Vice Mayor Alex C. Espinosa

Vice Mayor Alex C. Espinosa This is the official page of Capas, Tarlac Vice Mayor Alex Espinosa.

Ngayong hapon nakibahagi tayo sa isinagawang public hearing ng joint committee ng Health, Agriculture at Ways and Means ...
16/09/2025

Ngayong hapon nakibahagi tayo sa isinagawang public hearing ng joint committee ng Health, Agriculture at Ways and Means patungkol sa ilegal na pagbebenta ng mga patay na baboy sa ating bayan.

Ang ordinansa ay inakda po ng inyong lingkod Vice Mayor Alex Espinosa upang matigil na ang ilegal na pagbebenta ng patay na baboy sa bayan.

GOOD NEWS!Naipasa na po ang ordinansang inakda ng inyong lingkod Vice Mayor Alex Espinosa na kung saan inaatasan ang lah...
16/09/2025

GOOD NEWS!

Naipasa na po ang ordinansang inakda ng inyong lingkod Vice Mayor Alex Espinosa na kung saan inaatasan ang lahat ng mga Contractors na popondohan ng Department of Public Works and Highways na magsumite ng kanilang mga plano at programs of works sa Pamahalaang Lokal ng Capas sa pamamagitan ng Municipal Engineering’s Office bago simulan ang kanilang mga proyekto sa bayan.

Ang ordinansang ito ay magiging katuwang ng taumbayan dito sa Capas upang masiguradong ang mga proyekto’t programa na pinopondohan ng DPWH ay sigurado, totoo at hindi masasayang ang pondo ng bayan, magkakaroon din ng Monitoring quarterly ang Engineering’s Office upang makita ang status ng mga proyekto.

Samantala ang mga Contractors naman na lalabag sa nasabing ordinansa patungkol sa pagpapasa ng mga plano sa LGU ay papatawan ng parusa base sa paglabag.

Nais din nating pasalamatan si Coun. Alejandro Dueñas na Sponsor ng Ordinansa at sa lahat ng miyembro ng Sagguniang Bayan sa pagsuporta sa nasabing ordinansa.


 ☝️❤️🇵🇭
16/09/2025

☝️❤️🇵🇭

Magtulungan po tayo sa mas malinis at mas maunlad na Capas.
15/09/2025

Magtulungan po tayo sa mas malinis at mas maunlad na Capas.

Sa isinagawang public hearing ng Committee on Environment and Natural Resources ng Sangguniang Bayan ng Capas iminungkahi ni Presiding Officer at Vice Mayor Alex Espinosa ang pagbuo ng taskforce na tututok sa mga violator na nagtatapon ng mga basura sa hindi tamang tapunan.

Sa binabalangkas na ordinansa - mas malakas at mas malawak ang monitoring sa bawat barangay sa Capas na magbabantay upang hindi na maulit ang insidente ng pagtambak ng mga basura kung saan-saan.

Bukod diyan pinasalamatan din ni Vice Mayor Espinosa ang mga Barangay Officials at ang Municipal Environment and Natural Resources Office ng Capas sa ginagawa nitong hakbang upang mapanatili ang kalinisan sa buong bayan.

15/09/2025

Ang bayang maunlad ay bayang malinis!

Magtulungan po tayo para sa mas malinis at mas maaliwalas na Capas.

15/09/2025
Good Morning!"Happy & Blessed Sunday." ❤️🙏🙏🙏
13/09/2025

Good Morning!
"Happy & Blessed Sunday." ❤️🙏🙏🙏

12/09/2025
IN PHOTOS: 2025 LLA PROVINCIAL VALIDATION AND ASSESSMENT Kanina pong hapon naisagawa ang validation at assessment ng pro...
12/09/2025

IN PHOTOS: 2025 LLA PROVINCIAL VALIDATION AND ASSESSMENT

Kanina pong hapon naisagawa ang validation at assessment ng provincial DILG para sa 2025 Local Legislative Award - at muli nais ko pong pasalamatan ang mga provincial assessor and validators gayundin sa ating mga masisipag at dedikadong Sangguniang Bayan Staffs.

Photo Courtesy: Capas Information Office

Matagumpay ang isinagawang Provincial Assessment and Validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG...
12/09/2025

Matagumpay ang isinagawang Provincial Assessment and Validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Tarlac para sa Local Legislative Award ngayong araw, September 12.

Nais nating pasalamatan ang mga validator and assessor natin mula sa Provincial DILG headed by PD. Martin Moral, LLA TARLAC Focal Person Gare Lyn Pangilinan at ang kanilang iba pang kasama mula sa DILG nakasama din natin kanina sa programa si MLGOO Capas Riza Guilas.

Ang Local Legislative Award ay isang award giving body mula sa DILG na kung saan nakasentro ang kanilang mandato upang busisiin kung gaano ka-epektibo ang isang Sanggunian.

Congratulations and good job sa buong Sangguniang Bayan ng Capas at sa mga staff po natin.

At the moment: Assessment and Validation of Provincial Local Legislative Award
12/09/2025

At the moment: Assessment and Validation of Provincial Local Legislative Award

11/09/2025

Maraming komento ang natatanggap po ng inyong lingkod Vice Mayor Alex Espinosa mula sa inyong aming mga kababayan dito sa Capas kapag may mga benipisyaryong nakakatanggap ng programa at kagamitan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at madalas marami ang natatanggap naming komento mula sa programa ng DSWD na KALAHI CIDSS na kung saan makikita talaga nating marami pong mga napagbibigyan na kababayan natin.

At kanina sa Sesyon ng Sangguniang Bayan ay naitanong natin upang maipaalam din sa inyo po kung paano ang assessment and pagpili ng kagawaran sa program ito ay dumadaan sa bawat barangay at ang bawat barangay ay magsusumite ng mga program proposal sa coordinator ng KALAHI-CIDSS at ang mapipili ng kagawaran ay siyang popondohan upang maisakatuparan ang proyekto.

At kami po dito sa Sanggunian ay todo ang suporta sa programa at kapag may kailangang resolusyon na dapat ipasa agad namin itong ipinapasa at sinisiguro naming dumaan sa validation ng DSWD ang popondohang proyekto.

Huwag nang mag-sana all dahil ang pamahalaang bayan ng Capas ay ginagawa po ang lahat para sa patuloy na ikaka-angat ng buhay ng bawat pamilyang Capaseño.

Address

Capas
Tarlac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vice Mayor Alex C. Espinosa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share