01/09/2026
Mahirap kapag nasira ang tulay.
Saksi tayo at Nakita natin ang epekto dito sa Tarlac nang bumigay ang dalawang mahalagang tulay sa ating lungsod.
Ang Agana at Aquino bridge.
Nagkaroon ng trapik, ang mga maysakit ay nahirapang itakbo sa ospital , ang mga motorista ay napilitang umikot sa malalayong ruta at ito ay matinding abala dahil naputol ang koneksyon.
Isang malinaw at masakit na paalala kung gaano kaimportante ang isang tulay.
Ganito rin ang buhay espirituwal ng tao:
May Malalim na Bangin:
Ang kasalanan ang naghiwalay sa atin sa Diyos Ama. ( Roma 6:23 Ang Kabayaran ng Kasalanan ay kamatayan) Parang ilog na nagngangalit, hindi natin kayang languyin o tawirin sa sarili nating lakas.
Marupok ang Gawa ng Tao:
Ang tulay na gawa ng tao (mabubuting gawa , relihiyon, o kayamanan) ay parang semento na bumibigay din kapag dinaluyong ng unos. (Efeso 2:8-9 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; [9] hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman. )
Si Hesus ang Tanging Tulay:
Sabi ni Hesus sa Juan 14:6, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay; walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.
Juan 3:16-17
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang mga tao, kundi upang iligtas ang mga ito sa pamamagitan niya.
Si Hesus ang tulay na ibinigay ng Diyos na
kailanman hindi magigiba o masisira ng panahon.
Ligtas tayong makatatawid patungo sa piling ng Ama dahil kay Hesus.
"Ang aral na iniwan sa atin ng krisis na ito:
Kailangan natin ng tulay para makatawid sa kabilang buhay at kailangan natin si Hesus upang makarating sa Ama.
Huwag nang maghanap ng ibang ruta, Tanging Si Hesus lang ang ating daan tungo sa buhay na walang hanggan.
"Nasaan ka man ngayon, anuman ang sitwasyon, kailangan mo ng tulayโkailangan mo si Jesus."