DWPM Radyo 630

DWPM Radyo 630 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DWPM Radyo 630, Media/News Company, 32nd Street corner 9th Avenue, Taguig.

05/05/2025

Agenda: P.S. Res. No 1267 – Investigation, in aid of legislation, into the discovery of a submersible drone off the coast of Brgy. Inawaran, San Pascual, Masbate (By: Sen. Tolentino)

Taking into consideration:

P. S. Res. No. 1328 – Inquiry, in aid of legislation, on the alleged maritime spying activities conducted by six (6) Chinese Nationals and one (1) Filipino in Subic, Zambales who were arrested by the National Bureau of Investigation (NBI) last 19 March 2025 (By: Sen. Tolentino

'Yung ikaw napiling ilaban sa poster making contest, pero kuya mo may gawa nung iyo.
26/04/2025

'Yung ikaw napiling ilaban sa poster making contest, pero kuya mo may gawa nung iyo.



Nagpaalala si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro nitong Biyernes, Abril 25, na ...
26/04/2025

Nagpaalala si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro nitong Biyernes, Abril 25, na mag-ingat sa mga umano’y fake news peddlers na tina-target ang P20 per kilo rice initiative ng administrasyon.

"Mayroon po kaming pasabi na mag-ingat po na malamang ay may manabotahe sa proyekto pong ito ng Pangulo patungkol po sa bente pesos per kilo or kada kilo ng bigas,” aniya.

Ito ay matapos mag-viral sa social media ang isang video na nagsasabing ang naturang bigas na ibebenta sa naturang inisyatibo ay katulad ng pagkain ng hayop.

Muli namang iginiit ni Castro na ang bigas na ibebenta sa halaganag P20 kada kilo ng administrasyong Marcos ay pareho ng bigas na nabibili sa halagang P33 kada kilo.




Sa ginanap na press briefing ng Malacañang ngayong Biyernes, Abril 25, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO...
26/04/2025

Sa ginanap na press briefing ng Malacañang ngayong Biyernes, Abril 25, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro na sinibak na sa pwesto ang principal na sangkot sa nangyaring “toga incident” sa graduation ceremony ng isang eskwelahan sa Laua-an, Antique.

Sa nag-viral na video ng insidente, makikita ang principal na pinapatanggal sa mga estudyante ang suot-suot nilang toga.

Sinabi din ni Castro na ang magiging desisyon kaugnay sa pagtanggal ng lisensya sa naturang principal ay hindi manggagaling sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. o kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.

“Tinanggal lamang po siya sa pagiging principal, 'yung license naman po niya ay hindi naman manggagaling sa pag-uutos ng Pangulo o DepEd Secretary,” aniya.



26/04/2025
Batay sa pinakahuling datos ng Leechiu Property Consultants (LPC) nitong Martes, Abril 8, mayroong 81,400 condo units na...
18/04/2025

Batay sa pinakahuling datos ng Leechiu Property Consultants (LPC) nitong Martes, Abril 8, mayroong 81,400 condo units na available sa 622 aktibong binebentang gusali sa Metro Manila nitong unang quarter na aabutin ng mahigit tatlong taon bago maibenta kumpara sa normal na 12 buwang turnover ng merkado.

Bumaba rin ng 77 porsyento ang mga bagong inilunsad na unit sa unang tatlong buwan na umabot lamang sa 1,347 units, ang pinakamababa sa loob ng limang taon.

Samantala, tumaas ng 14 na porsyento ang demand sa 6,508 units, habang nanatiling mataas ang kanselasyon mula sa nakaraang quarter na nasa 9,000 units.

Dinagsa ng mga deboto ngayong Abril ang libingan ng tech-savvy teen na si Carlo Acutis, na pumanaw noong 2006 sa edad na...
18/04/2025

Dinagsa ng mga deboto ngayong Abril ang libingan ng tech-savvy teen na si Carlo Acutis, na pumanaw noong 2006 sa edad na 15 dahil sa sakit na leukemia, na itatalaga bilang santo sa misa na gaganapin sa Linggo, Abril 27.

Kilala bilang “God’s Influencer” o “Cyber Apostle,” nilaan ni Carlo ang kanyang maikling buhay sa pagpapalaganap ng pananampalataya sa internet.

Dumarami ang mga deboto na dumadalaw sa kanyang labi kung saan halos isang milyong tao ang dumalaw noong nakaraang taon at higit 400,000 na ang dumalaw ngayong 2025.

Ayon kay Archbishop Domenico Sorrentino, ang bishop ng Assisi, umaasa siyang magdadala ng bagong agos ng mga mananampalataya ang ang gaganapin na canonization ni Carlo.

Nanindigan ang anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica "Kitty" Duterte na wala siya dapat na ipaliwanag ...
18/04/2025

Nanindigan ang anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica "Kitty" Duterte na wala siya dapat na ipaliwanag tungkol sa nag-viral na mga larawan at video na nagpapakita na may hawak siyang US passport.

Matatandaan na nag-viral ang screenshot photo ni Veronica na may hawak na US passport bago niya ito inilagay sa loob ng kanyang mamahaling Prada handbag nang humarap sila sa media at pro-Digong supporter sa ICC detention facility kung saan nakakulong ang kanilang ama dahil sa kasong crimes against humanity.




Humingi ng paumanhin si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. sa vlogger na si Krizette Laureta Chu sa nangyari...
18/04/2025

Humingi ng paumanhin si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. sa vlogger na si Krizette Laureta Chu sa nangyari matapos nilang magkaharap sa ginanap na House Tri Committee hearing kaugnay sa patuloy na paglaganap ng fake news.

Mapapanood sa video na kuha ng vlogger na humihingi ng paumanhin ang mambabatas sa kanya matapos umiyak ng vlogger kasunod ng kanilang paghaharap sa ginanap na pagdinig.

“But you already did,” sagot ni Krizette.

“I never expected that, I’m sorry again,” tugon naman ni Abante.



Nanawagan si Makati City Mayor Abby Binay ng pagkakaisa ng buong komunidad upang masig**o ang kaligtasan ng mga estudyan...
18/04/2025

Nanawagan si Makati City Mayor Abby Binay ng pagkakaisa ng buong komunidad upang masig**o ang kaligtasan ng mga estudyante sa bawat paaralan, lalo na sa maayos na pagpapatupad ng Anti-Bullying Act.

Aniya, mahalaga ang balanse at maingat na pagtugon sa mga kamakailang insidente ng bullying sa mga pampublikong paaralan, na binigyang-diin na ang labis na mga hakbang sa seguridad ay hindi magiging epektibo at maaaring magdulot ng higit pang pinsala kaysa kabutihan.

Nanawagan din si Mayor Abby sa mga school admins, g**o, security personnel, magulang, guardians, at mga opisyal ng barangay at pulisya sa pagpapatupad ng Anti-Bullying Act upang matiyak ang isang suportadong kapaligiran para sa mga estudyante.

“The task of keeping our schools safe havens for learning entails sustained and strategic collaboration among all stakeholders,” sabi ng alkalde at senatorial candidate.





‘HUWAG KANG MAWALAN NG PAG-ASA 🙏’ Ito ang paalala ni Rev. Fr. Joseph Fidel Roura, ang kasalukuyang pari ng Our Lady of L...
18/04/2025

‘HUWAG KANG MAWALAN NG PAG-ASA 🙏’ Ito ang paalala ni Rev. Fr. Joseph Fidel Roura, ang kasalukuyang pari ng Our Lady of La Salette Quasi-Parish sa Muzon sa San Jose del Monte City, Bulacan kaugnay sa pagharap sa mga dinaraanang pagsubok sa buhay.

Sinabi niya na ang mga problemang kinakaharap ng isang tao ay maaaring magdala sa kanila sa mga biyaya na kanyang hinihiling kung kaya’t mahalaga na patuloy lang harapin ito at huwag mawalan ng pag-asa.


Idinaraan ito sa misa o natatanging liturhiya, kung saan ang mga pari at piling miyembro ng parokya ay nagbabahagi ng ka...
18/04/2025

Idinaraan ito sa misa o natatanging liturhiya, kung saan ang mga pari at piling miyembro ng parokya ay nagbabahagi ng kanilang mga pagninilay ukol sa kahulugan at mga aral na maaaring makuha mula sa bawat huling salita ni Hesus.

Layunin nitong mapalalim ang pananampalataya at pag-unawa ng mga mananampalataya sa sakripisyo ni Kristo para sa sangkatauhan.


Address

32nd Street Corner 9th Avenue
Taguig
1637

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DWPM Radyo 630 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share