Forward Tanauan

Forward Tanauan A personal vlog dedicated to capturing the heart of Tanauan City—its communities, local stories, nature, commerce, history, and continuing development.

11/06/2026

Design. Innovate. Build the Future.

At FAITH Colleges’ College of Engineering, your ideas become solutions that shape industries and improve lives. Through hands-on learning, advanced facilities, and industry-driven programs, you'll gain the skills to lead in a rapidly evolving technological world.

Choose your path:
• BS Electrical Engineering
• BS Electronics Engineering
• BS Computer Engineering
• BS Industrial Engineering

Take the first step toward becoming an engineer who makes a difference.

Enroll now and become a Braveheart!

Enrollment Procedure: https://www.firstasia.edu.ph/enrollment-procedure-new.../

🚑 Philippine Red Cross Expands Its Presence in Tanauan CityIsang mahalagang hakbang para sa mas matatag na humanitarian ...
11/06/2026

🚑 Philippine Red Cross Expands Its Presence in Tanauan City

Isang mahalagang hakbang para sa mas matatag na humanitarian service sa Tanauan City ang isinagawa sa pamamagitan ng Deed of Donation Signing at Groundbreaking Ceremony ng future Philippine Red Cross facility sa Tanauan City Zentrum, malapit sa City Hall

Naging posible ang proyektong ito dahil sa generous donation ng Torres Family at Torres Group of Companies, kasama ang vision at design expertise ng Architect Manolo Merhan ng Icon Rock Builders and Development.

Higit pa sa isang gusali, ang pasilidad na ito ay magpapalakas sa emergency response, disaster preparedness, blood services, at iba pang humanitarian programs para sa Tanauan at mga karatig na komunidad.

Isa na namang patunay na sa pagtutulungan ng pribadong sektor, humanitarian organizations, at komunidad, mas napapalapit natin ang isang mas handa, mas ligtas, at mas maunlad na Tanauan.

📸 Photo Credits: Philippine Red Cross Batangas Chapter | Shared for community information and public awareness.

⛳ MAY GOLF CLUB PALA SA TANAUAN?! 🌄Akala ng marami, sa Tagaytay lang makakakita ng golf courses na may magandang tanawin...
09/06/2026

⛳ MAY GOLF CLUB PALA SA TANAUAN?! 🌄

Akala ng marami, sa Tagaytay lang makakakita ng golf courses na may magandang tanawin. Pero alam n'yo ba na may sarili ring golf club ang Tanauan City?

📸 Photo Credit: Vineyard Golf Club

Matatagpuan sa upland area ng Brgy. Gonzales ang Vineyard Golf Club, isang scenic golf destination na may kahanga-hangang tanawin ng Taal Lake at Taal Volcano. Bukod sa maaliwalas na kapaligiran, kilala rin ito bilang isa sa mga kakaibang golf courses sa bansa na maaaring laruin kahit sa gabi.

Isa itong patunay na ang Tanauan ay hindi lamang sentro ng negosyo, industriya, at edukasyon—mayroon din itong mga natatagong destinasyon para sa leisure, sports, at turismo.

📍 Brgy. Gonzales, Tanauan City, Batangas
⛳ Vineyard Golf Club
🌋 Overlooking Taal Lake and Volcano

Nakapunta ka na ba rito? Ibahagi ang iyong karanasan sa comments!

📸 Photo Credit: Vineyard Golf Club

⛳🌄🏌️‍♂️

📸💦 Huling Hirit sa Tag-Init sa Jenerick Resort! ☀️🌴Tingnan ang saya! 😍 Punong-puno ng tawanan sa Jenerick Resort.Bago tu...
08/06/2026

📸💦 Huling Hirit sa Tag-Init sa Jenerick Resort! ☀️🌴

Tingnan ang saya! 😍 Punong-puno ng tawanan sa Jenerick Resort.

Bago tuluyang magpaalam ang summer, tara na at makisaya kasama ang buong pamilya at barkada! 🏊‍♀️👨‍👩‍👧‍👦✨

🏊 Swimming Pools for All Ages
🏡 Family-Friendly Atmosphere

📸 Jenerick Resort Tanauan

Huwag palampasin ang huling hirit sa tag-init! Dito sa Jenerick Resort, siguradong sulit ang bawat patak ng saya! 💙

📍 Jenerick Resort, Tanauan City

☀️💦🎉

08/06/2026

Why visit The Vineyard now? ✨

The flowers are in bloom, the grass is greener than ever, and it’s officially grape harvest season. Add in our breathtaking sunset views, and you’ll see why this is the perfect time to experience The Vineyard. 🍇✨

🌐 www.thevineyardtanauan.com.ph
📍 The Vineyard Tanauan — just one hour away from Manila

🎒 READY NA BA? FIRST DAY OF SCHOOL ESSENTIALS! 📚As classes begin, make sure your child is ready with these school-day mu...
07/06/2026

🎒 READY NA BA? FIRST DAY OF SCHOOL ESSENTIALS! 📚

As classes begin, make sure your child is ready with these school-day must-haves:

✅ School ID
✅ Backpack
✅ Notebooks & School Supplies
✅ Pens, Pencils & Eraser
✅ Water Bottle
✅ Lunch / Snacks
✅ Face Towel or Handkerchief
✅ Alcohol or Hand Sanitizer
✅ Extra Face Mask (if preferred)
✅ School Uniform & Proper Shoes
✅ Class Schedule
✅ Positive Attitude and Confidence 😊

💡 Parents' Reminder:
✔️ Prepare school things the night before
✔️ Wake up early to avoid rushing
✔️ Remind children about safety and kindness in school

🌟 Good luck and enjoy your first day of school!

⚡ POWER INTERRUPTION ANALYTICS📅 May 28 – June 6, 2026Sa loob lamang ng 10 araw, nakapagtala tayo ng 10 power interruptio...
07/06/2026

⚡ POWER INTERRUPTION ANALYTICS
📅 May 28 – June 6, 2026

Sa loob lamang ng 10 araw, nakapagtala tayo ng 10 power interruption events na nakaapekto sa Tanauan at mga kalapit na bayan.

📊 Highlights:
🔴 6 Emergency Interruptions
🟢 4 Scheduled Interruptions
📍 9 events ang nakaapekto sa Tanauan
📍 2 events ang nakaapekto sa Malvar
⚡ 1 major NGCP transmission outage

🏆 Mga lugar na pinakamaraming beses naapektuhan:
• Hidalgo
• Bagumbayan
• Tinurik
• Mabini
• Bagbag

Samantala, ilang barangay sa Feeder 3 area gaya ng Santor, Sambat, Janopol Oriental, Janopol Occidental, Gonzales, Wawa, Maria Paz, Natatas, Balele, at Mahabang Buhangin ay nakaranas din ng paulit-ulit na power interruptions sa nasabing panahon.

🚨 Ang pinakamalaking outage ay naganap noong June 6 matapos mag-trip ang Bay–Calamba–Sto. Tomas 69kV transmission line ng NGCP, na nakaapekto sa buong Tanauan, Malvar, Talisay, Laurel, at ilang bahagi ng Lipa at Balete.

Habang patuloy ang mga maintenance, upgrades, at emergency repairs, mahalagang mabantayan ang mga advisory upang makapaghanda ang bawat tahanan at negosyo.

Ano ang inyong karanasan sa mga power interruptions nitong nakaraang mga araw?

⚡🤔 𝐌𝐀𝐘 𝐍𝐀𝐊𝐀-𝐌𝐄𝐑𝐀𝐋𝐂𝐎 𝐏𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐔𝐀𝐍?Bagama't karamihan ng Tanauan City ay nasa ilalim ng BATELEC II, malaking bahagi ng ...
07/06/2026

⚡🤔 𝐌𝐀𝐘 𝐍𝐀𝐊𝐀-𝐌𝐄𝐑𝐀𝐋𝐂𝐎 𝐏𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐍𝐀𝐔𝐀𝐍?

Bagama't karamihan ng Tanauan City ay nasa ilalim ng BATELEC II, malaking bahagi ng tatlong barangay ang sakop ng Meralco dahil sa lokasyon ng mga industrial at special economic zones sa lungsod. Ange residential area ng mga barangay na ito ay nanatiling under Batelec II.

📍 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐭𝐚 (FPIP)
📍 𝐔𝐥𝐚𝐧𝐠𝐨 (FPIP)
📍 𝐏𝐚𝐠𝐚𝐬𝐩𝐚𝐬 (FIT)

Sa mga barangay na ito matatagpuan ang ilan sa pinakamahalagang industrial estates ng Tanauan:

🏭𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐚𝐫𝐤 (𝐅𝐏𝐈𝐏) – na sumasaklaw sa mga bahagi ng Ulango at Pantay Bata. Itinatag noong 1996, ang FPIP ay isa sa pinakamalaking industrial parks sa Pilipinas at tahanan ng maraming multinational companies na nagbibigay ng libu-libong trabaho sa mga Batangueño.

🏭 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐬𝐭𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐓𝐨𝐰𝐧𝐬𝐡𝐢𝐩 (𝐅𝐈𝐓)– na matatagpuan sa Barangay Pagaspas. Ang FIT ay isang PEZA-registered industrial estate at sister company ng FPIP na nagsisilbi ring tahanan ng iba't ibang manufacturing at export-oriented companies.

Dahil sa mga kumpanyang matatagpuan sa FPIP at FIT, malaking bahagi ng local revenue ng Tanauan ay nagmumula sa business taxes, real property taxes, at iba pang bayarin. Marami sa mga locator ng mga industrial estates na ito ang regular na kabilang sa mga pinakamalalaking nagbabayad ng buwis sa lungsod, na tumutulong upang mapanatiling mataas ang kita ng Tanauan at masuportahan ang mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan.

💡 Kaya posible na may power interruption sa mga lugar na sakop ng BATELEC II habang normal naman ang serbisyo sa ilang bahagi ng Pantay Bata, Ulango, at Pagaspas—o vice versa. Magkaiba kasi ang distribution utility na nagseserbisyo sa mga lugar na ito.

𝐒𝐚 𝐦𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚, 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲 𝐁𝐚𝐭𝐚, 𝐔𝐥𝐚𝐧𝐠𝐨, 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠𝐚𝐬𝐩𝐚𝐬 𝐚𝐲 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐫𝐚𝐥𝐜𝐨 𝐬𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐚𝐫𝐞𝐚—𝐬𝐢𝐥𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐞𝐤𝐨𝐧𝐨𝐦𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲. 💡🏭📈

📣 **May alam ka pa bang ibang Tanauan trivia na dapat malaman ng lahat? I-comment sa ibaba!**

⚡ BROWNOUT NA NAMAN SA TANAUAN?Sa gitna ng panibagong power interruption na naranasan ng maraming residente ngayong araw...
06/06/2026

⚡ BROWNOUT NA NAMAN SA TANAUAN?

Sa gitna ng panibagong power interruption na naranasan ng maraming residente ngayong araw, muling nabubuhay ang usapin tungkol sa kinabukasan ng serbisyo ng kuryente sa Eastern Batangas.

Ilang taon nang isinusulong ang posibilidad ng partnership sa pagitan ng Meralco at BATELEC II bilang bahagi ng panukalang modernisasyon ng power distribution system sa mga lugar na sakop ng kooperatiba, kabilang ang Tanauan. Hanggang ngayon, wala pa ring pinal na desisyon ukol dito.

Samantala, patuloy namang nakararanas ng mga scheduled at emergency power interruptions ang ilang lugar sa Tanauan sa mga nakaraang buwan, ayon sa mga advisory ng BATELEC II Area III.

📌 Sa inyong palagay: Panahon na ba para magkaroon ng bagong direksyon ang serbisyo ng kuryente sa Eastern Batangas? O dapat bang bigyan pa ng pagkakataon ang kasalukuyang sistema na maisaayos ang serbisyo?

💬 Ibahagi ang inyong karanasan at opinyon sa comments. Panatilihin nating magalang at makabuluhan ang talakayan.

:

"Habang nagpapatuloy ang mga diskusyon tungkol sa modernisasyon ng power distribution sa Eastern Batangas, nananatiling pangunahing tanong ng maraming Batangueño: Kailan magiging mas maaasahan ang serbisyo ng kuryente?" ⚡️💡

06/06/2026

Address

Tanauan
4232

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Forward Tanauan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share