27/12/2025
“Dapat kasi nag-aral ka.”
Nagkita ang dalawang magkaklase noong high school matapos ang 10 taon.
Ang isa ay naging seaman,
ang isa naman ay biyahero ng gulay.
Habang namimili sa palengke…
Seaman:
Manong, pabili nga ng talong, kamote, at pechay. Kababa ko lang ng barko, miss ko na kumain ng gulay.
Tindero:
Pre, ikaw ba ‘yan? Kamusta na?
Seaman:
Uy, ikaw pala! Ayos lang pre. Eto, seaman na. Ikaw, kamusta?
Tindero:
Eto pre, bumibiyahe ng gulay. Ikaw, buti ka pa…
Seaman:
Dapat kasi pre, nag-aral ka.
Tindero:
Oo nga pre eh…
Seaman:
Eh di sana pre, 100k din buwanan kita mo. Magkano ba kita mo d’yan?
Tindero:
10k kada araw pre. May isa pa akong truck na bumibiyahe sa Pasig at may tagabenta ako roon. Iba pa ‘yung kinikita ko doon.
Kahit magkasakit ako at di makapagbenta, may kita pa rin ako.
Nakabili na rin ako ng lupa dahil sa pagbebenta at pagsu-supply ng gulay dito sa Marikina. Plano ko na ring magpatayo ng apartment.
Seaman:
(Speechless)
Lesson:
DO NOT LET YOUR SCHOOLING AFFECT YOUR EDUCATION.
Maganda ang may diploma,
pero hindi ito garantiya ng pag-asenso.
Mas mahalaga pa rin ang:
✔ tamang sistema
✔ diskarte
✔ sipag
✔ at oportunidad
Dahil minsan, ang tagumpay hindi nasusukat sa titulo, kundi sa kung paano mo ginamit ang pagkakataon sa buhay......