28/09/2025
๐ก๐ก๐ก
๐๐๐. ๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ โ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐; โฑ9๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Umalingawngaw ang plenaryo matapos tirahin ni Kamanggagawa Partylist Rep. Elijah โEliโ San Fernando ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) kaugnay ng umanoโy โghost accomplishmentsโ at hindi malinaw na paggasta ng bilyun-bilyong pisong budget para sa mga peace agreements.
Sa plenary debates ng 2026 budget, pinatutsadahan ni San Fernando ang OPAPRU matapos nitong iulat sa mga dokumento ng gobyerno na โcompletedโ na ang lahat ng peace agreements, kahit may apat pang aktibong peace tables: M**F, MNLF, CPP-NPA-NDF, at RPMP-RPA-ABB.
โAno po ang laman ng budget na โto per item para sa M**F at RPMP peace tables? Hindi puwedeng taon-taon kayong humihingi ng bilyun-bilyon tapos wala tayong malinaw na datos,โ giit ng kongresista.
โฑ9B SA M**F, โฑ1.7B SA RPMP โ NASAN NA?
Base sa pahayag ng budget sponsor na si Rep. Mercedes Alvarez-Lansang, mula 2019 ay โฑ9 bilyon na ang inilaan sa M**F normalization program at โฑ1.7 bilyon para sa RPMP-RPA-ABB. Ngunit hindi matukoy ng ahensya kung paano ito aktwal na ginastos.
Kinuwestiyon din ni San Fernando ang Philippine Development Plan (PDP) midterm update na may markang โcompletedโ ang lahat ng peace agreements. Ngunit sa sariling datos ng OPAPRU, 17.5% lang ang accomplishment ng normalization components noong 2024 at 20% target sa 2026.
โPaano naging complete kung flatline ang targets? How can you jump from 20% to 100% before 2028? These are ghost accomplishments,โ ani San Fernando.
M**F DECOMMISSIONING VS. PRIVATE ARMED GROUPS
Partikular na binatikos ng mambabatas ang pagkakatuon ng OPAPRU sa M**F decommissioning habang napapabayaan naman ang mga private armed groups.
โBakit may pressure sa M**F, pero walang ginagawa laban sa private armed groups? Ang reports sa ground malinaw: hindi tinutupad ng gobyerno ang socio-economic commitments kaya huminto ang M**F sa decommissioning,โ dagdag niya.
Lumabas pa sa mga ulat na mismong M**F combatants ang nagpatigil ng proseso dahil โhindi tinutupad ng gobyerno ang kasunduan.โ
โSABOTEUR OF PEACEโ
Binanggit ni San Fernando ang mga ulat na nagsasabing โSecretary Galvez is a saboteur of peaceโ, at nagbabala na nasa bingit ng pagbagsak ang buong peace process sa BARMM.
โKung ganito ang sistema, naglolokohan na lang tayo. We want genuine and lasting peace, pero kung puro ghost reports lang, wala tayong patutunguhan,โ aniya.
PEACE TABLES NA โDORMANTโ PERO MAY BUDGET
Sa RPMP-RPA-ABB peace table, iginiit ni San Fernando na kahit hindi na aktibong nakikilahok ang ilang grupo gaya ng NDCG, patuloy pa rin itong may budget at mataas na completion rate sa ulat.
โBakit tayo nagbabayad ng peace tables na matagal nang dormant? Kailan huling nag-convene ang Joint Enforcement and Monitoring Committee?โ matinding tanong pa ng kongresista.
โHINDI PUWEDENG ENDLESS PROCESSโ
Sa pagtatapos ng kanyang interpellation, pinaalalahanan ni San Fernando ang OPAPRU na ang kapayapaan ay hindi dapat maging โpermanent line itemโ na walang hangganang proseso.
โGusto ng mga manggagawa at ordinaryong Pilipino ng tunay na kapayapaan. Hindi puwedeng maging endless process lang โto. We owe it to the Filipino people to deliver results.โ
Kasabay nito, ipinasa niya ang House Resolution No. 126 upang imbestigahan ang gaps sa normalization process ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Samantala, matapos ang mainit na interpellation, nag-down ang official website ng OPAPRU, at nanatiling inaccessible hanggang sa inilabas ang press statement. Nawalan ng access ang publiko sa mahahalagang dokumento hinggil sa peace tables.
Photo| OPAPRU