27/08/2025
Hi goodeve po hingi sana ako sis ng konting support for my Niece pa REACT PO pa HEART ❤ Sa MISMONG PICTURE po ni Laurice Francisco AND Makikisuyo narin po PA SHARE...Thank you in Advance Godbless you😘
TANONG: Bilang kabataan sa makabagong panahon, paano mo mapapanatili at mapapahalagahan ang wikang Filipino at mga katutubong wika upang magsilbing tulay sa pagkakaisa ng ating bansa?
SAGOT: Bilang isang kabataan sa makabagong panahon, naniniwala akong ang wikang Filipino at mga katutubong wika ay higit pa sa kasangkapan ng pakikipag-usap—ito ay salamin ng ating pagkatao at kultura. Mapapanatili ko ito sa pamamagitan ng mas aktibong paggamit sa araw-araw: sa pakikipag-usap sa kapwa, sa pagsusulat, at maging sa social media. Sa ganitong paraan, naipapakita ko na ang ating wika ay buhay at patuloy na nagiging bahagi ng ating pagkakakilanlan.
Hindi ko rin hahayaang malimutan ang mga katutubong wika, sapagkat bawat isa ay nagdadala ng kasaysayan, tradisyon, at karunungan ng ating mga ninuno. Sa halip na tingnan ang ating pagkakaiba-iba bilang sagabal, tinitingnan ko ito bilang tulay tungo sa pagkakaisa. Kapag natututo tayong magbigay-galang at magpahalaga sa sarili nating wika, mas pinagtitibay natin ang ating pagmamahal at katapatan sa Inang Bayan.
Kilalanin si Lakambini LAURICE FRANCISCO mula sa HU2MC. 🇵🇭
📌BOTOHAN:
📅 August 26, 2025 – August 27, 2025
❤️ = 1 puntos
SHARE = 2 puntos
✅ Reactions sa original post sa official page lang ang bibilangin.
🚫 Strictly no vote buying/auto-likers.
📌PAMANTAYAN:
🗳 Online botohan – 20%
🏆 Paghatol ng Lupon– 80%
() Ganda at Tikas - 30%
() Kalikhaan at Kaugnayan sa Paksa - 35%
() Kabuuang kasagutan – 15%