10/05/2025
❣️Isaias 46:11 si ka FYM ang kinatuparan ng Ibong Mandaragit
👉TAPATAN NG PROPESIYA, TAPATATAN NG KAGITINGAN!
👉CIRO Vs. FYM
Hindi nakasulat letra por letra ang Pangalan ng ka Felix Manalo sa Biblia pero context by context ay siya ang Kinatuparan ng Ibong Mandaragit and That's In The Bible
🔥Bakit hindi Si Ciro ang Ibong Mandaragit?
Hindi Natin tinututulan na si Ciro ay sugo din ng Dios, subalit hindi siya ang Ibong Mandaragit dahil iba ang Gampanin ni Ciro kumpara sa gampanin ng Ibong Mndaragit.
📌Gampanin ni Ciro:
1)✅Dahil ang gampanin na itiniwala ng Dios sa Kanya ay panahon ng mga Israelita sakop ang panahon ng 70 Taon ng pagkakabihag sa Babilonia.
2)✅ Ipagtayo ang Dios ng Bahay o Templo sa Jerusalem
3)✅Magpasuko ng mga Bansa
4)✅Hindi Itinuro ni Ciro na siya ang Ibong Mandaragit
5)✅Ang pinagmulan ni Ciro ay Kedem (ang Kedem ay ginagamit sa mga lugar na nasa near east malapit sa Israel): hindi ang Mizrach ang pinagmulan ni Ciro (ang Mizrach ay tumutukoy sa malayong silangan),samantala mg Ibong Mandaragit ay mula sa Mizrach.
Narito ang mga Talata:
👉Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, Ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit, ang lahat na kaharian sa lupa; at ibinilin niya sa akin na ipagtayo ko siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda.
Ezra 1:2
👉Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;
Isaias 45:1
✅Ganito ang sabi ni Ciro na hari sa Persia, wala siyang Claimed na siya ang Ibong Mandaragit:
Lahat ng kaharian sa lupa ay ibinigay sa akin ng Panginoon, ng Dios ng langit; at kaniyang binilinan ako na ipagtayo siya ng isang bahay sa Jerusalem, na nasa Juda. Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan, sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios, at umahon siya.”
II Cron. 36:23
✅Malinaw po na HINDI INANGKIN NI CIRO ANG PROPESIYA SA IBONG MANDARAGIT, Ang panginoong JesuCristo at mga Apostol maging si Juan Bautista ay nagpakilala ng kanilang Propesiya, nagaangkin sila ng propesiya sa kanila gamit ang mga talata ng biblia. Kaya nakakatiyak tayo na hindi si Ciro ang Ibong Mandaragit.
Ano pa ang katibayan at nakakasiguro tayo na talagang hindi si Ciro ang ibong Mandaragit?
👉Ang salitang Hebreong “mizrach” ang ginamit sa Isaias 46:11 kaya ang tinutukoy dito na “silangan o sikatan ng araw” ay ang “malayong silangan.” ✅Hindi naman Taga-malayong Silangan si Ciro, sapagkat ang Persia po ay nasa Kedem lamang.
👉Hindi maaaring ang Persia ang tinutukoy sa Isaias 46:11 sapagkat ang ginamit na salitang Hebreo na katumbas ng silangan “ay mizrach” samantalang ayon sa Aid To Bible Understanding ang salitang Hebreo na “kedem” (qedhem) katumbas ng “silangan” ang ginagamit kapag ang tinutukoy ay ang Persia (Iran). Ganito ang ating mababasa:
“Sometimes qe’dhem was used to mean a generally eastward direction, as at Genesis 11:2. At other times it meant the “east” in relation to something else, as at Number 34:11, where the expression “East of Ain” is used. At still other times it referred to the area that lay E and NE of Israel. This included the lands of Moab and Amon, the Arabian Desert. 👉Babylonia, 👉Persia, 👉Assyria and Armenia.” [Aid to Bible Understanding. P. 478.)
Sa Pilipino:
“Kung magkaminsan ang salitang “qe’dhem” ay ginamit upang karaniwang tumukoy sa gawing silangan, gaya ng pagkagamit sa Genesis 11:2. Sa ibang pagkakataon ito ay nangangahulugang “silangan” kaugnay ng kinalalagyan ng iba pang bagay gaya naman ng pagkagamit nito sa Bilang 34:11, kung saan ang ekspresyong “east of Ain” ay ginamit. At sa iba pang pagkakataon ito ay tumutukoy sa kalaparan ng lupa na nasa silangan at hilagang-silangan ng Israel. Dito ay kasama ang mga lupain ng Moab at Amon, ang Disyerto ng Arabia, Babilonia, 👉Persia, Asiria, at Armenia.”
✅Natitiyak natin na hindi si Ciro ang hinuhulaan na ibong mandaragit sa Isaias 46:11 sapagkat ang ibong mandaragit ay mula sa malayong silangan na ang katumbas sa Hebreo ay “mizrach”, samantalang “kedem” ang katumbas ng silangan kapag ang tinutukoy ay ang Persia na siyang pinanggalingan ni Ciro.
✅Natitiyak natin na si Ciro ay iba sa ibong mandaragit dahil si Ciro ay nanakop ng bansa kaya siya ay pumapatay ng tao, at ang gampanin niya ay ipagtayo ang Dios mg templo sa Jerusalem ---malayo sa nature at tungkulin ng Ibong Mandaragit.
🔥Ano naman ang Gampanin ng Ibong Mandaragit?
Upang malaman natin kung sino amg kinatuparan ng Ibong Mandaragit ay dapat nating malaman ang gampanin ng ibong Mandaragit
1)✅Gumawa ng Payo mula sa malayong Lupain
2)✅Magsalita sa mga taong mapagmatigas ang loob at malayo sa Katuwiran
3)✅Maglapit ng katuwiran ng Dios
4)✅ Maglapit ng Kaligtasan ng Bayan ng Dios o Sion.
5)✅Nagmula sa malayong lupain.
6)✅Ang panahon ng Paglitaw ng Ibong Mandaragit ay panahong mga Wakas ng Lupa sa panahong Cristiano dahil Binangit amg Zion sa verse 13
👉Samakatuwid ang ibong Mandaragit ay Mangangaral ng Dios sa ikakaligtas ng kanyang Bayan, dahil siya ay naglalapit ng katuwiran sa mga mapavmatigas na loob at masasamang tao ---- kaya hindi Si Ciro ang ibong Mandaragit.
Ganito ang mababasa
Isaias 46:11-13:
Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.
“Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:
“Aking inilalapit ang aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay hindi magluluwat: at aking ilalagay ang kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.” (Isa. 46:11-13)
👉Ang gawain ng ibong mandaragit ay
ilapit ang katuwiran sa ikaliligtas ng mga mapagmatigas na loob at malayo sa katuwiran.
👉Ang katuwiran ng Diyos sa ikaliligtas ay ang ebanghelyo. Ito ay pinatunayan ni Apostol Pablo:
“Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.
“Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.” (Roma 1:16-17)
Upang ang ebanghelyo na siyang katuwiran ng Diyos sa ikaliligtas ay mailapit sa mga taong malayo sa katuwiran, ipinag-utos ni Jesus na ipangaral ito:
“At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.
“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.” (Mar. 16:15-16)
✅Samakatuwid ang gawain ng ibong mandaragit na hinuhulaan sa Isa. 46:11 ay ang pangangaral ng ebanghelyo na siyang katwiran ng Diyos na dapat ilapit sa mga tao upang sila ay magtamo ng kaligtasan.
✅Ang gampanin na ito ay naganap ng kapatid na Felix Manalo kaya siya ang katuparan ng Ibong Mandaragit -- Ngayon ng Iglesia ni Cristo ay nakatatag na sa buong Mundo at patuloy na lumalaganap sa mga Bansa na may roon ng 166 bansa at teretoryo.
Upang matiyak natin na si ka Felix nga ang tunay na Ibong Mandaragit ay saan ba nagmula si ka Felix?
Siya po ay nagmula sa malayong lupain o malayong silangan (mizrach)
Tunghayan natin ang pahayag ng Smith’s Bible Dictionary ni William Smith:
“… Again, kedem is used in a strictly geographical sense to describe a spot or country immediately before another in an easterly direction; hence it occurs in such passages as Gen. ii:8, 11:24, xi:2, xiii.11, xxv:6 and hence the subsequent application of the term, as a proper name (Gen. xxv. 6, eastward, unto the land of kedem), to the lands lying immediately eastward of Palestine, viz. Arabia, Mesopotamia, and Babylonia; ✅on the other hand mizrach is used of the far east with a less definite signification 👈(Is. Xli:2, 25, xliii, 5, xlvi, 11).” [William Smith, LL. D., Smith Bible Dictionary. (N.J.: Fleming A. Ravell, 1976, p. 153.]
Sa Pilipino:
“… Gaya ng dati ang salitandg kedem ay ginamit upang maglarawan lamang sa isang dako o bansa na karatig sa gawing silangan ng isa pang dako; kaya nga, ang salitang ito ay ginamit sa mga talatang Gen. ii:8, ii:24. Xi:2, xiii:11, xxv:6 at kaya rin nga ginamit ito bilang isang panggalang pantangi (Gen. xxv:6, pasilangan patungo sa lupain ng kedem), na tumutukoy sa lupaing karatig sa silangan ng Palestina, gaya ng Arabia, Mesopotamia, at Babilonia, 👉sa kabilang dako, ang salitang mizrach ay ginamit para sa malayong silangan ngunit hindi tiyak ang tinutukoy👈 (Isa. Xli:2, xliii:5, slvi:11).”
👉Ang Mizrach ay ginagamit sa malayong silangan na hindi tiyak ang lugar o hindi tiyak tiyak na lugar sa Silangan
✅Maliwanag na ang salitang Hebreo na “mizrach” ay tumutukoy sa “malayong silangan.” Ang salitang Hebreong “mizrach” ang ginamit sa Isaias 46:11 kaya ang tinutukoy dito na “silangan o sikatan ng araw” ay ang “malayong silangan.” Hindi maaaring ang Persia ang tinutukoy sa Isaias 46:11 sapagkat ang ginamit na salitang Hebreo na katumbas ng silangan “ay mizrach” samantalang ayon sa Aid To Bible Understanding ang salitang Hebreo na “kedem” (qedhem) katumbas ng “silangan” ang ginagamit kapag ang tinutukoy ay ang Persia (Iran).
✅Katunayan pa ang Pilipinas ay talagang malayong lupain sa Silangan dahil ang GPS Location nito sa East Longitude ay:
122°33'46.80 EAST
👉Philippines' approximate GPS coordinates are at latitude 11°48′10.80″ North and longitude 122°33′46.80″ East.
👉Samantala ng Persia o Iran ay nasa East Longitude: 64° EAST Longitude, isang Near East Country -- wala po sa malayong Lupain ng Silangan.
Iran's GPS location can be generally described as spanning between 24° and 40° N latitude and 44° and 64° E longitude. This area corresponds to a country in West Asia (Middle East) known as Iran. The term "Persia" is also used to refer to Iran, particularly referring to the historical region and the ethnic Persians who make up a significant portion of the country's population.
✅Ang isa Pang katibayan na Hindi si Ciro ang Ibong Mandaragit ay amg Panahon ng paglitaw niya ay panahong mga Wakas ng Lupa sa Panahong Cristiano dahil binangit ang salitang Zion sa Isaias 46:13
👉Ang karaniwang tinutukoy ng ekspresyong “Anak na Babae ng Sion” ay ang “mga tao ng Jerusalem.” Subalit may banggit din na “Anak na Babae ng Sion” na hindi literal o hindi tumutukoy sa mga tao ng Jerusalem. Ito ang nakasulat sa Isaias 62:11-12:
“The LORD has made proclamation to the ends of the earth: ‘Say to the Daughter of Zion, 'See, your Savior comes! See, his reward is with him, and his recompense accompanies him.' They will be called the Holy People, the Redeemed of the LORD; and you will be called Sought After, the City No Longer Deserted.”
Isaiah 62:11-12 NIV
👉Sa talatang ito ay may binabanggit din na “Anak na Babae ng Sion” (“Daughter of Zion”), ngunit ang pagkakaiba kaysa sa mga talata na bumabanggit din sa “Anak na Babae ng Sion” ay BINABANGGIT ANG PANAHON NG KANIYANG PAGLITAW – “The LORD has made proclamation to the ENDS OF THE EARTH: ‘Say to the Daughter of Zion.”
🔥Dahil dito, natitiyak natin na ang binabangit dito sa Isaias 62:11-12 na “Anak na Babae ng Sion” ay tumutukoy hindi sa “mga tao ng Jerusalem” kundi sa Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw o sa mga wakas ng lupa.
🔥Kaya po ang Kapatid na FELIX MANALO talaga ang Ibong Mandaragit dahil kahit sa GPS Location ay kitang Kita na natupad din sa kanya ang lugar na Pagmumulan ng Ibong Mandaragit -- Ang Malayong Lupain
Arc Eduard Solis
Alam mo ba ito sa Biblia?
Earth Origin Research
Context by Context
👉Focuses on understanding the meaning of text within its broader context.
👉Takes into account the relationships between words, phrases, and ideas.
👉Emphasizes the importance of context in shaping interpretation.
Letter by Letter
👉Involves a detailed, literal analysis of individual words or symbols.
👉Focuses on the smallest units of text.
Key Differences
👉Scope: Context by context looks at the bigger picture, while letter by letter focuses on details.
👉Approach: Context by context is interpretive, while letter by letter is more literal.
This distinction highlights different approaches to analyzing and understanding text.
Ctto