01/08/2026
AGHAM AT TEKNOLOHIYA||
VOE: V**e o Escape?, Ang agham ng panganib na nakatiwangwang
Sa kasalukuyang panahon ang paggamit ng electronic ci******es o mas kilala bilang "v**e" ay mabilis na lumaganap, lalo na sa hanay ng mga kabataan. Madalas itong Iugnay sa imahe ng makabagong pamumuhay at tinatangkang ituring na mas alternatibo na ligtas sa tradisyunal na sigarilyo. Gayunpaman, sa likod ng mga makukulay na disenyo at ibat ibang banayad na lasa nito ay nakatiwangwang ang isang seryosong banta sa kalusugan.
Marami ang gumagamit ng v**e bilang isang paraan ng escape o pag iwas sa pagod, panggigipit ng lipunan o sa mga personal na suliranin sa buhay
Sinasabi rin na pamalit ito sa traditional na sigarilyo. Sa bawat buga ng may-lasang usok. Nagbibigay ito ng panandaliang ginhawa o dopamine rush na nagiging dahilan upang umulit nang umulit ang gumagamit. Ngunit ang pag-asang ito ay isang bitag isang pansamantalang takas na kalaunan ay magiging sanhi ng mas malubhang adiksyon dahil sa taglay nitong nikotina.
Ayon sa mga siyentipikong pagaaral, ang aerosol na nilalanghap mula sa v**e ay hindi simpleng "tubig o singaw" lamang. Naglalaman ito ng mga nakalalasong kemikal tulad ng formaldehyde, acrolein, at mabibigat na metal na maaaring makasira sa baga.
Ang v**e ay hindi isang pasaporte patungo sa kalayaan mula sa pagod at problema. Ito ay isang tahimik na panganib na naghihintay na sumira sa kalusugan ng sinumang magtatangkang gumamit nito. Panahon na upang mamulat ang lahat na ang "escape" na ipinapangako nito ay patungo lamang sa mas malaking krisis sa kalusugan. Ang tunay na paglaya ay ang pagtanggi sa bisyong ito at pagpili ng malinis at malusog na pamumuhay nang walang kinakailangang artipisyal na usok.
Isinulat ni Miel kelvin C. Maramag | Taga sulat ng agham at teknolohiya
Dibuho ni Aizeah B. Tica | Dibuhista
Dinesenyo ni Juana Micaella L. Viray | Taga disenyo ng pahina