17/08/2026
Araw-araw tayong active sa pag-aalaga ng anak at pamilya—lalo na kapag may physically active na toddler. 😅
Minsan, konting bangga lang, nagkakapasa na agad. Itong pasa na ’to became a little reminder for me to slow down, maghinay-hinay, at alagaan din ang sarili ko.
Hindi natin kailangang laging maging strong hanggang sa makalimutan na nating magpahinga. Kailangan din nating palakasin ang ating katawan at maging maingat sa mga gawain.
Gusto nating maging malakas para sa ating mga anak. Para sa pamilya. ❤️
Kaya sa lahat ng nanay na may chronic illness o autoimmune disease—please remember to give yourself enough rest, too.
Hindi selfish ang magpahinga.
Hindi kahinaan ang maghinay-hinay.
Parte rin ito ng pag-aalaga sa sarili para mas maalagaan natin ang mga mahal natin sa buhay.
One day at a time, mama. Everything will be okay. 🤍
Sending you a warm hug. 🫂