22/12/2024
🏵️🏵️ HOROSCOPE FOR TODAY 🏵️🏵️
December 22, 2024
Aries
(March 21 - April 19)
Lahat ng tao ay may talento na ipinagkaloob, huwag matakot na gamitin ito. Huhusay ka lalo kung ito ay ibabahagi. Ang pagkakaroon ng self confidence ay may magandang maidudulot saiyo. Maraming taong hindi nakatapos ng pag aaral at talento ang pinaandar. Sila ngayon ay namamayagpag. Gawin mo silang inspirasyon, dahil tulad nila maaari kang makilala sa kakayahang taglay.
Lucky number: 8, 11, 17
Lucky color: gray, violet
Ta**us
(April 20 - May 20)
Tulungan mo man ang pamilya, kapag wala ka ng pakinabang sa kanila, pabigat na lang ang magiging tingin nila sa iyo. Walang perpektong relasyon, lahat ay nagkaka tension. Minsan inaasahan mo na tutulungan ka din nila, pero sa huli ay iiwanan lang pala. Magtabi ng pera, habang malakas pa. Malaking problema kung wala kang maiipon. Kailangan mo na savings para pagdating ng krisis, may magagamit ka para sa sarili.
Lucky number: 6, 29, 35
Lucky color: violet, red
Gemini
(May 21 - June 20)
Kahit hindi ka suportahan ng mga tao sa paligid, patuloy pa rin na mangarap. Hindi dahilan ang kahirapan para maliitin ang iyong kakayahan. Tandaan na ang nasa baba ang syang tinataas, at ang nasa taas ang syang binababa. Patunayan na tama ang iyong sinisimulan. Magiging komportable ka kung susundin mo ang iyong prinsipyo. Balang araw, mauunawaan din nila ang halaga ng iyong ginagawa.
Lucky number: 20, 34, 63
Lucky color: blue, white
Cancer
(June 21 - July 22)
Walang silbi ang stable na trabaho at malaking kita, kung ang luho ay hindi mo kayang bitawan. Pigilan ang sarili sa pagbili ng gamit pag may hawak na pera. Ayos lang i itreat ang sarili, pero yung pati budget ay pakialaman mo ay hind na tama Baka sa huli wala ka ng naipon, nagkautang ka pa.
Lucky number: 6, 17, 28
Lucky color: green, white
Leo
(July 23 - August 22)
Mawawalan ka ng tiwala sa sarili kung ang iniisip mo lagi ay hindi magandang pangyayari. Hindi mo pa ginagawa, iniisip mo agad na hindi mo kaya. Huwag mong tanggalin agad ang posibilidad na maaaring tama ang iyong gagawin. Huwag isipin ang mga maling bagay na magbibigay sa iyo ng hadlang. Itigil ang pag iisip sa iyong ikababagsak, ang isipin mo lagi ay ang iyong pag angat.
Lucky number: 24, 33, 40
Lucky color: pink, yellow
Virgo
(August 23 - September 22)
Ilang beses ka ng nasaktan at ang relasyon ay nauwi sa wala. Pwde mo itong iiyak, pero hindi pwdeng habang buhay dalhin. May dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay. Hindi mo matatagpuan ang tunay na pagmamahal, kung patuloy mong didibdibin ang taong wala na saiyo. Bigyan ang sarili ng courage to let go, dahil meron pang iba na kaya kang panindigan at mahalin na higit pa sa iyong inaasahan.
Lucky number: 6, 14, 21
Lucky color: red, yellow
Libra
(September 23 - October 22)
Magpasalamat kung anong meron ka. Hayaan ang iba kung lagi pinupuna ang mga bagay na wala ka. Ginagawa lang nila ang pamumuna dahil nakikita kang masaya habang sila at nasasaktan. May mga taong puno ng insecurity, meron ka ng wala sila kaya ikaw ang pagbabalingan. Alam nila mas higit ka sa kanila kaya hahanapan ka ng butas para maging katawa tawa sa iba.
Lucky number: 18, 28, 37
Lucky color: indigo, peach
Scorpio
(October 23 - November 21)
Iwasan ang mga pagtatalo, dahil ito ang sumisira sa pagsasama at pagmamahal ng isat isa. Kung nararamdaman na wala ng interest sa iyo ang kasintahan, kausapin sya para maunawaan ang problema. Mahirap magsama na wala na ang damdamin sa isat isa. Huwag hayaang tumagal ito ng buwan o taon. Kailangan magkaroon ng desisyonpara hindi masayang ang panahon. Matutong pahalagahan ang sarili at magkaroon ng sariling hangarin.
Lucky number: 23, 16, 44
Lucky color: brown, purle
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Matutong tumayo sa sariling paa. Kailangan mong matuto at maging responsable. Dapat reliable ka din sa bawat salitang binibitawan. Magiging matagumpay ang journey mo sa buhay kung alam mo ang direksyon na pupuntahan. I master ang sarili at kilalanin ang kahinaan at kalakasan. Wala kang mapapala kung lagi ka lang sasandal at aasa sa iba.
Lucky number: 35, 48, 9
Lucky color: brown, violet
Capricorn
(December 22 - January 19)
Madaling mangako, pero pag actual na, baka umatras ka. Hindi mo kontrolado ang sitwasyon kaya huwag gumawa ng mga bagay na ikapapahiya. Baka pag dumaan ka na sa sakripisyo at responsibilidad ay bumitaw ka. Huwag mong isubo ang sarili sa mga bagay na hindi ka sigurado.
Lucky number: 2, 14, 29
Lucky color: orange, mint green
Aquarius
(January 20 - February 18)
Ang pagsasarili sa problema ay makakadagdag sa level ng iyong stress. Hindi ito makakabuti sa iyong kalusugan at mawawalan ka ng interest sa mga bagay. Kahit hindi agad malutas ang iyong mga problema, kailangan naihihinga mo pa din ito sa iba. May mga taong makakaintindi sa iyo at magbibigay ng suporta.
Lucky number: 5, 36, 40
Lucky color: dark blue, cream
Pisces
(February 19 - March 20)
Hindi mo makukuha ang kapayapaan, kung mahina ang pananampalataya mo sa Dyos. Magtiwala ka na sa mahihirap na sitwasyon ay may tutulong sa iyo. Dinaranas mo ang pagsubok, para magsigasig kang umunlad. Hubugin mo ang iyong pagkatao at mabuti ang kahihinatnan nito. Hindi agad ipagkakaloob ni Lord ang mga nais mo, pero unti unti syang tutugon sa pinakainam na oras para sa iyo.
Lucky number: 6, 26, 32
Lucky color: yellow, gray