28/05/2025
FOR AWARENESS‼️
WARNING SA MGA MAGULANG: TUNG TUNG TUNG SAHUR 😱🍂
Posted May 3, 2025 | Now deleted
Hi, hindi ako mahilig magsulat ng ganito, pero gusto ko lang ibahagi kasi baka makatulong sa ibang parents.
Yung Video 🎥https://fbvideos.net/share/p/19EWPwVsJf/512612312652132152132135125123
Napansin ko kasi nitong mga nakaraang linggo, yung bunso kong anak, 7 years old, parang naging obsessed sa isang character sa TikTok at YouTube Shorts—yung “Tung Tung Tung Sahur.” Akala ko noong una, harmless lang. Nakakatawa nga, parang cartoon. Pero habang tumatagal, iba na ang kinikilos niya.
Tuwing madaling araw, nagigising siya mag-isa. Wala namang alarm. Pag tinanong ko bakit gising, sasabihin niya, “Narinig ko na po si Sahur. Sabi niya gising na daw ako.”
Akala ko joke lang. Pero tuwing 3:17 AM, lagi siyang gising. Laging nakatingin sa may bintana.
One night, pinanuod ko yung mga video na pinapanood niya. At sa isa sa mga latest videos, after mga 17 seconds, biglang nag-black yung screen, tapos may sumingit na frame na parang hindi part ng animation. Hindi ko ma-explain pero may mukha doon. Hindi cartoon. Mukhang totoo. Parang naka-capture lang ng low-res CCTV. Nakatitig lang.
Na-delete agad yung video after ilang araw.
Then, the scariest part—nakita ko si bunso na parang tulog habang hinahampas niya yung wall sa kwarto niya. Galit na galit. Hawak yung laruan niyang bat. Paulit-ulit sinasabi:
“Tung tung tung… sahur…”
Hindi siya nagising agad kahit anong yugyog ko.
Nung kinausap ko siya kinabukasan, iyak siya ng iyak. Sabi niya, “Ayaw na daw ni Sahur na hindi ako sumama. Kasi naririnig na niya ako gabi-gabi.”
After that, pinatigil ko screen time niya. Gumaling siya. Bumalik sa dati.
Pero gusto ko lang ibahagi kasi baka hindi lang kami.
Hindi ko sinasabing totoo ‘yung mga kwento-kwento online. Pero kung may anak kayong mahilig manood ng Tung Tung Tung Sahur, bantayan niyo sila.
Hindi lahat ng nakakatawa ay safe.
Minsan, ginagawang meme ang hindi dapat pinaglalaruan.
----
Ater kong pagbawalan sa phone ang anak ko, akala ko tapos na. Pero nitong huling linggo, napansin kong kahit wala siyang access, inaawit pa rin niya ‘yung phrase. Paulit-ulit, mahina.
"Tung... tung... tung... sahur..."
Minsan habang naglalaro, minsan habang tulog. Para bang hindi niya alam na sinasabi niya ‘yon. Tinanong ko siya bakit, sabi niya:
“Kasi gusto niya maalala ko siya.”
"Sino?" tanong ko.
“Yung kahoy na tao. Yung hindi marunong pumikit.”
Nag-research ako. Hindi lang pala ako ang nakapansin. Meron nang mga threads dati—puro deleted na ngayon—about kids in different towns na naging obsessed sa parehong character. Yung iba, gumising ng madaling araw. Yung iba, biglang nagwawala na hinahampas yung dingding nila. Meron ding isang kwento, na halos pareho sa nangyari sa anak ko.
Tapos may isang user doon na nagsabi ng, “It’s not a character. It’s a call. And every time a kid repeats it, they give it permission.”
Pansinin mo rin: Ba’t sa lahat ng oras, 3:17 AM palagi siya napapansin? Hindi 3, hindi 3:30.
Kasi daw sa lumang paniniwala, 3:17 ay oras ng panggising, hindi para sa tao—pero para sa ibang nilalang. Ginagamit ang “sahur” bilang paanyaya pumasok sa buhay niyo.
SEE PHOTOS HERE: https://fbpost.net/share/p/19EWPwVsJf/512612312652132152132522135125123
Note: This isn’t meant to scare, but to raise awareness. Kids still need our guidance—especially with what they see and hear online. Let’s stay involved.
CCTO