24/11/2025
Iopen nyo na mga magagandang Bible nyo sa bahay🙏🏻
Quick story time regarding sa Holy Bible ko, around 2019 sumali ako sa isang camp sa simbahan, sabi magdala ng Bible, but I don't have any, ang meron lang ako is yung pocket Bible na binigay sa school nung elementary pa ako, going back sa camp may mga groupings do'n and nakilala ko si ate Melody, sa buong 3 days and 2 nights namin sa camp napansin nila na maliit lang yung Bible ko and di ko pa masyado mabasa, after camp pabalik na kami sa Church, nagulat nalang ako na binigay sakin ni Ate Melody yung Bible nya na bigay din sakanya ng friend nya, naalala ko pa sabi nya sakin "Ingatan mo yan ha, May Bible ka na!" And eto na yun, yung Bible ko na pink, grabe gumalaw si Lord, imagine kakabigay lang ng Bible na 'to sa kanya ng dahil sa gusto nya din malaman ko ang gospel ni Lord ginawa syang way para mabigyan ako ng maayos na Bibliya, Glory to God, Thank you Ate Melody, 6 yrs ago na pero eto gamit ko ang Bible mo, nagbabalik loob sa Diyos!