13/12/2025
HEALTH NEWS | Turmeric Supplements masama sa liver?
Akala ng marami, natural ang supplement = laging safe. Pero hindi palagi.
Ayon sa isang US-based study, may mga kumpirmadong kaso ng liver injury na inuugnay sa high-dose turmeric supplements.
Ano ang nakita ng mga doktor?
Karamihan ay liver cell damage (hepatocellular injury)
5 sa 10 pasyente ang kinailangang ma-ospital
May isang naiulat na pagkamatay dahil sa acute liver failure
70% ng mga pasyente may dalang genetic risk factor (HLA-B*35:01) na nagpapataas ng tsansa ng drug-induced liver injury
Pero Mahalagang i-clarify po:
Ang risk na ito ay nakita sa high-dose turmeric SUPPLEMENT, hindi sa turmeric na ginagamit sa pagluluto gaya ng curry.
Ang Takeaway natin:
Hindi porket supplement ay automatic na ligtas, lalo na kung mataas ang dose at iniinom araw-araw. Kung may iniinom kang herbal o supplements, mas mabuting ipaalam ito sa iyong doktor, lalo na kung may liver disease o umiinom ng ibang gamot.