18/08/2026
#𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐖𝐄𝐃𝐍𝐄𝐒𝐃𝐀𝐘)
Ayon sa Memorandum Circular No. 129 ng Office of the President, 𝐤𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐮𝐠𝐚𝐫 𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐤𝐨𝐩 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐚𝐫𝐫𝐚𝐧𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐚𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐨𝐝𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐀𝐠𝐨𝐬𝐭𝐨 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat) na maaaring magdulot ng pagbaha at panganib.
Ang mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo, serbisyong pangkalusugan, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng kinakailangang serbisyo.
Samantala, ang mga paaralan sa pampubliko at pribadong sektor ay inaasahang magpatupad ng mga nararapat na learning continuity measures, alinsunod sa direktiba ng mga kinauukulang Local Chief Executives.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, sumubaybay sa mga opisyal na abiso, at unahin ang kaligtasan sa harap ng masamang panahon.
Mag-ingat at manatiling ligtas, Novo Ecijanos! 💙