05/07/2025
"Mas Maniwala Ka sa Natira at Bumabalik"
Sa isang team…
hindi laging lahat ay pareho ng paniniwala.
May mga players na ayaw sa disiplina,
na allergic sa sistema,
na hindi tanggap ang salitang commitment
lalo na kung hindi pabor sa kanila.
Kapag mahirap ang training,
reklamo.
Kapag di nabibigyan ng playing time,
tampo.
Kapag napagsabihan,
biglang bitter.
At ang huli—
aalis.
Pero hindi lang basta alis…
may kasunod na kwento.
Kwento na sila lang ang bida.
Kwento na parang sila lang ang tama.
Kwento na punong-puno ng sisi—
sa coaches, sa sistema,
pati na rin sa dating teammates.
Pero ito ang tandaan mo:
Wag na wag kang maniwala agad sa iilang umalis,
lalo na kung ang iniwan nilang marka ay puro sumbat at ingay.
Dahil sa bawat isang umalis,
mas marami ang nanatili.
Mas maniwala ka—
sa mga tumagal.
Sa mga tiniis ang init ng court at lamig ng sigaw ni coach.
Sa mga hindi bumitiw kahit ilang ulit nang nadapa.
Sa mga bumabalik pa rin sa training kahit varsity na sa ibang team,
kasi alam nila kung saan sila nagsimula.
Mas maniwala ka—
sa mga tahimik pero totoo.
Sa mga di kailangang ipagsigawan ang loyalty nila,
pero ramdam mo sa presence nila sa bawat ensayo,
sa bawat laban,
sa bawat hiyaw ng “fight!”
Mas maniwala ka—
sa mga piniling lumaban kahit may dahilan silang sumuko.
Kasi sila ang puso ng team.
Hindi ‘yung mga naunang sumuko.
Hindi ‘yung mga may sinabing masama pagkatalikod.
Hindi perfect ang team.
Hindi perfect ang coach.
Pero sa team, natututo ka ng respeto.
Ng sakripisyo.
Ng tunay na character.
Kaya sa susunod na may marinig kang kwento, bago ka maniwala—tanungin mo muna:
“Saan ba siya galing?”
“At bakit siya umalis?”
"Ano ba ang ugali nya?"
At kapag nakita mo na kung sino ang nanatili, makikita mo rin kung sino ang dapat mong paniwalaan.