Islamic Dawah

Islamic Dawah ANG PAG-AARAL SA KANYANG RILIHIYON AY OBLIGADO SA ISANG MANANAMPATAYANG MUSLIM

Paksa natin sa Friday na daratingAng Kainaman ng Nagpapautang at Nagpapaluwag sa May Kahirapanالحمد لله رب العالمين، نحم...
10/05/2026

Paksa natin sa Friday na darating

Ang Kainaman ng Nagpapautang at Nagpapaluwag sa May Kahirapan

الحمد لله رب العالمين، نحمده ونستعينه ونستغفره ونتوب إليه، ونعوذ بالله من شرور أنفسنا ومن سيئات أعمالنا، من يهده الله فلا مضل له ومن يضلل فلا هادي له، وأشهد أن لا إله إلا الله وحده لا شريك له، وأشهد أن محمدًا عبده ورسوله، صلى الله عليه وعلى آله وصحبه وسلم تسليمًا كثيرًا.

أَمَّا بَعْدُ:

فَإِنَّ أَصْدَقَ الْحَدِيثِ كِتَابُ اللَّهِ، وَخَيْرَ الْهَدْيِ هَدْيُ مُحَمَّدٍ ﷺ، وَشَرَّ الْأُمُورِ مُحْدَثَاتُهَا، وَكُلَّ مُحْدَثَةٍ بِدْعَةٌ، وَكُلَّ بِدْعَةٍ ضَلَالَةٌ، وَكُلَّ ضَلَالَةٍ فِي النَّارِ.

Mga kapatid sa Islām, tunay na kabilang sa magagandang ugali ng isang Muslim ay ang pagiging maawain, mapagpatawad, at pagpapaluwag sa kapwa lalo na sa oras ng kahirapan. Maraming tao ang nabibigatan sa utang, sa gastusin, at sa kakulangan ng kabuhayan. Kaya ang Islām ay nagturo ng awa at hindi ng pagpapahirap.

Sinabi ng Allah

قال تعالى: (وَإِن كَانَ ذُو عُسْرَةٍ فَنَظِرَةٌ إِلَىٰ مَيْسَرَةٍۖ وَأَن تَصَدَّقُواْ خَيْرٌ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ)

“At kung ang may utang ay nasa kahirapan, bigyan siya ng palugit hanggang sa kaginhawaan; at ang magbigay ng kawanggawa ay mas mabuti para sa inyo, kung inyong nalalaman.” (Al-Baqarah: 280)

Mga kapatid, ipinapakita ng āyah na ito na hindi dapat gipitin ang taong tunay na walang kakayahang magbayad. Sa halip, dapat siyang bigyan ng palugit at pagkakataon hanggang siya ay makaluwag. At higit na mainam kung patawarin o bawasan pa ang kanyang pagkakautang bilang ṣadaqah.

At kabilang sa dakilang halimbawa nito ay ang ḥadīth ni Abu Hurairah رضي الله عنه:

> عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «كان رجلٌ يُدَايِنُ الناسَ، فكان يقول لفتاه: إذا أتيتَ مُعسِرًا فتجاوز عنه، لعل اللهَ يَتجاوزُ عنا، فلقي اللهَ فتجاوز عنه».
[صحيح - متفق عليه - صحيح مسلم 1562]

Mula kay Abu Hurairah r.a., sinabi ng Propeta ﷺ: “May isang lalaki na nagpapautang sa mga tao; sinasabi niya sa kanyang alipin: ‘Kung may dumating na hindi makabayad, patawarin mo siya, baka pagparaitan din tayo ng Allah.’ Nang siya ay mamatay, pinatawad siya ng Allah.”

Subḥānallāh. Hindi binanggit sa ḥadīth na siya ay maraming ṣalāh o maraming pag-aayuno, ngunit dahil sa kanyang awa at pagpapatawad sa mga may kahirapan, pinatawad siya ng Allah.

At sa isa pang ḥadīth:

> عن حذيفة بن اليمان رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: "إنَّ رَجُلًا كانَ فِيمَن كانَ قَبْلَكُمْ، أتاهُ المَلَكُ لِيَقْبِضَ رُوحَهُ، فقِيلَ له: هلْ عَمِلْتَ مِن خَيْرٍ؟ قالَ: ما أعْلَمُ، قيلَ له: انْظُرْ، قالَ: ما أعْلَمُ شيئًا، غيرَ أنِّي كُنْتُ أُبايِعُ النَّاسَ في الدُّنْيا وأُجازِيهِمْ، فَأُنْظِرُ المُوسِرَ، وأَتَجاوَزُ عَنِ المُعْسِرِ، فأدْخَلَهُ اللَّهُ الجَنَّةَ." [صحيح البخاري]

Mula kay Hudhaifah bin Al-Yaman r.a., sinabi ng Propeta ﷺ: “May isang lalaki mula sa mga nauna sa inyo, pinuntahan siya ng anghel upang kunin ang kanyang kaluluwa. Tinanong siya: ‘May ginawa ka bang kabutihan?’ Sabi niya: ‘Hindi ko alam.’ Sinabi: ‘Tingnan mo.’ Sabi niya: ‘Wala akong alam, maliban sa pakikitungo ko sa mga tao sa mundo; binibigyan ko ng palugit ang may kahirapan at nagpapatawad ako sa kanila.’ Kaya pinasok siya ng Allah sa Paraiso.”

Mga kapatid, ito ay nagpapakita na ang mabuting pakikitungo sa mga tao ay dahilan ng awa ng Allah. Ang taong marunong magpagaan sa hirap ng iba ay pagagaanin din ng Allah sa Araw ng Paghuhukom.

Sinabi rin ng Sugo ng Allah ﷺ:

> سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«مَنْ سَرَّهُ أَنْ يُنْجِيَهُ اللهُ مِنْ كُرَبِ يَوْمِ الْقِيَامَةِ فَلْيُنَفِّسْ عَنْ مُعْسِرٍ أَوْ يَضَعْ عَنْهُ». [صحيح - رواه مسلم]

“Ang nagnanais na iligtas siya ng Allah mula sa hirap sa Araw ng Paghuhukom, ay paluwagin ang may kahirapan o patawarin siya.”

Napakalaki ng mga paghihirap sa Araw ng Qiyāmah. Kaya sino man ang nais ng kaligtasan sa araw na iyon ay maging maawain sa may utang at huwag maging malupit.

At sinabi rin ng Propeta ﷺ:

قال صلى الله عليه وسلم: «من أنظر معسرا كان له كل يوم صدقة، ومن أنظره بعد حله كان له مثله في كل يوم صدقة». [رواه أحمد وغيره - صحيح]

Mula kay Buraidah bin Al-Husayb Al-Aslami r.a., sinabi ng Propeta ﷺ:
“Ang nagbibigay ng palugit sa may kahirapan ay para sa kanya ang gantimpala ng isang arawang kawanggawa; at kung pagkatapos ng takdang panahon ay pinahintulutan pa rin, para sa kanya ay kaparehong gantimpala sa bawat araw.”

Ibig sabihin, bawat araw na ikaw ay nagpapaluwag sa taong may kahirapan ay para kang nagbibigay ng ṣadaqah araw-araw. Gaano kalaki ang awa ng Allah!

At sinabi rin ng Sugo ng Allah ﷺ:

قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: «مَنْ أَنْظَرَ مُعْسِرا، أو وضع له، أظَلَّهُ الله يوم القيامة تحت ظِل عرشه يوم لا ظِلَّ إلا ظِلُّه». [صحيح - رواه الترمذي والدارمي وأحمد]

Mula kay Abu Hurairah r.a., sinabi ng Propeta ﷺ: “Ang nagbibigay ng palugit sa may kahirapan, o nagpapagaan sa kanyang pasanin, ay liliman ng Allah sa Araw ng Paghuhukom sa ilalim ng Kanyang Trono, sa araw na walang ibang lilim kundi ang Kanyang lilim.”

Mga kapatid sa Islām, alalahanin natin na ang kayamanan ay pagsubok. Huwag nating gamitin ito upang apihin ang mga tao. Ang tunay na Muslim ay maawain at madaling pakisamahan. Kung kaya mong maghintay, maghintay ka. Kung kaya mong magpatawad, magpatawad ka. Sapagkat ang gantimpala nito ay dakila sa Allah.

نسأل الله تعالى أن يجعلنا من الرحماء بعباده، وأن يرزقنا حسن الخلق، وأن يبارك لنا في أموالنا وأرزاقنا، وأن يغفر لنا ولوالدينا ولجميع المسلمين.

أقول قولي هذا وأستغفر الله لي ولكم ولسائر المسلمين، فاستغفروه إنه هو الغفور الرحيم.

Naway nag silbi sa atin eting paksa.

10/05/2026

Part 30

10/05/2026

Part 29

10/05/2026

Part 28

10/05/2026

Part 27

10/05/2026

Part 26

10/05/2026

Part 25

10/05/2026

Part 24

10/05/2026

Part 23

10/05/2026

Part 22

10/05/2026

Part 21

Address

Taguig

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Islamic Dawah posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Islamic Dawah:

Share