01/09/2026
STORY TIME!
Galing kami sa Olongapo ng 1pm at pabalik na sa Manila para makapasok kami sa trabaho ng Tuesday.
Nakarating kami malapit sa mexico exit around 4:30pm kahapon at hindi na pinapadaan ang Class 1 vehicles. Binigyan nila kami ng alternative route na umakyat sa Arayat area, dumiretso sa Nueva Ecija at bumaba uli ng bulacan papunta ng Manila kasi baha na din daw sa mga kalapit barangay. By that time, total hours ng drive nasa 8hrs na. Sabi ng asawa ko, mag-palipas daw kami ng gabi sa Pampanga at subukan ulit kinabukasan. Pero nung nag-check ako sa weather may paparating nanaman na bagyo kaya hindi rin talaga sigurado kung makaka-tawid kami.
Hindi rin kaya ng Anxiety ko na mag-baybay kami sa hindi namin alam na lugar ng aabutin kami ng dilim at hindi namin alam kung ano ang lagay ng baha. Kaya buti nalang nung time na yun na-realize namin na class 1 lang ang hindi pwede dumaan pero baka pwedeng makatawid ang towing truck makalagpas lang kami sa baha. Nag-lakas loob kami mag-hanap ng provider at itanong to sa NLEX kung pwede gawin. Pwede daw.
Thank you, Lord at may sumagot agad at pumayag sa gusto naming mangyari kahit sobrang na-traffic din sila ang haba pa rin ng pasensya nila samin at sa sitwasyon.🥹
Napagastos man kami pero mas inisip na nmin na ang laki ng natipid namin kesa ma-stranded kami ng wala kaming pagkain, damit at kahit powerbank wala. Kung iisipin ung gastos sa gas, oras, gutom at pagod sa alternative route, mas ok na rin na naipilit pa namin tumawid kagabi kasi grabe mga experience ng iba kong nakikita today.
Sharing this not to brag pero eto ang naging way namin para makatawid kagabi sa baha ng NLEX San Simon, Pampanga. Kasi kaylangan namin mag-trabaho at mag-bayad ng tax kahit ganto na ang nangyayari sating mga Pinoy. Nakakalungkot.
Shoutout sa mga taong naka-upo baka pwede niyo i-support na lagyan ng paraan para makatawid mga sasakyan or mag-offer kayo ng libreng services at dapat awa nalang i-waive niyo naman toll fees! Grabe ng pahirap to.🤦🏻♀️
O kaya mag-rent kayo ng helicopter na kaya mag-buhat ng container para mapa-sipsip ung tubig baha at ilipat sa ibang area ung tubig baka pwede naman gawing pandilig.🤦🏻♀️
Ano na, Pilipinas? Hanggang kelan?🙃