24/09/2024
True
ROSANNA ROCES, IPINAALALA SA MGA NETIZENS KUNG GAANO KAHALAGA ANG PERA.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Rosanna Roces ang kanyang mga napagtanto matapos niyang mawalan ng career at maglustay ng pera.
Ayon sa kanya ay saka lamang naisip ang mga ginawa niyang mali noon sa kanyang karera noong nawalan na siya ng trabaho.
Dahil dito ay tuluyang binago ni Osang ang kanyang sarili at naging professional pagdating sa trabaho.
Inamin niya rin na sinamba niya noon ang pera.
"Pag ganon na nag-o-overflow (yung pera) tapos hindi mo alam i-handle, naiiba ka talaga ng pera," the actress said. "Saka 'yung pinaka-ayaw kong ugali noon, wala akong Diyos, hindi ako nagpapasalamat sa Diyos kaya nakakahiya," ani Rosanna.
"Parang ang Diyos ko ay pera." dagdag pa niya.
Hindi rin naman masisi ng aktres ang kanyang sarili noon dahil alam niya kung gaano makapangyarihan ang pera.
"Kahit matalino ka.. Ang unang-una ngang bibitaw sa'yo ay yung mga kamag-anak mo, 'yung mga natulungan mo.. Akala mo tutulungan ka nila? No," aniya.
"Kaya dapat maawa ka sa sarili mo, gumawa ka ng pera dahil pera is dignity, trabaho is dignity.. Pag wala ka pareho niyan kawawa ka," dagdag pa niya.