25/11/2025
โข | ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐งgk๐จ๐
โ๐๐๐ ๐
๐ถ๐๐พ๐๐พ๐๐ ๐๐๐โด ๐ถ๐ ๐ฝ๐พ๐๐น๐พ ๐๐ถ๐๐ ๐๐๐ถ๐ท๐ถ๐ฝโด๏ผ๐พ๐โด ๐ถ๐ ๐พ๐๐ถ๐๐ ๐๐พ๐๐โด๐ ๐๐ ๐
๐๐โดโ๏ผ
Ika -25 ng Nobyembre, eksaktong ikadalawampung taon, dalawang dekada ng paglalakbay sa mundong may halong saya at lungkot, pag-asa at pagod, sakit at tagumpay.
Para kay Ms. Weng, ang bawat araw sa DepEd ay may dalang kuwento, bawat mag-aaral ay nagbibigay ng aral, at bawat sandali ay nagpapaalala kung bakit pinili niyang manatili sa propesyong ito, dahil ang pagtuturo ay hindi lamang trabaho, ito ay misyon ng puso.
Mula sa kanyang unang araw sa DepEd, mula Teacher I hanggang sa maabot ang Master Teacher III sa kasalukuyan, hindi naging madali ang daan. Maraming hamon, maraming pagsubok ngunit sa bawat hamon, napatunayan niya na kapag pinagsama ang sipag, tiyaga, at pagmamahal sa ginagawa, tiyak na may magandang bunga, hindi lamang para sa sarili, kundi para sa mga batang kanyang hinubog sa loob ng dalawang dekada.
Ang dalawampung taon ng serbisyo ay may halong saya at lungkot, saya dahil sa mga karanasang nagpatibay sa kanyang pagkatao at propesyon; lungkot dahil panahon na rin ng pamamaalam sa SDO Negros Occidental, na naging tahanan niya sa loob ng dalawang dekada. Dito siya hinubog, lumago, at natutong yakapin ang bawat hamon at biyayang dala ng pagiging g**o sa pampublikong paaralan.
โSa DepEd, hindi lang trabaho ang mayroon tayo kundi isang malaking pamilya na sabay na natututo, tumatawa, at naglilingkod,โ pagbabahagi pa niya.
Hindi mabilang ang mga trainings, seminars, at karanasang nagpalawak ng kanyang kaalaman at pananaw. Bahagi ng pinakamakulay na alaala niya ang halos dalawang dekada na rin bilang School Publication Adviser - Ang Tinig ng Rafael B. Lacson Memorial High School sa mundong ito ng Campus Journalism, natutunan niya na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga tropeo o sertipiko kundi sa mga batang natutong maniwala sa sarili at sa kapangyarihan ng kanilang tinig.
Sa bawat Division at Regional Press Conferences, ramdam ang saya ng pagkakaisa , ang halakhak sa biyahe, ang kaba sa awarding, at ang sigaw ng tagumpay sa tuwing may batang umaakyat ng entablado. Bagamaโt nakakalungkot isipin na hindi na niya madalas makikita ang mga kapwa tagapayo at batang mamamahayag, mananatili sa kanyang puso ang tuwa sa bawat karanasang iyon.
Sa loob ng 20 taon, nakamit niya rin ang ilang pagkilala, Wining coach sa Division at Regional Schools Press Conferences. Isa sa di niya makakalimutang karanasan ang National Schools Press Conference na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan taong 2012 kung saan nanalo sila sa 1st Collborative Desktop Publishing sa Filipino.
Naparangalan din siya bilang Outstanding Secondary Coordinator (Harvest of Excellence, 2017) at Outstanding Master Teacher II (Teacher Ikaw Na! 2022) โ mga parangal na hindi niya tinitingnan bilang tropeo ng pagmamayabang, kundi bilang bunga ng dedikasyon at inspirasyong ibinahagi ng mga taong nakasama niya sa paglalakbay.
Lubos ang papasalamat ni Ms Weng sa DepEd- SDO Negros Occidental sa pagbubukas ng maraming oportunidad upang matuto, lumago, at magtagumpay. Gayundin, sa kanyang dating Education Program Supervisor sa Filipino, si Maโam Juliet Alavaren, sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan.
Malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang mga dating school heads na sina Maโam Aida G. Judith, Maโam Jessie N. Bacaoco, Maโam Jenelin T. Talita, at Maโam Maritess B. Rivera, at Maโam Marie Rose E.Pregua sa pagbibigay ng tiwala, pagbukas ng maraming pinto ng oportunidad, paggabay at pagtuturo ng bagong kaalaman.
Hindi rin niya makakalimutan ang kanyang dating mentors na sina Maโam Lina Declarador, Maโam Bernadette Cabalatungan, Ma'am Ma. Teresa Lobataon , at Sir Victor Peroja, at sa kanyang mga kasamahan at kaibigan sa trabaho, gayundin sa kanyang mga naging estudyante at campus journalists na naging inspirasyon niya sa bawat araw ng kanyang pagtuturo.
โKayo ang nagpapaalala na sa DepEd, hindi lang papel at marka ang ating hinahabol kundi mga puso at alaala na ating nabubuo sa bawat taon ng serbisyo,โ pagbabahagi pa niya.
Para s kanya ang ika-20 taon sa DepEd ay may halong lungkot at pananabik. Lungkot dahil iiwan niya ang dibisyong humubog sa kanya sa loob ng dalawang dekada at malimit ng makikita ang mga kaibigang naging bahagi ng kanyang paglalakbay; pananabik naman dahil may bagong hamon, at bagong pag-asa na naghihintay sa kanya bilang g**o.
Sa pagsisimula ng bagong kabanata sa kanyang ika-21 taon sa DepEd, bagong tahanan, bagong oportunidad, at bagong hamon ang kakaharapin sa bagong itinatag na SDO Talisay City.
Dagdag pa niya sa bawat taon ng pagtuturo, natutunan niya na ang pagiging g**o ay hindi nasusukat sa haba ng panahon, kundi sa lalim ng pagmamahal at malasakit na ibinubuhos mo sa bawat batang natututo saโyo.
Ang tunay na g**o, saan man dalhin ng pagkakataon, ay mananatiling ilaw sa bawat silid-aralan at pag-asa sa bawat batang nangangarap.
Dalawampung taon ng serbisyo.
Dalawampung taon ng pagkatuto.
Dalawampung taon ng pusong handang maglingkod
Sinulat at Disenyo ni: Paige Casag
-20thYearInDepEd