02/01/2026
'PLAYING GOLF'‼️
Ayon sa kanyang kapatid na si Interior Secretary Jonvic Remulla, hindi naospital si Ombudsman Jesus Crispin Remulla gaya ng kumakalat na balita, kundi naglalaro umano ito ng golf noong Biyernes ng umaga.
Kumalat sa social media nitong mga nakaraang araw ang pahayag na naospital ang Ombudsman, partikular mula sa mga kritiko ni Remulla.
Nang tanungin kung magsasampa sila ng kaso laban sa mga social media user na nagpakalat ng naturang pahayag, sinabi ni Secretary Remulla na, “No need.”