga umiikot na espekulasyon at posibleng mga magtatanong tungkol sa kanyang pangalan na iniuugnay sa panibagong leadership shake-up sa Senado.

Sa gitna ng umugong na naman na usapin tungkol sa posibleng pagbabago sa liderato ng Mataas na Kapulungan, diretsahan nang nilinaw ni Pangilinan na wala umano siyang interes na maging Senate President.

Ayon kay Pangilinan:

“Hindi po tayo interesado sa pagiging Senate President.”

Dagdag pa niya:

“Tutulong na lang ako sa kanila. Para sa akin, mas importante ang ‘food security’ kaysa sa ‘senate presidency.’”

Lumabas ang kanyang pahayag habang mainit pa rin ang mga usap-usapan sa Senado kasunod ng kontrobersyal na leadership change noong Mayo 11 kung saan napalitan si dating Senate President Tito Sotto III at pumalit si Sen. Alan Peter Cayetano.

SOTTO TINAWAG ANG SARILI BILANG PINAKAMATAGAL NA KAIBIGANG PULITIKO NI DUTERTEBinalikan ni Sen. Tito Sotto ang mahabang ...
16/05/2026

SOTTO TINAWAG ANG SARILI BILANG PINAKAMATAGAL NA KAIBIGANG PULITIKO NI DUTERTE

Binalikan ni Sen. Tito Sotto ang mahabang panahon ng kanyang pagkakaibigan kay Ex-Pres. Rodrigo Duterte at sinabing dekada na umano ang kanilang samahan bago pa man ito naging pangulo ng bansa.

Ikinuwento ni Sotto na nagsimula ang kanilang pagkakakilala noong 1988, panahon na siya ay Vice Mayor ng Quezon City habang si Duterte naman ay alkalde pa lamang ng Davao City.

Giit niya, mas nauna at mas matagal na umano ang kanilang samahan kumpara sa ibang personalidad sa politika na kalaunan ay naging malapit sa dating pangulo.

“Ako ang pinakamatandang politikong kaibigan ni FPRRD,” pahayag ni Sotto.

KIKO BARZAGA MAY PATAMA KAY SENADOR LACSON AT TITO SOTTO"Takot ba akong mamatay? Oo...Pero naiisip ko rin yung mgaPuliti...
16/05/2026

KIKO BARZAGA MAY PATAMA KAY SENADOR LACSON AT TITO SOTTO

"Takot ba akong mamatay? Oo...Pero naiisip ko rin yung mgaPulitikong katulad ni Senator Sotto at Senator Lacson, na tumanda na sa Senado, at wala paring nagagawang tama para sa taumbayan... Mas pipiliin kong
mamatay ngayon kaysa tumanda
at maging katulad nila".

Address

Tagoloan
9001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ph Update Now posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share