30/11/2025
VP SARA, 3 TAON NANG TOP AUDIT PERFORMER โ OVP MULI TUMANGGAP NG PINAKAMATAAS NA COA RATING
Tatlong sunod-sunod na taon nang nakukuha ng Office of the Vice President (OVP) ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara Duterte.
Ayon sa ulat, patunay ang rating na ito sa mahusay na pamamahala ng pondo, transparency, at pagsunod sa financial standards ng gobyerno. Sa kabila ng malawak na programa at hamon ng OVP, sinabi ng opisina na patuloy nitong pinahahalagahan ang responsable at tapat na paggamit ng pera ng bayan.
Itinuturing ang pagkilalang ito mula sa COA bilang ebidensya ng integridad at maayos na pamamalakad ng OVP โ isang halimbawa na dapat tularan ng iba pang ahensya ng gobyerno.