18/07/2025
False humility is not holiness, it’s hiding.
Sa totoo lang, madalas nating pinupuri ang pagiging tahimik, palaging umaatras, at “ayoko na lang po” attitude sa loob ng simbahan. Pero minsan, hindi ‘yan tunay na kababaang-loob. Minsan, yan ay takot. At ang takot na ‘yan, naka-costume lang ng humility.
Madalas nating naririnig:
"Di po ako karapat-dapat."
"Marami pa pong mas magaling."
Pero ang tanong, tinatawag ka ba ni Lord? Kasi kung oo, at tumatanggi ka pa rin, hindi na ‘yan humility. Disobedience na ‘yan.
Nakakalungkot pero totoo, false humility is one of the most celebrated diseases sa Church. Pero sa totoo lang, tahimik man ito, unti-unting pinapatay ang authenticity ng mga Kristiyano. Dinidelay nito ang assignments natin. At higit sa lahat, ninanakawan nito ang Diyos ng kaluwalhatiang nararapat sa Kanya.
Kasi habang tinatanggihan mo ang calling mo, may mga taong hindi naaabot. Habang natatakot ka, may mga bagay na hindi nagagawa sa Kingdom.
Minsan iniisip natin, “Eh mahina lang naman ako.”
Perfect.
Kasi ang mga tinatawag ng Diyos ay hindi palaging malalakas.
Pero sila yung handa sumunod.
Si Moses, daming excuse.
Si Gideon, punong-puno ng duda.
Pero tinawag pa rin sila ng Diyos.
Hindi dahil magaling sila, kundi dahil tapat ang Diyos.
True humility doesn’t hide.
It surrenders.
Kaya kung tinatawag ka ng Diyos, hindi mo kailangang maging confident. Ang kailangan mo lang ay maging obedient.
Tama na ang pagtatago.
Simulan mo nang sumunod.
Para sa Kanya. Para sa Kanyang Kaharian.