Ang Luntian

Ang Luntian Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralan ng Talon Dos Campus SHS

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—น๐—ผ๐—ด๐—ฎ๐—ปNamukadkad ang kagalingan sa sining ng bawat...
15/08/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—น๐—ผ๐—ด๐—ฎ๐—ป

Namukadkad ang kagalingan sa sining ng bawat mag-aaral na lumahok sa patimpalak sa ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ค๐ก๐š ๐ง๐  ๐’๐ฅ๐จ๐ ๐š๐ง nitong ika-13 ng Agosto 2026.

Kanilang ipinamalas ang talas sa pag-iisip at husay sa pagpapahayag ng malikhaing kaisipan at makabuluhang slogan na nagpapatingkad sa diwa at yaman ng wikang Filipino.

Sa bawat guhit na idinidiin sa paglikha, mas napaiigting ang kahalagahan ng wikang Filipino, pagpapahayag sa pamamagitan ng sining at malikhaing pag-iisip, at patuloy na pagsasapuso sa wikang pambansa.

โœ๏ธ๐Ÿป: Kristine Mae Pasiona
๐Ÿ“ท: Jessie Cathrine Piano, Lhen Emmanuelle Kwek, Gerry De Luna

๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ๐‘ต | ๐‘ด๐’ˆ๐’‚ ๐‘จ๐’Œ๐’•๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’…๐’‚๐’… ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’–๐’˜๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚ 2026! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ง๐š ๐›๐š ๐ค๐š๐ฒ๐จ? ๐Ÿค”Narito ang mga aktibidad na inihanda ng kumite ng An...
05/08/2026

๐‘ป๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ต๐‘จ๐‘ต | ๐‘ด๐’ˆ๐’‚ ๐‘จ๐’Œ๐’•๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’…๐’‚๐’… ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’–๐’˜๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚ 2026! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐‡๐š๐ง๐๐š ๐ง๐š ๐›๐š ๐ค๐š๐ฒ๐จ? ๐Ÿค”

Narito ang mga aktibidad na inihanda ng kumite ng Ang Luntian para sa isang makabuluhan at masayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.

๐Ÿ“– ๐‘ป๐’†๐’Ž๐’‚:
"Wikang Filipino at ang AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."๐Ÿ’ก

๐Ÿ“… ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘บ๐‘ป๐‘ถ 6, 2026
โ€ข ๐‘บ๐’๐’๐’ˆ๐’‚๐’ ๐‘ด๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ
Paglikha ng islogan alinsunod sa tema ng selebrasyon.

๐Ÿ“… ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘บ๐‘ป๐‘ถ 7, 2026
โ€ข ๐‘ท๐’๐’”๐’•๐’†๐’“ ๐‘ด๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ
Paglikha ng poster alinsunod sa tema ng selebrasyon.

๐Ÿ“… ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘บ๐‘ป๐‘ถ 10, 2026
โ€ข ๐‘ป๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’”๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’‚๐’๐’Š๐’๐’ (๐‘ฌ๐’๐’Š๐’Ž๐’Š๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’๐’”)
Unang yugto ng patimpalak na susubok sa kaalaman at husay ng mga kalahok.

๐Ÿ“… ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘บ๐‘ป๐‘ถ 17, 2026
โ€ข ๐‘ป๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’”๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’‚๐’๐’Š๐’๐’ (๐‘ญ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’”)
Huling yugto ng patimpalak at pagdedeklara ng mga magwawagi.

๐Ÿ“… ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘บ๐‘ป๐‘ถ 20, 2026
โ€ข ๐‘ฒ๐’‚๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’
Sama-samang pagsasalo ng mga pagkaing Pilipino bilang pagdiriwang ng ating kultura at tradisyon.

๐Ÿ“… ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘บ๐‘ป๐‘ถ 24, 2026
โ€ข ๐‘ท๐’‚๐’๐’ˆ๐’˜๐’‚๐’Œ๐’‚๐’” ๐’๐’‚ ๐‘ท๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’Ž๐’‚
Pagtatapos ng pagdiriwang at pagbibigay-parangal sa mga nagwagi sa iba't ibang patimpalak.

Ang mga detalyadong alituntunin at mekaniks ng bawat aktibidad ay ilalabas bago ang itinakdang petsa ng mga ito. Kung may mga katanungan, maaaring lumapit sa mga opisyal ng Ang Luntian.

Maraming salamat, at inaasahan namin ang inyong aktibong pakikilahok! ๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿค

Isinulat ni โœ๐Ÿป: Jessie Cathrine Piano
Nilikha nina ๐Ÿ–ผ๏ธ: Suzienne Viceda & Cris Gian Antonio

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒMakulay at makabuluhang sinimulan n...
03/08/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—•๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Makulay at makabuluhang sinimulan ng Talon Dos Campus ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 ngayong Lunes, Agosto 3, 2026, sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga tradisyunal na kasuotang Pilipino ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan.

Ipinamalas ng bawat isa ang kanilang pagmamahal at pagpapahalaga sa mayamang kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng ating bansa. Naging tampok ang ibaโ€™t ibang kasuotan na sumasalamin sa kagandahan ng kulturang Pilipino at nagsilbing simbolo ng pagkakaisa sa pagdiriwang ng ating pambansang wika.

Abangan ang iba pang mga gawain at aktibidad na inihanda para sa buong buwan bilang pagpupugay sa wikang Filipino at sa ating mayamang pamana.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐˜ƒ๐—ถ๐—ฎ ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ฃ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ผ
๐Ÿ“ธ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ: ๐—Ÿ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ง๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ

Agosto na, at siguradong ๐’๐ˆ๐Š๐’๐ˆ๐Š ๐“๐€๐˜๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐ ngayong Buwan ng Wika! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจIsang masiglang pagbati sa inyong lahat! Sa o...
02/08/2026

Agosto na, at siguradong ๐’๐ˆ๐Š๐’๐ˆ๐Š ๐“๐€๐˜๐Ž ๐’๐€ ๐Š๐€๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐ ngayong Buwan ng Wika! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Isang masiglang pagbati sa inyong lahat! Sa opisyal na pagpasok ng buwang ito, muling nagniningning ang ating pambansang dangal at nag-aalab na pagmamahal sa sariling atin.

Ngayong taon, buong-puso nating ipinagdidiwang ang temang "๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐€๐ˆ: ๐Š๐š๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐š๐ญ ๐“๐ฎ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐˜๐š๐ฆ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง."

Isang patunay na sa gitna ng modernisasyon at makabagong teknolohiya, ang ating wika ang patuloy na nag-uugnay sa ating pamanang kultura at identidad bilang mga Pilipino.

Hinihikayat namin ang lahat na makibahagi sa ibaโ€™t-ibang eksenang ihahandog namin para sa isang makabuluhang pagdiriwang ng ating pinagmulan, tradisyon, at makulay na kalinangan ng ating lahi.

Ang ating kultura ay hindi lamang kasaysayang binabasa, itoโ€™y buhay na sining na patuloy nating tinataglay.

Kaya naman, inaanyayahan namin ang lahat na magdamit ng ๐“๐ซ๐š๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Š๐š๐ฌ๐ฎ๐จ๐ญ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ tuwing Lunes, mula ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ‘ hanggang ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’.

Tiyak na umaapaw sa talento, karikitan, at talas ng isip ang bawat isa. Handa na ang entablado upang ipagmalaki sa buong mundo ang ganda, yaman, at lakas ng ating wikang pambansa!

Kayaโ€™t ano pa ang hinihintay ninyo? Makilahok sa saya at ipamalas ang inyong natatanging galing ngayon Buwan ng Wika! ๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’›

โœ๐Ÿป : Lhen Emmanuelle Kwek
๐Ÿ–ผ๏ธ : Suzienne Viceda

๐€๐๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž ๐๐€ ๐Š๐€๐Œ๐ˆ, ๐€๐๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž ๐๐€ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐…๐”๐“๐”๐‘๐„ ๐ˆ๐’๐Š๐Ž๐‹๐€๐‘ ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐! ๐ŸŒปโค๏ธTaos-pusong pagbati at buong pagsuporta sa mga mag-aaral n...
31/07/2026

๐€๐๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž ๐๐€ ๐Š๐€๐Œ๐ˆ, ๐€๐๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž ๐๐€ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐…๐”๐“๐”๐‘๐„ ๐ˆ๐’๐Š๐Ž๐‹๐€๐‘ ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐! ๐ŸŒปโค๏ธ

Taos-pusong pagbati at buong pagsuporta sa mga mag-aaral ng Ika-12 Baitang ng Las Piรฑas City National Senior High School โ€“ Talon Dos Campus na haharap sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT).

Hindi naging madali ang paglalakbay na inyong tinahak. Bawat oras ng pagrerepaso, bawat sakripisyo, at bawat pagsisikap ay patunay ng inyong determinasyong maabot ang pangarap.

Ngayon, dumating na ang sandaling hinihintay ninyo. Huwag hayaang manaig ang pagdududa sa mga bagay na pinaghirapan ninyo. Dalhin ninyo ang bawat aral, bawat sakripisyo, at bawat pangarap sa pagharap sa pagsusulit.

Tandaan, ang tunay na tagumpay ay nagsisimula sa tapang na sumubok. Anuman ang maging resulta, hindi nito mababawasan ang inyong kakayahan, determinasyon, sipag, at potensiyal. Dalhin ninyo ang pangalan ng TDC nang may dangal at buong pagmamalaki.

๐‘ท๐’‚๐’…๐’‚๐’š๐’๐’, ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’”๐’Œ๐’๐’๐’‚๐’“ ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’! โ˜˜๏ธ

Isinulat ni: Lyka Sanchez & Jessie Cathrine Piano
Nilikha ni: Laurice Erica Nerves

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ช๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ก๐™ช๐™๐™คโ€”๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ.Masiglang ipinagdiwang ang ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป mula ika-13 han...
27/07/2026

๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™–๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ช๐™ฉ๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ก๐™ช๐™๐™คโ€”๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ.

Masiglang ipinagdiwang ang ๐—•๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป mula ika-13 hanggang ika-27 ng Hulyo sa ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ถ๐—ผ๐—ฟ ๐—›๐—ถ๐—ด๐—ต ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น - ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ป ๐——๐—ผ๐˜€ ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ kung saan sama-samang ipinamalas ang kahalagahan ng wastong pagkain, malusog na pamumuhay, at wastong nutrisyon bilang pundasyon ng isang masigla, malakas, at matagumpay na kinabukasan para sa isa't isa.

Upang higit pang maipakita ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, nagkaroon ng iba't ibang patimpalak na nagbigay-daan sa mga mag-aaralna ipamalas ang kanilang kaalaman, pagkamalikhain, at kamalayan sa malusog na pamumuhay. Tampok dito ang ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ธ kung saan ipinakita ng bawat pangkat ang kahalagahan ng pagpreserba at wastong pangangasiwa ng mga binhi, ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜† kung saan naipakita ng bawat pangkat ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng balanse at masustansyang pagkain, at ๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐˜‡ ๐—•๐—ฒ๐—ฒ na nagsilbing daan upang gawing mas masaya at makabuluhan ang pagkatuto tungkol sa nutrisyon.

Narito ang mga natatanging mag-aaral at pangkat na nagpakitang-gilas at nagwagi sa iba't ibang patimpalak na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon:

๐—ก๐˜‚๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐˜‡ ๐—•๐—ฒ๐—ฒ
๐Ÿฅ‡ Unang Gantimpala: Lyndon Augustus Ramos Jr. at Marian Pauline Bayola (12-Empathy)
๐Ÿฅˆ Ikalawang Gantimpala: Venice S. Mariano at Alzhea C. Sagsagat (12-Fidelity)
๐Ÿฅ‰ Ikatlong Gantimpala: Lito P. Camacho Jr. at Audrina Celine R. Pacheco (11-Blessedness)

๐—ฆ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ธ
๐Ÿฅ‡ Unang Gantimpala: 12-Empathy
๐Ÿฅˆ Ikalawang Gantimpala: 12-Discipline
๐Ÿฅ‰ Ikatlong Gantimpala: 11-Compassionate

๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐˜†
๐Ÿฅ‡ Unang Gantimpala: 11-Compassionate
๐Ÿฅˆ Ikalawang Gantimpala: 11-Blessedness
๐Ÿฅ‰ Ikatlong Gantimpala: 12-Discipline

Pagbati sa lahat ng mga nagwagi at kalahok sa ipinamalas nilang kahusayan, talento, at aktibong partisipasyon sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon! ๐Ÿ‘๐Ÿป

Muli, higit pa sa mga patimpalak at pagkilala sa mga tagumpay, ang tunay na diwa ng Buwan ng Nutrisyon ay ang pagpapalawak ng kamalayan at paghikayat sa bawat isa na isabuhay ang wastong pangangalaga sa kalusugan. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang patuloy nating piliin ang mga gawi na magpapatibay sa ating katawan at maghahanda sa atin para sa mas maliwanag na kinabukasan. โœจ

โœ๐Ÿป : Ralph Raven Rosario & Jessie Cathrine Piano
๐Ÿ“ธ & ๐Ÿ–ผ๏ธ : Lhen Emmanuelle Kwek & Jessie Cathrine Piano

๐‘บ๐’‚ ๐‘ณ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’๐’‚๐’ƒ ๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’, ๐‘บ๐’–๐’Ž๐’Š๐’”๐’Š๐’Œ๐’๐’‚๐’ƒ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’Š๐’˜๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’Sa bawat paghampas ng bola, bawat yabag ng mga paa, at sa alingawn...
26/07/2026

๐‘บ๐’‚ ๐‘ณ๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’๐’‚๐’ƒ ๐’๐’ˆ ๐‘ณ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’, ๐‘บ๐’–๐’Ž๐’Š๐’”๐’Š๐’Œ๐’๐’‚๐’ƒ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’Š๐’˜๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’

Sa bawat paghampas ng bola, bawat yabag ng mga paa, at sa alingawngaw ng masigabong suporta mula sa tribuna, muling sumiklab ang diwa ng pagkakaisa. Ganyan binuksan ng Las Piรฑas City National Senior High School - Talon Dos Campus noong Hulyo 25, 2026 ang kanilang intramurals na nagsilbing tanghalan ng husay, tapang, at pusong handang makipagsapalaran para sa tagumpay.

Bago pa man mapuno ng nag-uumapaw na sigawan ang buong palaruan, sinimulan muna ang makabuluhang paglalakbay ng taimtim na panalanginโ€”gabay tungo sa isang yugto ng pakikipagsapalaran. Sinundan naman ito ng pag-awit ng Lupang Hinirang at Talon Dos Campus Hymn, na kapwa naghatid ng damdaming makabayan at pagmamalaki sa paaralan.

Sa mga salitang hitik sa inspirasyon at karunungan, nag-iwan ng makabuluhang mensahe ang punong-g**o na si Gng. Eleanor V. Honrales na nagsilbing tanglaw upang gabayan ang bawat kalahok sa pagharap ng bawat laban na may dangal at respeto. Sa pag-usad ng seremonya, inukit naman sa bawat puso ng bawat mag-aaral ang salitang nagbibigay-diin sa tunay na diwa ng palakasan sa pamamagitan ng Pledge of Sportsmanship. Kalakip nito ang pagsasagawa ng ceremonial toss, na nagsilbing hudyat sa pagsisimula ng panibagong kabanata ng intramurals.

Sa pagdating ng pinakahihintay na sandali ng paligsahan, apat na kulay at pangalan ang nagningning upang isulat ang kani-kanilang alamat sa larangan ng palaksan. Sa ilalim ng temang โ€œRise of the Four Legends: United by Honor, Driven by Victory,โ€ nagtipon-tipon ang mga koponang handang magpasiklab ng kani-kanilang determinasyong mag-iwan ng marka sa bawat laban.

Mula sa luntiang tapang ng Konoha Guardians, sa nag-aalab na ningas ng Blazing Shinobi, sa mahiwagang sinag ng buwan ng Moonlight Ninjas, hanggang sa nagyeyelong tatag at walang kupas na lakas ng Frozen Legends, apat na alamat ang sabay-sabay na bumangon upang ipamalas ang kanilang husay at lakas na nagsilbing sandata sa bawat laban at tanglaw sa kanilang paglalakbay tungo sa tagumpay.

Sa huli, ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa kung sino ang nagwagi, kundi sa kung paano lumaban ng may dangal, tumanggap ng pagkatalo nang may katatagan, at pagbibigay respeto sa bawat kalabang kasama sa paglalakbay. Maaaring iisa lamang ang mananaig sa labanang nasimulan, ngunit ang bawat manlalaro ay tiyak na may maiuuwing kwentong hindi matutumbasan ng anumang korona ng tagumpay. Sa bawat pawis na pumatak, bawat pagkadapang muling sinundan ng pagtindig, at bawat laban na hinarap nang buong tapang, unti-unting naipon ang mga alaalang karapat-dapat ipagmalaki.

โœ๐Ÿป : Kristine Mae Pasiona
๐Ÿ“ธ : Lhen Emmanuelle Kwek, Gerry De Luna, Andrey Gales, Jessie Cathrine Piano, Ralph Raven Rosario, Kristine Mae Pasiona, Allyana Pullon, Nathan Pendre

TINGNAN | Sama-samang Pagkilos para sa mas Maayos na KinabukasanNaging makabuluhan ang mga isinagawang programa sa Las P...
05/07/2026

TINGNAN | Sama-samang Pagkilos para sa mas Maayos na Kinabukasan

Naging makabuluhan ang mga isinagawang programa sa Las Piรฑas City National Senior High Schoolโ€“Talon Dos Campus noong Hunyo 27, 2026. Tampok nito ang Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Oath Taking, Parent Assembly, at Journalism Audition bilang bahagi ng pagpapatibay, pakikipagtulungan, at aktibong partisipasyon ng komunidad ng paaralan.

Pormal na nanumpa ang mga bagong halal na opisyal ng SSLG bilang pagsisimula ng kanilang panunungkulan at pangakong mamuno nang may integridad at malasakit sa kapwa mag-aaral. Isinagawa rin ang Journalism Audition upang mabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang kakayahan sa larangan ng pamamahayag at maging bahagi ng pahayagan na maghahatid ng responsableng impormasyon sa paaralan. Kasabay nito, idinaos ang Parent Assembly upang talakayin ang mahahalagang usapin hinggil sa disiplina, kaligtasan, at pagpapatibay ng ugnayan ng mga magulang at ng mga g**o sa paghubog ng mga mag-aaral.

Samantala, noong Hulyo 1, isinagawa ang Turnover Ceremony bilang opisyal na pagpapasa ng mga tungkulin mula sa nagdaang pamunuan tungo sa panibagong pamumuno. Naging simbolo ito ng maayos na transisyon at pagpapatuloy ng tapat na paglilingkod sa Talon Dos Campus.

Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, muling pinagtibay ng Talon Dos Campus ang diwa ng sama-samang pagkilos ng mga lider, mag-aaral, g**o, at mga magulang para sa iisang layuninโ€”ang pagbuo ng dekalidad at ligtas na paaralan para sa mas maayos na kinabukasan.

โœ๐Ÿป: Jessie Cathrine Piano, Kristine Mae Pasiona, Laurice Erica Nerves & John LJ Trinidad
๐Ÿ–ผ๏ธ: Kristine Mae Pasiona

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ก๐ข๐ง๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ฎ๐›๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จAng oras ay hindi humihinto sa pag...
02/07/2026

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ก๐ข๐ง๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐ฌ๐š
๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ฎ๐›๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ

Ang oras ay hindi humihinto sa pagtatapos ng isang kabanata. Patuloy nitong binubuklat ang mga pahinang naghihintay na mapunan ng mga bagong mithiin. Sa bawat paglipat ng pamumuno, kasabay nitong isinusulat ang kuwento ng pag-unlad at pagkakaisa.

Noong Hulyo 1, 2026, isang makabuluhang yugto ang muling binuksan ng Las Piรฑas City National Senior High School โ€“ Talon Dos Campus sa pagdating ni Maโ€™am Eleanor V. Honrales bilang bagong punong-g**o ng paaralan. Kasabay ng kaniyang paghirang ay ang pag-asang unti-unting bumalot sa bawat sulok ng Talon Dos Campus.

Mistulang nakiisa ang kalangitan nang ibuhos nito ang walang humpay na ulan nang araw na iyon. Sa gitna ng malamig na simoy at makakapal na ulap, iwinagayway ng mga mag-aaral ang makukulay na pompom, na tila mga bulaklak na namumukadkad sa gitna ng unos. Ang bawat patak ng ulan, bawat palakpak, at bawat sigaw ng pagbati ay sumalamin sa isang komunidad na handang yakapin ang pagbabago.

Sa pagpasok ni Maโ€™am Honrales, hindi lamang pinuno ang tinanggap ng paaralan, kundi maging ang pagkakataong magpatuloy na may matatag na ugnayan, mas malinaw na bisyon, at mas mataas na hangarin para sa kinabukasan. Sa bawat pag-usad ng paaralan, kaakibat nito ang mga hamon, ngunit higit na nangingibabaw ang pagkakataong makalikha ng mga pagbabago na mag-iiwan ng pangmatagalang bunga.

Maging ang patuloy na pagbuhos ng ulan ay naging simbolo ng bagong simula, tila hinugasan nito ang mga bakas ng nakaraan upang bigyang-daan ang mga adhikaing naghihintay na maisakatuparan. Hindi naging hadlang ang kulay-abong kalangitan, bagkus ito ay nagsilbing paalala na ang pinakamadilim na ulap ay maaaring magsimula ng mas maliwanag na bukas.

Sapagkat ang isang pinuno ay hindi lamang nagbubukas ng mga pintuanโ€”nagbubukas din siya ng mga pagkakataon. At sa bawat pahinang susunod na isusulat ng Talon Dos Campus, mananatiling buhay ang paniniwalang ang pinakamagandang kuwento ay nagsisimula sa tapang na tanggapin ang pagbabago.

Sa pagsisimula ng kaniyang panunungkulan ni Maโ€™am Eleanor V. Honrales, bitbit ang liwanag ng bukas, ang bawat hakbang na kaniyang tatahakin ay magiging bahagi ng patuloy na pag-unlad. Sapagkat sa bawat pahinang binubuksan, hindi lamang kuwento ang isinusulatโ€”kundi ang kinabukasang sabay-sabay na bubuuin ng buong Talon Dos Campus.

Isinulat nina โœ๐Ÿป: Jessie Cathrine Piano & Vince Ricarte Cabrera
Larawan nina ๐Ÿ–ผ๏ธ: Andrey Gales & Jamie Pauline Martinez

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐Œ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ง๐š๐ง๐  ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ!May mga taong dumarating sa isang ...
01/07/2026

๐‹๐€๐“๐‡๐€๐‹๐€๐ˆ๐ | ๐๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐Œ๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฅ๐ข
๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐ข๐ง๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐  ๐ง๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐ง๐š๐ง๐  ๐›๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐ฎ๐ฌ๐จ!

May mga taong dumarating sa isang lugar hindi lamang upang gampanan ang isang tungkulin, kundi upang maging bahagi ng isang mas malaking kuwento. Ang kanilang pananatili ay maaaring magkaroon ng katapusan, ngunit ang impluwensiyang kanilang iniwan ay patuloy na mabubuhay sa bawat taong kanilang nabigyang-inspirasyon.

Ang bakas ay hindi lamang tanda ng isang paglalakbay. Ito ay paalala ng mga hakbang na minsang tinahak, mga pagsubok na hinarap, at mga pagbabagong naging bunga ng sama-samang pagsisikap. Bawat iniwang marka ay mananatiling nakaukit sa alaalaโ€”isang alaala na hindi kailanman kayang burahin ng panahon.

Sa bawat sulok ng Las Piรฑas City National Senior High School โ€“ Talon Dos Campus, masasalamin ang bunga ng isang panunungkulang isinabuhay nang may dedikasyon at integridad. Isa sa mga nag-iwan ng ganitong marka ay si Dr. Jeanette J. Ruga, Punong-g**o ng paaralan, na nagtapos ng kaniyang panunungkulan noong Hunyo 26, 2026 matapos ang isang makabuluhang yugto ng kaniyang paglilingkod.

Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, higit pa sa mga tungkulin ang kaniyang ginampanan. Ang bawat plano at inisyatibo na kaniyang isinulong ay nag-ambag sa patuloy na paghubog ng direksyon ng paaralan. Sa bawat hamong kinaharap ng paaralan, namayani ang kaniyang malinaw na pananaw at paniniwalang ang pagresolba ng problema ay nakasalalay sa pagkakaisa.

Pinatunayan ni Dr. Ruga na ang tunay na pamumuno ay naipamamalas sa mga pagkilos na nagdudulot ng positibong pagbabago para sa kabutihan ng nakararami. Ang kaniyang mga hakbang ay nagsilbing gabay sa pagharap sa mga hamon at sa patuloy na paglalakbay ng paaralan tungo sa mas mataas na layunin.

Habang isinasara ang isang mahalagang kabanata ng kaniyang paglilingkod, nagsisimula naman ang panibagong yugto para sa paaralan. Higit sa anumang titulo, mananatili ang mga pagpapahalagang kaniyang itinaguyod at ang inspirasyong inialay niya sa paaralan.

Sapagkat ang isang tunay na lider ay hindi nawawala sa pagtatapos ng kaniyang termino. Ang kaniyang presensya ay nagpapatuloy sa mga pagbabagong kaniyang naumpisahan at sa bawat taong naakay ng kaniyang panunungkulan.

๐‘บ๐’Š ๐‘ซ๐’“. ๐‘ฑ๐’†๐’‚๐’๐’†๐’•๐’•๐’† ๐‘ฑ. ๐‘น๐’–๐’ˆ๐’‚ ๐’‚๐’š ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’‚๐’ˆ๐’Š ๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’‚๐’๐’๐’ ๐‘ซ๐’๐’” ๐‘ช๐’‚๐’Ž๐’‘๐’–๐’”โ€”๐’”๐’Š๐’š๐’‚ ๐’‚๐’š ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’…๐’‚๐’‰๐’Š๐’๐’‚๐’ ๐’Œ๐’–๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’Œ๐’Š๐’• ๐’‘๐’‚๐’•๐’–๐’๐’๐’š ๐’๐’‚ ๐’–๐’Ž๐’–๐’–๐’”๐’‚๐’… ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’–๐’˜๐’†๐’๐’•๐’ ๐’๐’Š๐’•๐’. ๐‘ฐ๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’–๐’˜๐’†๐’๐’•๐’๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’•๐’–๐’๐’๐’š ๐’๐’‚ ๐’Š๐’”๐’–๐’”๐’–๐’๐’‚๐’•, ๐’…๐’‚๐’๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’Œ๐’‚๐’” ๐’๐’ˆ ๐’Š๐’”๐’‚๐’๐’ˆ ๐’๐’Š๐’…๐’†๐’“ ๐’๐’‚ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’๐’ˆ๐’Œ๐’๐’… ๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’–๐’๐’๐’ˆ ๐’‘๐’–๐’”๐’.

Isinulat nina โœ๐Ÿป : Jessie Cathrine Piano & Vince Ricarte Cabrera
Larawan ni ๐Ÿ–ผ๏ธ : Jamie Pauline Martinez

Address

Carnival Park, Street BFRV
Talon Dos
1740

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Luntian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share