19/11/2025
STATEMENT OF REP. PAOLO Z. DUTERTE
“So Mr. Jonvic Remulla thinks rallies and criticism are ‘close to inciting sedition’?
Amazing. The Bill of Rights has been around since 1987 — pero hanggang ngayon parang optional reading pa rin sa’yo.
Gusto mo ba ipa-laminate namin ang Article III, Section 4 tapos i-display mo sa office mo? Para hindi ka naliligaw?
Freedom of speech.
Freedom of expression.
Freedom to assemble.
Grade school civics.
Hindi lahat ng ayaw sa inyo = sedisyon.
Baka naman hypersensitive lang kayo pag kayo ang tinitira.
And to the AFP Chief of Staff — since very grateful kayo sa budget — here’s a simple, harmless question:
Okay lang ba kung i-audit ng Kongreso at ng publiko kung saan napunta ang bilyones para sa AFP?
Kasi sa ilang kampo, kalahati lang may armas…
At yung meron, pang-museum level na M16 pa ang gamit.
May mga proyekto rin daw na ghost.
Not metaphorical — as in wala talagang makita.
Parang budget na na-evaporate.
So pwede ba namin papuntahin ang staff ko para mag-inspect?
O sa dictionary ninyo, “transparency” = “sedition” na rin?
Nakakatawa kayo.
Konting rally, sedition.
Konting tanong, sedition.
Konting pag-check ng budget, sedition.
Kung ganyan pala, sabihin nyo na lang diretsahan:
Bawal magtanong. Bawal pumuna. Bawal mag-demand ng accountability. Martial law lang ang peg?
Demokrasya ba ‘to, o emotional support group ng mga easily offended officials?
Lastly, sa tingin niyo ba talaga mawawala ang galit ng mga Pilipino sa mga pinagagawa niyong pilit silang pinatatahimik at tinatakot? Ganyan na lang ba kababa ang tingin ninyo sa pag-iisip ng mga Pilipino? Gumising na man kayo paminsan minsan at intindihin niyo naman ang saloobin ng bawat Pilipino…
Relax, Mr. Remulla.
Not every criticism is a threat to national security.
Minsan, nakakasilaw lang talaga ang katotohanan.”