13/05/2025
Mula po sa pamilya CERAFICA ang aming taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta at nagtiwala sa akin sa nakaraang halalan para sa Unang Distrito ng Taguig City at Bayan ng Pateros.
Sa aking mga ka partido, leaders, coordinators, watchers, riders, at lahat ng mga nakasama sa laban na ito, maraming salamat po sa sakripisyo, panahon, pagtitiwala, panalangin at pagmamahal na ibinahagi niyo sa ating grupo. Damang dama po namin ang pagmamalasakit at tulong ninyo nang walang anumang kapalit.
Hindi man po natin nakamit ang tagumpay para sa hangarin nating pagbabago sa ating bayan marahil may ibang plano ang Diyos para sa atin.
Muli po, maraming salamat sa inyong lahat. Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal.