27/08/2025
PASAY SHOOTING SUSPECT KALABOSO; ₱7.7M DROGA TIMBOG SA PULISYA
PASAY CITY – Agad na rumesponde ang Pasay City Police Station (CPS) at naaresto ang isa sa dalawang suspek sa pamamaril noong Agosto 23, 2025 sa Taft Avenue, Brgy. 90, Pasay City, kung saan nasawi ang isang pulis ng MPD at sugatan ang dalawang sibilyan.
Nakilala ang mga suspek bilang alias “Sansuwe” (gunman, kasalukuyang pinaghahanap) at alias “Bayona” (driver). Alas-2:57 ng madaling araw ng Agosto 24, natunton at inaresto si Bayona sa Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas, Cavite, sa pangunguna ni PCOL Joselito M De Sesto, Chief of Police ng Pasay CPS. Nasamsam din ang motorsiklo, helmet, at jacket na ginamit sa krimen.
Si Bayona ay nahaharap sa mga kasong Robbery with Homicide, Frustrated Homicide, at Attempted Homicide. Tiniyak ni SPD Acting District Director PBGEN Randy Y Arceo na patuloy ang manhunt operations upang mahuli si Sansuwe at mapanagot sa batas.
₱7.7M HALAGA NG DROGA, NASAMSAM!
Samantala, patuloy ang maigting na kampanya laban sa ilegal na droga matapos masamsam ng Southern Police District (SPD) ang mahigit ₱7.7 milyon halaga ng droga mula Agosto 18 hanggang 24, 2025.
Sa 55 buy-bust operations, kalaboso ang 79 drug personalities na binubuo ng 26 na tulak at 53 na user. Kabilang sa mga nakumpiska ay:
■564.6 gramo shabu (halaga ₱3.8M)
■197.6 gramo ma*****na (halaga ₱1.5M)
■791 ecstasy tablets
■200 gramo ketamine (halaga ₱1M)
■Vape cartridges na may cannabis oil
Pinakamalaking halaga ay mula sa Parañaque CPS na umabot sa ₱4.1M, sinundan ng District Drug Enforcement Unit (₱2.04M). May kontribusyon din ang Taguig at Las Piñas na parehong higit ₱400,000, habang nag-ulat din ng accomplishment ang Makati, Pasay, Muntinlupa, at Pateros.
Ayon kay PBGEN Arceo, ang resulta ay patunay ng pagkakaisa at determinasyon ng SPD sa pagsuporta sa pambansang kampanya laban sa droga.
Ang mga operasyong ito ay alinsunod din sa policy framework ni NCRPO Regional Director PMGEN Anthony A. Aberin — “Able, Active, Allied.”
Able – Laging handa at may kakayahan ang mga pulis sa pagtugon.
Active – Agresibo at mabilis ang pagkilos kontra krimen.
Allied – Mahigpit ang pakikipag-ugnayan sa komunidad para sa kaligtasan ng lahat.