15/09/2025
Sabi ni mama sa'kin;
“DALAWANG KASALANAN LANG DAW ANG PWEDENG GAWIN SA'YO NG ISANG LALAKI NA DI MO MAPAPATAWAD”
Una, yung lalaking sasaktan ka niya physically. Pagbubuhatan ka ng kamay, babae ka lang sensitive at mas mahina kaysa sa lalaki.
Pangalawa, yung lolokohin ka niya. Makikipaglandian sa ibang babae habang kayo pa. Hindi ka nga niya sinaktan physically pero dudurugin ka niya mentally and emotionally.
Yan yung dalawang pinakamasakit na gagawin ng lalaki sa'yo na mahirap patawarin, dahil siguro akala ng ibang lalaki na walang mali sa ginagawa nila🥺
Sana di mo maranasan ang dalawang kasalanan na di mo ineexpect sa isang lalaking akala mo mahal ka pero kaya kang saktan ng ganyan, swerte mo kapag nasa lalaki kang mabuti ang utak at puso 🤍
At kapag pinatawad mo ang gantong klaseng mister wala ka ng peace of mind sa buhay mo .