27/06/2025
Sabi nila live your life to the fullest!!
Minsan lang tayo mabuhay kaya dapat ienjoy natin ang buhay!!
Sang ayon ako dun.. Pero Kung yun ang magiging batayan.. Di tayo makakapag ipon.. Makakalimutan natin na may mga bagay pala tayo na mas higit na dapat pag handaan.
Minsan alam kong weird akong magisip.. Ha ha ha..
Natatakot ako sa mga bagay na posibleng dumating any time.
What if magkasakit ako?? Paano ang mga anak Ko?
Paano Kung bigla akong mawala?? Makakaya ba Nila na gawing maayos ang buhay nila?
Honestly takot akong mamatay ha ha ha.. Gusto Ko mabuhay hanggang 80yo..
Paano nga ba ang mag ipon? Maliit lang ang sahod Ko .. Maraming gastusin.?
Sa totoo lng di natin kailangan ng malaking sahod para makapag ipon..
Di rin natin kailangan na mataas ang pinag aralan natin para matuto tayong maghandle ng pera.. At lalong di natin kailangan ng mga libro na nagtuturo paano
ang magipon..
Teknik??
Isipin mo na anytime pede kang mawala at maiwanan mo ang mga anak mo na hindi pa handa.
Naalala Ko un binata Ko dati.. Sabi Ko wla tayong pera ngaun.. Pero pag si mama namatay magkakaroon kayo ng pera..
Ang tanong sagot ng binata Ko..
Kelan Ka ba mama mamamatay para magkapera na tayo?? Natawa na lang ako .
.yum ang mindset Ko dapat Kung mawawala ako meron akong maiiwanan para sa pamilya Ko. Yung kawalan Ko di magiging dahilan para lalo silang maghirap.
Maraming way para makapag ipon..
Diskarte at tamang handle lang ng pera.. Di kailangan na malaki ang sahod mo..
Isipin mo lang SILA..