25/09/2025
Check/cheque manatili itong isang blankong papel lamang.
Kapag sinulatan mo na ng amount ito
Dun lang siya nagkakaroon ng value or halaga.
Minsan nasa isip natin papel lang ito..
Kaya karamihan ginagawa nila itong kasangkapan para makapanloko at
Makapanlamang sa tao.
Marami akong nababasa ,, karamihan sa kanila mga propesyunal,, at negosyante.
Minsan nakakalimutan natin na di lamang pera ang katumbas ng kapirangot na papel na ito..
Dahil dala nito ang pangalan , karangalan , ng pamilya mo..
Imagine kung magiissue ako ng bounce check,, makikita mo ang name ko sa taas,, apelyido ng pamilyang pinagmulan ko,, at pamilyang bumubuo sa pagkatao ng mga anak ko..
Hindi lang sarili ko ang sinisira ko,, pati un pamilyang pinagmulan ko,, na nagturo sa akin na magpakatao, at ang pamilya na pinagmulan ng mga anak ko dala ang pangalan ng tatay nila .
Di ako mayaman,, kung tutuusing financially nagstruggle pa ko dahil sa panlolokong ginawa sa akin..
Pero di ako magpapakasira ng dahil sa pera,, di ko gagawin un ginawa nila sa akin..
Mas importante na malinis at buo ang pagkatao ng mga anak ko.. na khit saan sila magpunta di sila paguusapan
At maipagmamalaki pa din nila kami.
Kadalasan kahit walang alam ang pamilya natin sa mga panlolokong gingawa natin /sa kapwa nadadamay pa din sila..
Tandaan natin nakadikit sa pangalan natin un pinagmulan nating pamilya at yung pmilyang tayo mismo ang bumuo.
Kung wala kang maipapamanang pera o ariarian ,, kahit magandang pangalan na lang.. or yun respeto na lang sana na maaring ibigay ng ibang tao sa pmilya natin.
゚