06/06/2025
BAKIT HINDI AKO GUMAGAMIT NG VETSIN AT HINDI KO ITO NIREREKOMENDA.
Matagal ko nang gustong sabihin to e. Pero hinayaan ko lang muna dahil sangkaterba ang videos sa YT claiming na gumanda ang mga halaman nila at ayoko namang maging kontrabida. Pero tingnan natin ang science sa likod nito.
Ano ba ang meron sa Vetsin? Monosodium Glutamate o MSG. Kapag sinabing Monosodium Glutamate, ito ay asin o salt, sodium chloride at glutamic acid na matatagpuan sa mga pagkain kagaya ng Kamatis, seaweeds, cheese etc.
Noong 2019 ay nagkaroon ng pag-aaral dito. Gumamit sila ng MSG waste water para sa mga crops kagaya ng Mais, Wheat etc. at ang result, mabilis ang paglaki ng mga halaman, lumapad ang mga dahon at mas matingkad ang mga kulay. Madalas ko itong sabihin sa mga videos ko kung anong klaseng nutrients ang gumagawa nito, nitrogen hindi po ba?
Inote lang natin na ang ginamit sa studies na to ay waste water o ito yung by product sa paggawa ng MSG crystals o Vetsin. Ang mga napapanuod natin sa YT ay hindi waste water ang ginagamit nila kundi granules, o ung Vetsin na nasa sachet at hinahalo nila sa tubig bago ipinandidilig. Magkaiba ang waste water sa granules.
Marahil ay magtataka ka sa resulta ng paggamit ng waste water sa mga crops na mas mabilis ang paglaki, lumapad ang mga dahon na nagagawa lang ito ng nitrogen e wala namang nitrogen sa Monosodium Glutamate. FYI, ang nitrogen ay nakapaloob sa Glutamate at ang Glutamate ay isang amino acids na kailangan para magkaroon ng protein, at ang protein ang kailangan ng halaman para magkaroon ng chlorophyll para sa photosynthesis at para makagawa ang halaman ng sarili niyang pagkain.
Kaya walang duda na nakakatulong sa paglaki ng halaman, paglago ng mga dahon at pagtaba ng mga stems ang MSG dahil nga sa nitrogen.
Ang kaso, 99 percent ng videos about Vetsin ay kiniclaim na nagpaparami daw ng bunga, e wala namang potassium sa MSG. Ito ay hindi totoo, for the content lang yan.
Ang mga nabanggit natin ay good effect ng MSG sa halaman. Pero may bad effect yan at pang matagalang bad effect.
Ang sodium na nasa MSG ay sumisira sa natural na istruktura ng lupa. Sa madalas din na paggamit ng MSG, pinapatay nito ang mga microbes sa lupa na napakaimportante sa organikong paghahalaman. Sa huli, nawawala ang natural na katangian ng lupa na makapag regenerate pagkatapos ang kada pagtatanim.
Para sa akin, mag vermicast ka na lang.
Ang problema kasi sa mga ibang content creator, karamihan pero hindi lahat, ugaling gaya-gaya. Kapag may pumatok na isang content o video, nag-uunahan din silang gumawa ng sariling version habang mainit-init pa ang topic. Hindi na sinusuri ang katotohanan o kredibilidad ng isang content.
Dalawa lang ang punto dito sa post ko.
1. Ang MSG ay nakakatulong sa halaman pero nakakasira ng lupa.
2. Hindi pampabunga ang MSG, pamparami lang yan ng views 😂