04/07/2025
Akala ko simpleng sakit lang ng tiyan at balakang 4 kidney stone na pala💔😭
baka may kakilala kayong mahilig sa junk food pero di mahilig uminom ng tubig🥺
Ako yung tao na hindi mahilig sa softdrinks, alak and noodles kumain man ako sobrang bihira dahil diko naman talaga fav food yung mga yan, mahilig ako sa maalat pero bihira lang din ako talaga kung kumain niyan, ewan ko minsan diko talaga maiwasan mapaisip na baka sa implant ko to since nag iba talaga way ko pano kumain nung nag pakabit ako nun. araw araw din ako may mens walang araw na wala. napansin ko na mabilis na ako mapagod at mabilis nadin ako mag palpitate, madalas akong hilo di makatulog ng maayos madalas din akong naiistress or depress dahil madalas kong isipin yung mga tapos na na pangyayare na makakasakit sakin, siguro dahil din sa mga unhealthy food na kinakain ko and pag pigil ko din ng ihi ko kung minsan, nakaka lungkot lang dahil never expected na eto pa yung magiging sakit ko eh mahina ang loob ko lalo na sa salitang need operahan😭 pinag pray ko padin kay lord na sana madaan na lang sa gamot di baling 1 taon ako mag gamot basta wag lang ako maoperahan kasi natatakot talaga ako🤧
Kaya kayo kung maramdaman niyo yung mga sintomas nato wag niyo basta basta balewalain lang..
1. masakit ang tiyan
2. masakit ang balakang o tagiliran
3. parang mabula yung ihi mo
4. madalas na pag pulikat ng paa
5. madalas na pag ka lutang ( feeling mo palaging lutang yung isip mo)
6. nagmamanas ka
7. mas madalas ka umihi sa gabi
8. madalas kang pagod kahit wala ka namang ginagawa
9. hirap sa pag tulog
10. wala kang gana kumain
Pag may naramdaman kang 3 sa 10 sintomas na yan mag pacheck up kana agad. mas maaga mas maganda para mabilis malunasan lalo na kung 1 palang pag naging 4 na kasi medyo mahirap na talaga 50/50 chance na makuha pa sa gamutan most of that kasi need na talaga operahan🥺