29/08/2025
Medyo safe zone tayo boss ah!
LONG POST AHEAD BUT TAKE TIME TO READ THIS.
“Normalize buIIy*ng the children of corrupt politicians.”
Yes! As a constant critique ng mga corrupt politicians, yes na yes ako dyan! Idamay na rin yang mga yan! Baka sakaling magtino ang mga magulang kapag naaapektuhan na ang mga anak. Mga ayup na yan! Dapat nga dyan ipahig0p sa kanila ang tubig baha gamit straw ng mikmik eh.
Pero to give them a benefit of the doubt at para sa patas na pagbibigay ng komento, ewan ko dyan sa ibang mga anak ng mga politicians na tinatawag ngayon na “nepo babies” kung dapat ba sila ma bash kase hindi naman ako residente ng lugar nyang mga yan. Hindi ko alam kung anong klaseng tao yang mga yan. Saka yung iba dyan, talagang palaging sangkot ang mga magulang na politiko sa issue ng korapsyon. Pero mga Alonte? Corrupt? Maybe you are barking at the wrong tree.
Long post ahead pero sige, himayin natin. Pag usapan natin ang mga Alonte sa perspective ng kagaya ko na isang residente ng Binan, Laguna. Canlalay mag ingay! Dahil kung may mayroong makakapagsabi kung corrupt ba ang pamilyang ito, mga taga Binan ang makakapag sabi nyan.
Isa at kalahating dekada na ako sa Binan dahil dito ako nag aral ng kolehiyo. Pero 2018 ng pormal akong lumipat at maging residente ng Binan. NPA ako ng Laguna, tumira ako sa apat na magkakaibang bayan sa Laguna (hindi ko na papangalan ang mga bayan na yan) kaya maikukumpara ko kung maayos ba ang palakad sa Binan o hindi.
Yes, ilang dekada na ang mga Alonte na namumuno sa Binan. Halos lahat ng dinaanan nilang eleksyon ay lamang na lamang sila sa mga kalaban. Lanslide victory na matatawag. Dito pa lang sa anggulo na to, mapapaisip ka na kung bakit nananalo ng ganon ang pamilyang ito kung gayon na corrupt pala? Dahil sa ibang bayan, nakita ko kung paano isinuka ng mga tao ang mga corrupt politicians na matagal ng namumuno sa mga bayan na yon. But still, ito ang mga Alonte. Nakaupo pa rin.
“Eh Tserman, baka naman walang nakakalaban na mabigat?” I don’t think so. Ang nakakalaban ng pamilyang yan ay galing din sa matibay na pamilya. May pera, may pangalan, may makinarya. Kayang pumalag kung tutuusin. Kaya di natin masasabi na “baka wala lang makakalaban na malakas.”
At hindi lang sila ang nananalo. Pati ang lahat ng mga ka-ticket nila mula Congressman hanggang Konsehales, lahat ay pasok sa banga. Panalo. Hindi lang sila ang binoboto ng mga tao, pati ang mga dinadala nila na mga kandidato. Kaya bago pa mangyari ang mga landslide ng buong ticket sa Pasig, nagaganap na yan dito sa Binan sa ilang eleksyon na nagdaan. Numbers don’t lie. Maybe, ganon katiwala ang mga taga Binan sa pamilyang ito.
Pandemic era. Habang ang ibang mga bayan, ay nagrerepaack pa lang ng mga food packs na ipapamahagi bilang relief goods, ilang araw matapos i anunsyo ang lockdown, nakapag pamahagi na agad ang Binan LGU sa mga residente. And by the time na namimigay pa lang ang ibang bayan ng 1st wave ng relief goods nila, nakailang wave na dito sa Binan. Agad agad! Walang pili. Mahirap, mayaman, may ngipin o wala.
Cash assistance? Yung 4K kada pamilya? Gabi matapos mag announce ni dating Pangulong Duterte about releasing of financial assistance (actually madaling araw pala. Tanda ko yun. Late Night Talk with Tatay Digs kase lagi sya hating gabi or madaling araw na nagla live) after mag announce ni Tatay Digs na idispatcha na ang mga tigpo 4K bawat pamilya, the following day ay nag umpisa na agad sa Binan ang distribution. Magaling din talaga yung Mayor namin that time na si Atty. Arman Dimaguila na Congressman ngayon. Isina swap nga yan sa Mayor ng ibang bayan kase yung mga Mayor nila gutom na ang mga residente tutulok tulok pa.
Bare minimum? Trabaho nila yun e no? “Nabigyan ka lang ng 4K kinampihan mo na agad?” Hindi yung 4K ang point. Aanhin ko ang 4K? Pang kape? Ang point don is yung hindi na pinahirapan ang mga tao na matanggap ang pera na para sa kanila na sariling pera naman nila. Yun yung point ko.
Madaming issue non sa ibang bayan na mga hinihimatay na matanda, mga buntis na muntik na mapaanak sa mga barangay hall dahil pinapila sa initan para sa 4,000 pesos na cash assistance, dito sa amin sa Binan, door to door. Walang che che bureche. “Ilan kayo dyan? Apat? Eto ang sa inyo! Apat na libo! “ Booogsh! Ganon lang.
Sa ibang bayan yung 4K mo, magiging 1K na lang. Ang masama nyan, yung iba, sardinas na lang kase kumatkong pa si Cong, kumatkong pa si Mayor, kumatkong pa si Kapitan.
At dahil sa kung paano nila inaksyunan ang pandemic, natuwa ang mga tao. Kaya 2022 elections, another landslide win na naman para sa pamilya at mga ka partido nito. Congressman, Mayor, Vice-Mayor at 11 out of 12 na City Councilors ay pasok sa banga! May lumaglag lang na isa pero pang 13 pa rin. Isang kembot lang.
Same nitong huli na 2025 elections. Palaging ganon. Yan ba ang corrupt? Sa panahon ngayon na kahit papano ay matalino na ang mga botante dahil marunong na sila na tanggapin ang mga binibigay na pera pero hindi nila ibonoboto ang mga politikong gumagawa nito, sabayan mo pa ng internet na mas mabilis mabibisto ang pandorobo mo, eh nakakapagtaka na palagi pa rin nananalo ang pamilyang ito.
Punta naman tayo sa political dynasty issue nila. For me, doon medyo nag alanganin yung sagot ng bata. Kase if titingnan mo naman ang pamilya nila, yes dekada na sa posisyon. Dynasty? Yes. Pero para sa akin, hindi ko sila matawag na dynasty eh. Kase hindi ganon kagarapal.
Sa ngayon, isang Alonte lang ang nasa posisyon (Mayor GEL Alonte) palit palit? Pwede! Pero yung sabay sabay? Nangyari yan noong ang Ate nila (Former Cong. Len Alonte) ay Congressman tapos Vice-Mayor si ngayon ay Mayor Gel Alonte. Pero umikot kayo dito sa Laguna, potaena beh! Yun Ate, Mayor. Yung kapatid, Vice-Mayor. Yung ibang mga kapatid, 8 Councilors. Ayun! Isinuka ng taumbayan. Garapal masyado. Hindi ko na rin papangalanan ang bayan na ito at baka ako ay mademanda.
Doon nag alanganin yung sagot ng bata. Hindi nya naipaliwanag ng ayos yung very thin line between situation ng pamilya nila at tinatawag na “dynasty”. Tapos tatawa tawa pa sya kaya nakuha nya ang inis ng mga tao. Pero ako, ewan kung dynasty ba na matatawag yan. Siguro, technically speaking kase nagsabay yung dalawang magkapatid. Pero acceptable pa, for me. Kase sa laki ng angkan nyang mga yan, pwede sila maglagay ng Kapitan each barangay na miyembro ng pamilya nila or City Councilors pero di naman nila ginagawa.
Now, punta tayo sa flood control issue. Dahil ito ang dahilan kung bakit pumutok ang issue about “nepo babies” na yan.
Wala pa ang issue ng pag dispalto sa 2024 flood control budget, may ilang barangay na dito sa Binan na talagang bahain. Particularly Malaban and Dela Paz. Dumura o umihi ka lang sa kanto, nagbabaha na dyan sa mga lugar na yan. At hindi lang yan sa Binan. Pati sa ilang bahagi ng bayan ng San Pedro, Santa Rosa, Cabuyao, pati na rin sa Santa Cruz. Mga bayan na nakapalibot sa Laguna Lake.
Ang sitwasyon ng Laguna Lake for the past years ay over-flowing na. Hindi kagaya sa ilang bahagi ng Pilipinas na binabaha ngayon dahil issue ng dinispalto ang flood control project budget, dito sa Binan at mga karatig bayan ay iba po. Apaw na ang Laguna Lake. Hindi po mga barandong kanal, mga sub-standard na project ang issue. Laguna Lake po. Umaapaw, hindi baradong kanal.
Ang Laguna Lake po ay may sariling governing agency (Laguna Lake Development Authority) at kung hindi ako nagkakamali, walang power ang Binan LGU at maging ang mga karatig bayan na galawin yan basta basta. It’s a collaborative problem that needs a collaborative solution. Hindi pwedeng Binan lang ang gagalaw. Malaking ang sakop ng Laguna Lake. At isa pa, may Laguna Lake Development Authority. Sila ang in-charge sa mga gagawin dyan. At malaking budget ang kailangan dyan kaya kakailanganin talaga ang tulong ng DPWH at National Government.
May flood control project ba na ginawa or may budget ba na galing sa mainit na flood control project budget noong 2024 na ibinaba sa Binan para sa flood control? Hindi ko alam. Pero parang wala. Itama nyo ako kung mali ako. So kung ano man ang issue sa pag dispalto sa 2024 budget ng flood control, I don’t think na dapat madamay ang pamilyang ito. Kawawa ang pamilya. Kawawa ang bata. Maayos ang pamilyang ito. Hindi perpekto o hindi mala Vico, pero maayos.
Kagaya nga ng sabi ko, hindi ko masasabi kung yung ibang “nepo babies” kagaya ng mga anak nila Zaldy Co ay karapat dapat I bash. Di ko knows yang mga yan. If talagang sangkot ang pamilya nila at nababash ang mga anak, eh hindi natin masisisi ang mga tao. Pero itong mga Alonte, kita ng mga mata ko kung paano magtrabaho. Alam ng mga taga Binan kung anong klaseng liderato meron ang pamilyang to. Hindi yan iboboto at mananalo ng ilang dekada kung kasuka-suka ang pamamalakad nyang mga yan.
“Eh Tserman, tama lang naman na ayusin nila ang trabaho nila kase yun naman talaga ang dapat” yes! Yun talaga ang dapat. Pero alam naman natin sa klase ng gobyerno tayo sa Pilipinas, ang maghangad ng malinis at tapat na politiko ay parang suntok sa buwan. Meron man pero iilan. Kaya kahit hindi man perpekto, pero nakikita mo na nagta trabaho ng maayos eh ipagpapasalamat mo na lang din. Hindi perpektong Mayor si Gel, pero hindi naman kami pwede magbulag bulagan at manahimik sa mga pambabatikos sa pamilya nya dahil nakita namin, ako personally ang puso ng taong yan sa paglilingkuran. Masyado ng maraming putik ang ibinato sa taong yan, tae na nga eh. Pero ni minsan, hindi yan sumagot. Ang focus nyan, trabaho. Alam ng mga taga Binan yan. Nakikita ng mga taha Binan yan.
Hindi lang maingay sa internet, pero nakita ko nung pandemic kung paano sila tumugon. Tuwing may sakuna, alam mo kung san mo makikita yan. Doon pa lang napakalaking puntos na yon. Kung may Vico ang Pasig, May Emeng Pascual ang Nueva Ecija, may Alonte at Dimaguila kami noon dito. Hindi nga lang pumutok sa internet dahil sa mata ng nationwide, hindi yan interesting. Hindi pang national tv ang story kumbaga.
Kaya dooon sa tanong na corrupt ba ang mga Alonte? Mga Binanense ang makakapagsabi sa inyo nyan. Saka Commission on Audit. Madami na rin naman nagpa imbestiga dyan sa mga Alonte. Puros imbestiga lang.
PS: Baka sabihin nyo bayad ako ni Mayor ha? Sana nga. Mayor Gel, magkano po ba TF ko dito? Bayaran na kase ng bills ko bukas.