17/08/2025
๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก | ๐ด๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐
๐๐ ๐๐ ๐ช๐จ๐ป, ๐ท๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐ 2025-2026
Athens Academy, Agosto 15, 2025 โ Sa isang makulay at makabuluhang seremonya, pormal na itinalaga ang mga bagong opisyal ng Citizenship Advancement Training (C.A.T.) para sa taong panuruan 2025-2026.
Nagbukas ang programa sa pagpasok ng mga platoon at kanilang mga pinuno: sina Ginoong Vidallon (Unang Platoon), Ginoong Clorado (Ikalawang Platoon), Ginoong Dianela (Ikatlong Platoon), Ginoong Espiritu (Ikaapat na Platoon), Binibining Pimentel (Ikalimang Platoon), Binibining Obrero (Ikaanim na Platoon), at Binibining Domingo para sa COCC (Cadet Officer Candidacy Course). Sinundan ito ng pagpasok ng kawal ng watawat na pinangunahan ng National Student Convention (NSC) Color Guards ng Athens Academy.
Isinagawa ang pambungad na panalangin sa pamumuno ni Kadet Legaspi at ang pagkanta ng Lupang Hinirang na pinangunahan ni Kidet Baltazar. Nagbigay naman ng inspirasyonal na pananalita ang kagalang-galang na punong-g**o ng Athens Academy, Inc. na si Ginang Josefe T. Taรฑo, na nagpahayag ng kanyang paghanga sa sipag at tiyaga ng mga opisyal na nagsimula pa bilang mga COCC noong nakaraang taon. Ang kanilang walang kasawaan na paglilingkod para sa mga Ateniano ay hindi kailanman kumukupas.
Pinangunahan ng CAT Commandant na si Ginoong Chester C. Badong, kasama sina Pangulong Joean C. Bieren at Pastor Neil Q. Miรฑa, ang pinakahinihintay na bahagi ng programaโang pagtatalaga ng mga bagong opisyal ng C.A.T.
Itinalagang Mga Opisyal:
Corps Commander
Lt. Col. Carullo, Khayecia Giermaeh B.
S3 / Executive Officer (Vice Corps Commander, Regular Activities & Duties)
Maj. Espiritu, Robbie G.
COCC Commander
Maj. Domingo, Shekinah
S1 (Records)
Capt. Pimentel, Lyana Kirsten
S2 (Exams)
Capt. Tomas, Dharric Reece D.
S4 (Supply)
Capt. Maagma, Matthew Ezekiel C.
Platoon Leaders (1st Lieutenant)
Remolazo, Tristan S.
Ballares, Matthew P.
Maghinay, Adriel John C.
Nemenzo, Sean John S.
Vidallon, Aldwayne B.
Clorado, Charles Lawrence A.
Assistant Platoon Leaders (2nd Lieutenant)
Basco, Eryza Patrice
Castillo, Trisha Nicole C.
Obrero, Jasmine Leigh M.
Dianela, Jerald D.
Gutierrez, Chris Yuri P.
Lozano, Earl A.
Matapos ang pagtatalaga, nagbigay ng isang mensaheng pandedikasyon ang pangulo ng institusyon na si Dr. Bieren. Nag-iwan ito ng insipirasyon sa mga bagong halal na opisyales; tampok dito ang pagiging matapang at pagkakaroon ng maayos na pamumuno, na mas lalong nagpatibay at nagbigay ng katatagan sa mga opisyales.
Isinagawa naman ang panunumpa ng isang sundalong Pilipino na pinamunuan ni 1st Lieutenant Ginoong Ballares. Agad naman itong sinundan ng pangwakas na pananalita na ibinigay naman ng kagalang-galang na si Pastor Neil; itinampok niya rin ang paglilingkod para sa Diyos, bansa, at sangkatauhan na dapat lagi maghari sa bawat puso. Aniya, ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nakikita sa pagtupad ng tungkulin araw-araw.
Nagwakas ang programa sa paglabas ng kawal ng watawat sa pangunguna ng NSC Color Guards, kasunod ang pangwakas na panalangin ni Kidet Cardenas. Dagdag pa rito ay lumisan na rin ang bawat opisyales at mga kadete sa pagmamartsa.
Ang pagtatapos ng kanilang paglalakbay bilang isang COCC ay isang malaking simbolo ng sipag at tiyaga ng isang taong puno ng determinasyon at dedikasyon na maglingkod para sa bayan. Muli ay binabati namin ang mga bagong halal na opisyales ng CAT.
๐๐๐ฃ๐ช๐ฃ๐ช๐ก๐๐ฉ: Robbie G. Espiritu
๐๐๐ ๐๐ช๐ข๐ช๐๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ง๐๐ฉ๐ค: Jamila Rich P. Ojastro at Gabriel Julian S. Remolazo