20/10/2025
Nauusong sakit ngayon lalo na sa mga bata pati na sa matatanda‼️
Ang HMFD ay ang pinaikling tawag sa Hand, foot, and mouth disease, isang karaniwang impeksyon lalo na sa mga bata na dulot ng virus (karaniwang mula sa coxsackievirus).
📌 Sintomas ng HMFD
Lagnat
Sakit ng lalamunan
Kawalan ng gana kumain
Maliliit na paltos o singaw sa bibig
Pantal o paltos sa kamay at paa, minsan pati sa puwitan
Irritability o pagiging iritable ng bata
📌 Paano ito naipapasa
Sa laway, sipon, plema
Sa dumi ng tao (f***s)
Sa pag-ubo o pagbahing
Sa pagkahawak sa bagay na kontaminado ng virus
🧼 Paano ito maiiwasan
1. 👐 Madaling paghuhugas ng kamay – lalo na pagkatapos gumamit ng banyo, bago kumain, at matapos magpalit ng diaper.
2. 🤧 Takpan ang ilong at bibig kapag uubo o babahing.
3. 🚫 Iwasang maghiraman ng baso, kubyertos, tuwalya, laruan, o gamit ng may sakit.
4. 🏠 Ihiwalay ang batang may HMFD hanggang gumaling upang hindi makahawa.
5. 🧽 Linisin at i-disinfect ang mga madalas hinahawakan tulad ng doorknob, laruan at mesa.
🩺 Mahalagang Tandaan
Kadalasan, gumagaling ang HMFD sa loob ng 7–10 araw kahit walang gamot.
Ang gamutan ay para lamang maibsan ang sintomas (hal. gamot sa lagnat o singaw).
Kumonsulta sa doktor kung:
Hindi makainom ng tubig o gatas ang bata
Mataas ang lagnat na hindi bumababa
May palatandaan ng dehydration (tuyong labi, ihi nang ihi)
📝 Tinderang Nanay Diaries