08/10/2025
BASAHIN : Bilang pagkilala sa kanilang papel sa nation building at kontribusyon sa paghahatid ng serbisyo publiko,maari nang maging civil service eligible ang mga halal at appointed Sangguniang Kabataan Officials na may good standing at nakatapos ng tatlong taong panunungkulan o katumbas nito ayon sa Civil Service Commission (CSC)
Saklaw nito ang mga opisyal na naihalal o naitalaga kasabay ng pagpapatupad ng Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, gayundin ang mga nagsilbi at nakatapos ng kanilang termino mula 2018 hanggang 2022.
Nilinaw naman ng CSC na hindi saklaw ng prebilehiyong ito ang mga SK Chairperson, alinsunod sa Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991.
Maaring magsumite ng aplikasyon ang mga kwalipikadong SKO's za CSC Regional Office o sa kanilang barangay.