
18/05/2025
Bago pa man ang Metro Manila, naroon na ang Rizal!
Noong 1901, isa sa pinakamalawak na lalawigan ang Rizal, saklaw ang mga bayang ngayo’y sentro ng lungsod. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti itong nabawasan. Sa bisa ng Presidential Decree No. 824 noong 1975, ang 12 pinaka-progresibong bayan nito ay isinama na sa bagong tatag na Kalakhang Maynila. Sa kasalukuyan, 1 lungsod at 13 bayan na lang ang bumubuo sa lalawigan.
Sa post na ito, ating gunitain ang hal;os nakalilimutan nang kasaysayan ng lalawigang minsang pumaligid sa puso ng bansa.