
18/09/2025
🧵✨ Mula sa Takot Hanggang naging Hilig ✨🧵
Unang beses kong humawak ng makina, nasa Grade 4 pa lang ako. Gusto kong tahiin ang damit ng malaki kong manika, pero imbes na matapos, naipit pa ang daliri ko sa karayom 😅. Nasugatan ako, nabali pa ‘yung karayom (huling karayom na ni Nanay!), at syempre napagalitan ako kasi malayo pa ang tindahan para makabili ng kapalit. Doon ko sinabi sa sarili ko: “Hindi na ako hahawak ng makina ulit!”
Pero may plano pala ang tadhana. Pagkatapos ng high school, hindi na ako nakapagpatuloy ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Inaya ako ng pinsan ko na magtrabaho sa garments factory bilang repacker. Ayos naman ang kita, pero mas mataas ang sahod ng mga mananahi. Kaya kahit takot, sinubukan kong matuto. Sa una kabado ako, pero habang tumatagal, nasanay na rin ako. Hanggang sa nag-enjoy na ako at natuwa kasi mas mataas na ang kita ko.
Ngayon, hindi na takot ang dala ng pananahi kundi saya at pagmamalaki. Bawat tahi ay paalala kung gaano kalayo na ang narating ko. 💖
👉 Ikaw naman—naaalala mo pa ba ang unang beses mong natahi or gawin ang kinatatakutan mo kahit nakakatawa, nakakatakot, o nakakainspire? I-share mo sa comments, gusto kong mabasa ang kwento mo! ✂️✨
゚viralシviralシfypシ゚viralシalシ