BAMB

BAMB Bagtas Alam Mo Ba? Pano malalaman hindi ka naman updated? LAMANG ANG MAY ALAM.

Bagtas Alam Mo Ba-to?
28/07/2025

Bagtas Alam Mo Ba-to?

PABATID. Balik operasyon na ang pamahalaang bayan ng Tanza bukas, July 28, 2025.

May pasok na ang lahat ng government employees at magbabalik na rin ang regular na serbisyo sa lahat ng tanggapan ng munisipyo.

Tinitiyak ng LGU-Tanza sa pangunguna ni Mayor Archangelo β€œSM” Matro na magpapatuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng Serbisyo at Malasakit para sa bawat TanzeΓ±o.




😲
28/07/2025

😲

28/07/2025

Naarawan ka na ba?

24/07/2025

Bakit nagtaray ka na naman ngayon sa kapitbahay mo?

24/07/2025

O ka-barangay nakikiusap mga rider natin sa parcel, kung wala namang sure na pambayad sa parcel, wag ka munang mag check out! Bagyo pa, maawa ka naman! BrrrtπŸ˜…

24/07/2025

Bakit
Natutulala
Ka?

24/07/2025

Mga Ka-Barangay, dba mababait tayo??
Nasa State of Calamity pa ang ating buong lalawigan, magtulungan tayo hindi mag nakawan! Ok??! Wag mong hintayin liparin ka ng hangin! Grrr πŸ˜…

O BAGTAS, ALAM MO BA-TO?? MAY HIRING SA BAGTAS HEALTH CARE CLINIC??Nag anunsyo ang Bagtas Health Care Clinic na nanganga...
24/07/2025

O BAGTAS, ALAM MO BA-TO?? MAY HIRING SA BAGTAS HEALTH CARE CLINIC??

Nag anunsyo ang Bagtas Health Care Clinic na nangangailangan sila ng mga staff, Nurse and Doctors sa Clinic. So ibig sabihin trabaho ito, hiring ito! Asap pa! Wag mo ng palagpasin, ang lapit mo pa! 😻

Kaya basahin ang nasa babang picture kung pano ang process of application. Walang mangyayari kung puro konsomisyon ka na lang sa bills mo, iapply mo na yan. 😹✌🏻

Punta na agad sa Bagtas Health Care Clinic or Sa Barangay Hall para magtanong patungkol dito at DALHIN ANG DAPAT DALHIN KESA PABALIK BALIK, parang salitang ng nanay mo, pabalik-balik. Kulit mo kasi! 😹

Mag ingat po tayo.

O BAGTAS, ALAM MO BA-TO?? KUNG PANO MAG AVAIL SA FREE MEDICAL SERVICES SA BAGTAS HEALTH CARE CLINIC??Nag anunsyo ang Bag...
24/07/2025

O BAGTAS, ALAM MO BA-TO?? KUNG PANO MAG AVAIL SA FREE MEDICAL SERVICES SA BAGTAS HEALTH CARE CLINIC??

Nag anunsyo ang Bagtas Health Care Clinic kung pano daw maga-avail ng Free Medical Services sa loob ng Clinic.

Kaya basahin ang nasa babang picture para hindi ka maligaw at magmuryot kapag gusto mong mag avail ng Free Medical Services. Walang mangyayari sa kakamuryot mo, pero sa pag-follow ng process meron pa. 😹✌🏻

Punta na agad sa Bagtas Health Care Clinic or Sa Barangay Hall para magtanong patungkol dito at DALHIN ANG DAPAT DALHIN KESA PABALIK BALIK, Parang relasyon mo sa X mo, pabalik balik. 😹

Mag ingat po tayo.

24/07/2025

O BAGTAS ALAM MO BA TO??? HINDI MASAMANG DROGA KUNDI MAGANDANG DROGA AT LUGAR NG GAMUTAN GAMIT ANG MAGANDANG DROGA!!

Aba mga ka-Barangay, nabalitaan niyo ba nitong nakaraang Sabado, July 19, 2025, sa Bagtas Health Care Clinic, sa dating Barangay Hall ng Bagtas, nagkaroon daw ito ng panibagong opening para sa panibagong sistema at programa, kaakibat nito ang LETS CARE, LIFE SAVER GROUP na tumutulong sa ibat ibang lugar sa buong Bansang Pilipinas upang magkaroon ng FREE MEDICAL CLINIC para sa komunidad. At isa daw ang ating Barangay Bagtas ang napili para kanilang tayuan ng nasabi nilang layunin.

Take note:
* ITO DAW AY MAY LIBRENG CHECK UP SA MGA MAHAHALAGANG PARTE NG KATAWAN NATIN. ( ano-ano ang mga ito? Aba magsadya ka na sa Barangay hall para magtanong.😻)
* ITO AY MAY MGA PROFESSIONAL TALAGANG MAGCHECHECK-UP SAYO.
* ITO AY MAY DENTISTA DIN.
* ITO AY MAY LIBRENG LAB TEST.
* MAY LIBRENG GAMOT DIN.
TAKE NOTE LIBRE PO ITO!!!! TAKE NOTE LIBRE PO ITO!!!!

At sabi ng aking informant, ito daw ay sa Effort at Response ni Kap Boyet Mintu kasama ang Sangguniang Barangay. O, nalaman mo na? O baka isa ka dun sa nagpunta?? Aber, ammmiiiinnniiinn! 😹

Ito ay sinisimulan muna daw i-run ng once a week, habang ito ay pinoproseso maige upang maging regular na ito malimit sa isang linggo sa mga susunod na dalawang buwan.

Malaking Blessing ito sa atin! At wag ng mag inarte! Libre na nga sa maayos na motibo tatarsyan mo pa?? Ginigigil mo si ulan! 😹

Ang sabi pa nga ng isa pang informant, ito daw ay pinangarap na din ng Kapitan ng Barangay na maipangyari sa nakaraang mga taon, ngunit hindi lamang daw ganun kadali ang pinagdaanan upang makamit ang FREE MEDICAL CLINIC ng regular sa ating Barangay. Pero isang araw ito na ang isa sa malaking tugon, ang LETS CARE, LIFE SAVER GROUP na siyang nagkaroon daw ng matibay na commitment sa ating Kapitan na maging regular na ito.

Kaya ano pa bang dapat natin gawin? Hindi pa ba natin ito susuportahan ng maayos??? Aber! Magsalamin ka na. 😹

Panoorin natin ang mga naging sitwasyon sa Opening ng Bagtas Health Care Clinic sa pamumuno at Effort ng Barangay Captain & Sangguniang Barangay with LETS CARE, LIFE SAVER MEDICAL SERVICES!

Pasupport! pa-Like & share, Thanks! 😻

24/07/2025

O-EM-DI!!
Nagkaproblema isang account koooo!!!
Huhu dito na muna tayo sa ating NEW
ACCOUNT. please follow my new account. πŸ˜…πŸ™

Address

Tanza

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BAMB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share