PH VIRAL

PH VIRAL PH VIRAL PROVIDES NEWS UPDATES

Ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na ilang ulit umano siyang sinubukang kausapin at kaareglohin ni Senado...
23/10/2025

Ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na ilang ulit umano siyang sinubukang kausapin at kaareglohin ni Senador Christopher “B**g” Go sa pamamagitan ng mga emisaryo, para lamang tumigil siya sa mga isyung ibinabato laban dito.

Ayon kay Trillanes, tinanggihan niya ang lahat ng alok dahil aniya, hindi siya nabibili ng pera o impluwensiya.

“Problema kasi ni B**g Go, ilang conduit na ang pinadala niya sa akin para ayusin at huwag ko na siyang isama, pero hindi niya ako mabili ng pera niya,” pahayag ni Trillanes.

Dagdag pa niya, mas lalo pa raw siyang naengganyo na magsampa ng kaso tuwing sinusubukan siyang patahimikin.

“Ilang emisaryo na ang pinadala niya para umatras ako, pero sabi ko, naku, lalo akong ginaganahan kapag ginaganyan ako. Nakahanap siya ng katapat na hindi nabibili ng pera kaya nandito tayo ngayon,” ani Trillanes.

‘HARASSMENT AT FAKE NEWS’Tinawag ni Sen. Joel Villanueva na “harassment” at “fake news” ang pag-ungkat sa 2016 dismissal...
23/10/2025

‘HARASSMENT AT FAKE NEWS’

Tinawag ni Sen. Joel Villanueva na “harassment” at “fake news” ang pag-ungkat sa 2016 dismissal order laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

Nilinaw ng Senador na ibinasura na ang kanyang kaso kauganay ng pork barrel scam, nagpapatunay dito ang isang clearance certification mula sa Sandiganbayan noong Sept. 10, 2025.

Kasunod ito ng pahayag ni Ombudsman Boying Remulla na susulat siya kay Senate President Tito Sotto para imungkahi na subukang ipatupad ang 2016 dismissal order laban kay Villanueva.

23/10/2025

Opisyal na pahayag ukol sa sunog sa DPWH office

“I hope it is not arson,” ani dating DPWH Secretary at ICI member Rogelio “Babes” Singson kaugnay ng sunog sa DPWH Region IV-B office sa Kamuning, QC nitong Oktubre 22. Ayon kay DPWH Asec. Melody Villar, ang nasunog na gusali ay ginagamit bilang testing site para sa construction materials.

22/10/2025

'Isang buwan ka palang pinsan, pero 'yong bigote mo namumuti na'

22/10/2025

SEN. B**G GO, DELA ROSA NEXT TO BE ARRESTED?Sina Sen. Bato dela Rosa at Sen. B**g Go umano ang susunod na target na ares...
22/10/2025

SEN. B**G GO, DELA ROSA NEXT TO BE ARRESTED?

Sina Sen. Bato dela Rosa at Sen. B**g Go umano ang susunod na target na arestuhin ng International Criminal Court (ICC), ayon kay dating senador Sonny Trillanes.

Sinabi 'yan ni Trillanes sa programang "Sa Totoo Lang" ng One PH ngayong Martes, Oct. 21, nang tanungin siya kung may nakuha siyang impormasyon mula sa international tribunal hinggil dito.

Matatandaang kasalukuyang nakadetene si dating pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague sa Netherlands para sa kasong crimes against humanity dahil sa kaniyang madugong war on drugs.

**gGo

‘KAHIT WALA SA BATAS, IPIPILIT NG DATI NIYONG SECRETARY’Kinompronta ni Sen. Rodante Marcoleta ang mga opisyal ng Departm...
21/10/2025

‘KAHIT WALA SA BATAS, IPIPILIT NG DATI NIYONG SECRETARY’

Kinompronta ni Sen. Rodante Marcoleta ang mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) dahil sa pag-obliga sa mga Discaya na ibalik ang umano’y nakaw na yaman bago maging kwalipikado sa Witness Protection Program (WPP).

“Sila lamang ang nakapag-identify initially ng 17 congressmen at doon sa kanilang mga testimony, lumalabas na rin ang pangalan ni Zaldy Co and Martin Romualdez,” saad ni Marcoleta sa budget hearing ng DOJ ngayong Martes, Oct. 21.

“Ayaw niyo silang (Discayas) bigyan ng protection under that law kaya siguro umayaw na sila sa ICI,” dagdag pa niya.

Paliwanag naman ni DOJ officer-in-charge Frederick Vida, pinoproseso pa rin ang mga testimonya ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya kahit pa hindi magkaroon ng restitution.

Naghain ng plunder at iba pang kasong kriminal si dating Senador Antonio Trillanes IV laban kina dating Pangulong Rodrig...
21/10/2025

Naghain ng plunder at iba pang kasong kriminal si dating Senador Antonio Trillanes IV laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador B**g Go, kaugnay ng umano’y ₱7 bilyong pondo ng pamahalaan na napunta raw sa mga kumpanyang pag-aari ng pamilya ni Go.

Ayon kay Trillanes, batay sa kanyang isinagawang pagsusuri, ang pondo para sa ilang proyektong pang-imprastraktura ay napunta sa mga pribadong kompanyang konektado sa pamilya ni Go, na tinawag niyang malinaw na anyo ng katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan.

Isinampa ni Trillanes ang reklamo sa Office of the Ombudsman, at hiniling na imbestigahan at kasuhan sina Duterte at Go dahil sa posibleng paglabag sa Plunder Law (RA 7080), Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019), at Code of Conduct for Public Officials (RA 6713).

Giit ni Trillanes, layunin ng reklamo ang pananagutan at transparency sa paggamit ng pondo ng bayan, lalo na sa mga proyekto sa ilalim ng dating administrasyon.

Sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa mula sa malalakas na lindol hanggang sa serye ng bagyo. tiniyak ...
21/10/2025

Sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa mula sa malalakas na lindol hanggang sa serye ng bagyo. tiniyak ng Malacañang na handa ang pamahalaan sa mabilisang pagtugon sa mga apektadong komunidad.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, nakahanda ang mga relief supplies ng gobyerno bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “B**gbong” Marcos Jr. na siguraduhing walang Pilipinong magugutom tuwing may sakuna.

Ipinaliwanag ni Castro na patuloy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagre-replenish ng mga relief goods sa mga regional warehouses upang matiyak na laging may sapat na tulong na maipapadala sa mga lugar na maaapektuhan ng kalamidad.

“Sa kabila ng sunod-sunod na sakuna sa bansa—lindol at bagyo—siniguro ng DSWD na sapat at tuloy-tuloy ang replenishment ng relief supplies para sa mga apektadong residente. Alinsunod pa rin ito sa utos ni Pangulong Marcos Jr. na siguraduhing walang Pilipino ang magugutom sa oras ng sakuna,” pahayag ni Castro.

20/10/2025

20/10/2025

PATI SI Satanas HINDI PAPAYAGSA SCRIPT NIYA

20/10/2025

Address

Tagum City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PH VIRAL posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share