14/05/2026
Ipinapaalam sa publiko na pansamantalang isasara ang 𝗕𝘂𝗹𝗹𝗱𝗼𝗴 𝗣𝗲𝗮𝗸, 𝗞𝗼𝗹𝗼𝗻 𝗣𝗲𝗮𝗸, at 𝗞𝗻𝗶𝗳𝗲 𝗘𝗱𝗴𝗲 simula 𝗠𝗮𝘆 𝟏𝟖 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔.
Isasagawa sa nasabing mga lugar ang:
• Paglilinis at pagkolekta ng basura
• Pag-install ng mga poste
• Paglalagay ng safety ropes para sa kaligtasan ng mga hikers at bisita
Kaugnay nito, hinihiling ang kooperasyon at pang-unawa ng lahat. Mahigpit na ipinagbabawal muna ang pag-akyat at pagpasok sa mga nabanggit na lugar habang isinasagawa ang maintenance at safety improvement activities.
Maghintay sa mga susunod na anunsyo.
Maraming Salamat po.