09/12/2025
ANG HIGANTENG PAGHIHIGANTI GAMIT ANG TATLONG KAMBING
Hindi ko alam kung sumpa ba ng barangay namin o talagang malas ko lang sa kapitbahay, pero isang umaga, pagkagising ko—
wala na ang mga pananim ko.
As in literal na parang may dumaan na bagyong may nginangatngat.
Lumabas ako at nakita kong guilty as charged ang suspek:
yung kambing ng kapitbahay.
Nakasalampak pa sa lupa, ngumunguya.
Parang nagsasabi ng:
“Pre, masarap ha. May extra ka pa ba?”
Gusto ko sanang sumigaw, pero kalmado ako kasi baka sabihin dramatic ako.
Lumapit ako sa may-ari ng kambing, si Mang Lucas, expecting man lang ng mabilis na “Ay pasensya na po.”
Pero hindi.
Hindi talaga.
Ang sagot niya?
“Natural lang ‘yan. Kambing ‘yan. Wala nang utak ‘yang mga hayop na ‘yan.”
Pumikit ako nang mga dalawang segundo.
Hindi dahil gusto kong magdasal.
Pero dahil gusto ko munang pigilan sarili kong maghagis ng paso.
“Ah ganun ba?” sagot ko.
“Natural lang?”
“Eh oo,” sabi niya habang nag-aayos ng tsinelas.
Parang wala lang.
Parang sinabihan lang niya akong ubos na sardinas sa tindahan.
Pag-uwi ko sa bahay, nakaupo ako habang nakatingin sa lupa kung saan dating may okra, kamatis, at pechay.
Ngayon, parang pinagdaanan ng zombie apocalypse.
At doon ako napaisip.
Kung natural lang daw?
Kung wala naman daw utak ang kambing?
Sige.
Tingnan natin.
Kinabukasan, pumunta ako sa palengke.
Bumili ako ng TATLONG MALALAKING KAMBING.
Hindi ‘yung payat.
Hindi ‘yung pino.
‘Yung mukhang kaya kumain ng bubong kung papipiliin.
Pangalan nila:
• Bagyo — kasi malakas manira
• Lanslide — kasi walang preno
• Demolition — kasi literal na demolisyon machine
Heto ang plano:
Idadaan ko sila sa bakuran ni Mang Lucas na parang walang kaalam-alam.
Natural lang naman daw, diba?
Kambing daw kasi.
Wala daw utak.
Pagdating sa umaga, sakto—
nakabukas ang gate ni Mang Lucas.
Hindi ko alam kung tanga lang siya o sinadya talaga ng kapalaran para matuloy itong paghihiganti ko.
Binitawan ko ang tatlong kambing.
Parang may theme song pa sa utak