31/07/2025
Please take time to read❗️
Sahod???
(Ilan lamang yan sa mga nagtrending namin na mga post)
"Expectation: baka po kasi yan ang akala ng mga ffs natin/nung iba na ganyan ang sahudan kada views vs Reality: Kasi ganyan po talaga earnings sa meta kahit noon pa"
Magandang araw po mga kagutz,gusto ko lang pong linawin about sa mga nagcocomment kung sumasahod ba ang mga members ko?
ang sagot po dyan is hindi,
kasi hindi po talaga kaya,makikita nyo naman po dyan sa pics yung sample,mga creator lang din po gaya ko ang makakapagsabi na ganyan po talaga ang kalakaran pagdating sa earnings ng isang creator. Unless kung gaya po ako nina ser geybin,ivana at iba pang mga creator na mataas talaga ang mga followers at may mga iniendorse na mga products at yung iba pang creator is mga sugal ang mga pinopromote,ayaw ko naman po ng ganun,na galing sa masama at madumi yung pera,tapos marami pa pong mga matatamaan at masisira na buhay dahil sa sugal,kahit malaki na po offer sakin,hindi ko po yun tinatanggap dahil nga po dyan.
Hindi din po basehan ang taas ng followers sa kikitain ng isang creator,nakabase din po yun sa performance ng bawat videos,kahit mataas po yung views,pero kokonte naman po mga nagcocomments at reacts,hindi din po ganung kaganda ang earnings na bnibigay ni meta.Ganun po madalas ang mga video namin.Tapos sasabayan pa po ng magkakaron ng violations,gaya nung nakaraan,kahit hindi naman po kami dapat magkaron ng violations pero napatawan pa din po kami,kaya almost 3months din po kaming walang vlog nun,kasi wala po akong sinahod ng 2 months,dyan po kasi ko kumukuha ng pampalaro sa kanila,ampangit naman po kung maglalaro sila taz wala sila makukuha,hindi po kami ganun,although yung ibang prices is hindi tumutugma,pero hindi po scripted ng lahat ng palaro namin,mababakas nyo naman po sa mga reaksyon at ngiti nila kung ito ay scripted o hindi.Sa Yt naman po is nag aaverage lang kami ng 4k views pataas,kaya magkano lang din po earnings dun.
Pinapaliwanag ko lang po baka po kasi isipin nung iba dyan na mayaman na po ako😞
Sana po totoo na lang yan,para hindi na kami nangungupahan,para hindi na kami magcocommute at para hindi ko na isipin kung san kami kukuha ng panggastos sa nalalapit na panganganak ng asawa ko😢
Hindi po mataas/malaki ang sinasahod ko dito,
Kung tumaas man po is binabahaginan ko po sila,kasi need din po nila yun at itinitreat ko po sila,gaya nung sumahod ako ng nasa 220k,pinakamataas na yun,
Nagpunta kami ng baguio,libre ko po lahat taz may pocket money din po sila at bukod pa po dun yung pampapremyo sa bwan na yun.
Hindi po ko madamot sa kanila lalo pag may ganyan.Alam naman po nila yun at sinasabi ko po yun sa kanilang lahat.
Binuo ko pong team na to para matuto po sila at magenjoy sa bawat palaro ko at higit sa lahat para sumikat din po at kumita na din para sa pansarili nila,gaya nalang nina Nalah,Incess,Cris,Aika,Ash,Angel at sina Heart din po na mataas na din follower soon kikita na din po sila.
Yung iba naman po is may page sila pero hindi sila ganung kasipag magpost gaya nila.
At bale uulitin ko lang din po,matagal ko na po sinasabi dito,kahit noon pa,na once/twice a month lang po vlog namin which is twing sat/sunday lang po,para wala po silang pasok lahat,para hindi sila naaabala.
Nagsimula po itong page ko na to as in zero po talaga,nakikipag engage din po ako gaya nung mga small content creator dati,taz nagpaboost din po ako nun,pero wala pa din,hanggang sa nagpandemic bata pa sina Nalah nun,nanalo ako online sa PBB as stay at homemates of the day,kasama ko po dyan si Nalah at mas nakababata nyang kapatid na si Vash,dyan po nagsimula lahat sa challenge na yan.Hanggang sa napunta na po kami sa pagvavlog ng mga pachallenge pero bago yun,nagvlog din po muna ako ng pansarili,about sa mga workout sa gym,pero wala po nangyari at pinalitan ko po nung namimigay ng libreng ticket sa cinehan at dun po ako nagtrending at nakakuha ng pampapremyo para sa pampachallenge ko sa mga bata,
nagsimula sa pasampu sampu,hanggang sa may nabibigyan na ko ng cellphone,at nung oct 01 2022 nagstart ng mabuo ang Team Kagutz.
Kaya sa mga solid fans talaga ng Willgutz,sila po talaga ang nakakakilala samin at kung san po kami nanggaling.
Kung mangyari man po na gumanda sahod ko at gumanda na bigayan samin ni Meta,hindi po ako magaatubiling pasahudin sila lahat kada bwan.Kung matataas na po mga views,kung M views na lahat gaya nina ser geybin wala po problema dun,
Pero sa ngayon napakalabo pong mangyari yun,kasi madalas na kada vlog namin is nalulugi pa😢 taz andami pa po nila,mabuti na nga lamang po at may earnings na sa stories at sa photos,kasi kung wala po,wala na po kung mapagkukunan ng pampalaro sa kanila,at baka matigil na muna pagvavlog namin😞
kaya pasensya na po kung madalas is paulit ulit ang stories na pinopost ko,yung 1 view nyo kasi ay malaking tulong na sa kanila,pero inaassure ko po sa inyo na kada araw is may mapopost po ako sa inyo na bagong vlog or reels man yan.
Kung tutuusin po,hindi ko na po kelangang magpaliwanag sa inyo,kasi masyado na po yang confidential,pero since na laganap na din po ang mga vlogger dito sa pinas,at marami pong makakaintindi sakin,kaya inexplain ko na din po lahat at para mabawasan na din po isipin ko about dyan kasi nakakastress din po as a creator na may mababasa lagi na ganyan,na akala nila ay mayaman na ako 😢
Totoo nalang po talaga sana yan para hindi na ko mag isip kung sana ako kukuha ng panggastos at pampapremyo😞
Tapusin ko na po dito,kasi masyado na pong mahaba.
Maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik sa grupo namin. Pangako po na hindi kami titigil sa pagpopost lagi at sa pagbavlog para lang mapasaya po namin kayong lahat.
Maraming salamat po sa pagunawa at suporta sa amin.
Mahal po namin kayo.💕