12/07/2025
Anak, kung dumating ang panahon na malaki ka na at may sarili ka nang buhay,
Sana 'wag mo pa rin kalimutang umuwi. Sana kahit minsan, tabihan mo pa rin ako sa pagtulog—
Gaya ng dati, nung bata ka pa, ayaw mong matulog nang wala ako sa tabi mo.
Kung dumating ang araw na hindi ko na kaya ang ilang bagay,
tulad ng pagsuot ng damit, pag-inom ng gamot, o paglakad ng mag-isa,
Sana tulungan mo ako—gaya ng pagtulong ko sa’yo noon nang natututo ka pa lang.
Kung mahina na boses ko at hindi na klaro ang mga sinasabi ko,
sana intindihin mo pa rin ako.
Gaya ng pag-intindi ko sa’yo nung hindi ka pa marunong magsalita.
At kung makalimutin na ako,
sana hindi ka magalit. Ulitin mo lang—paalala mo lang sa akin ang mga bagay na kailangan ko.
Kung minsan, hindi mo maintindihan ang ugali ko…
Pasensya na, anak.
Pero sana habaan mo rin ang pasensya mo—
Gaya ng pagtitiis ko nung hindi mo ako pinapatulog noon kasi gusto mo laging karga.
Naalala mo ba ‘yun?
Nung naglalakad ka pa lang, ako ang laging nasa likod mo,
handa kang saluhin pag nadapa ka.
Nung hindi mo pa kayang magsaing, magsuklay, mag-ayos ng gamit,
ako ang gumagawa ng lahat. Dahil mahal kita.
Kaya ngayon, anak…
kung ako naman ang nangangailangan,
sana ako naman ang alalayan mo.
At kapag dumating ang araw na wala na ako,
Sana ipasa mo ang lahat ng tinuro ko sa magiging anak mo.
Higit sa lahat,
'Wag mong kalilimutan, ikaw ang pinakamamahal ko sa buong buhay ko."
CTTO