91.1FM Jelexie Radio

91.1FM Jelexie Radio Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 91.1FM Jelexie Radio, Radio Station, Tarlac.
(1)

07/08/2025

Serbisyong maYAP (Thursday, August 7, 2025)
Hosted By: Jojo Pascual, Willie Santos

Christian Yap
Provincial Government of Tarlac

06/08/2025

Unang Sigaw sa Magandang Umaga with Ka Welmer Estrada, Jelexie Bakeshop, Tarlac Police Provincial Office, Camp General Francisco Macabulos, Tarlac City Information Office, Provincial Government of Tarlac, Tarlac Tourism, Ugnayan Sa Pamayanan USAP , Mapecon Tarlac Incorporated - Pest Control, Tommy Dizon, Susan Yap, Cristy Angeles, KT Angeles, ,



06/08/2025

MaSaYaSa TARLAC (Wednesday, August 6, 2025)

Susan Yap
Tarlac City Government

05/08/2025

Unang Sigaw sa Magandang Umaga with Ka Welmer Estrada, Jelexie Bakeshop, Tarlac Police Provincial Office, Camp General Francisco Macabulos, Tarlac City Government, Provincial Government of Tarlac, Tarlac Tourism, Ugnayan Sa Pamayanan USAP , Mapecon Tarlac Incorporated - Pest Control, Susan Yap, Cristy Angeles, KT Angeles, ,



05/08/2025

MAKIBAHAGI SA NAG-IISANG NOON TIME RADIO TALK SHOW SA JELEXIE RADIO 91.1FM. SEND YOUR GREETINGS AND ANNOUNCEMENTS, KAHIT ANG INYONG SALOOBIN SA MGA ISYU NATIN NGAYON...USAP TAYO

05/08/2025

Serbisyong maYAP (Tuesday, August 5, 2025)

Hosted By: Jojo Pascual

04/08/2025

Unang Sigaw sa Magandang Umaga with Ka Welmer Estrada, Jelexie Bakeshop, Tarlac Police Provincial Office, Camp General Francisco Macabulos, Tarlac City Government, Provincial Government of Tarlac, Tarlac Tourism, Ugnayan Sa Pamayanan USAP , Mapecon Tarlac Incorporated - Pest Control, Tommy Dizon, Susan Yap, Cristy Angeles, KT Angeles, ,



๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐–๐๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“Nagbabala si dating Sen. Panfilo โ€œPingโ€ Lacson laban sa scammer na nagpapanggap bi...
04/08/2025

๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐–๐๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Nagbabala si dating Sen. Panfilo โ€œPingโ€ Lacson laban sa scammer na nagpapanggap bilang dating Rep. Josephine Sato upang manghingi ng donasyon para umano sa isang orphanage sa Occidental Mindoro na nasira ng bagyo.

Sa kanyang X account, ibinunyag ni Lacson ang scam at ibinahagi ang Viber screenshots kung saan humingi ng โ€œfinancial supportโ€ ang scammer gamit ang pangalan at larawan ni Sato, kalakip pa ang GCash number para sa โ€œdonation drive.โ€

Ayon kay Lacson, alam na niya ang totoong pagkakakilanlan ng scammer at nakikipag-ugnayan na sa mga awtoridad upang ito ay mahuli. Nanawagan rin siya sa publiko na mag-ingat sa mga ganitong panloloko, lalo na sa panahon ng kalamidad.

๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐–๐๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“Ilulunsad ng iba't ibang grupo ang โ€˜Sara Litisin Campaignโ€™ ngayong Agosto 6 upang ...
04/08/2025

๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐–๐๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Ilulunsad ng iba't ibang grupo ang โ€˜Sara Litisin Campaignโ€™ ngayong Agosto 6 upang igiit ang impeachment ni Vice President Sara Duterte. Pangungunahan ito ng mga obispo, pari, civic at progressive groups, at ng Makabayan bloc sa Kamara.

Nanawagan ang kampanya sa Kongreso na simulan ang impeachment process, at sa Senado na gampanan ang tungkulin nito bilang impeachment court. Hinikayat din ang publiko na makiisa sa kilos-protesta sa harap ng Senado at ibaโ€™t ibang lugar sa bansa.

Tinuligsa rin ng kampanya ang anila'y impluwensya ng Malacaรฑang at mga Duterte-appointed justices sa proseso ng impeachment.

Samantala, hindi sumang-ayon si Manila Rep. Joel Chua sa pahayag ng Integrated Bar of the Philippines na suportado ang desisyon ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay VP Duterte. Aniya, nilabag ng Korte ang malinaw na probisyon ng Konstitusyon.

๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐–๐๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“Tanggap ni negosyanteng Charlie โ€œAtongโ€ Ang ang mga kasong isinampa laban sa kanya...
04/08/2025

๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐–๐๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Tanggap ni negosyanteng Charlie โ€œAtongโ€ Ang ang mga kasong isinampa laban sa kanya, ayon sa kanyang abogado na si Atty. Gabriel Villareal, at gagamitin niya ito bilang pagkakataon upang ipagtanggol ang sarili sa tamang legal na proseso.

Gayunpaman, kinuwestyon ng kampo ni Ang ang kredibilidad ng whistleblower na si Julie โ€œDondonโ€ Patidongan alyas Totoy. Ayon kay Villareal, puno ng butas at makasarili ang testimonya nito, at tila ginagamit lamang ang pagkakataon upang iligtas ang sarili mula sa mga kasong kinakaharap.

Inakusahan din si Patidongan ng pang-aabuso sa kapangyarihan at paggamit ng koneksyon sa loob ng organisasyon para sa sariling iligal na operasyon, tulad ng sugal, pangingikil, at pananakot.

Dagdag ni Villareal, pilit ngayong ibinabaling ni Patidongan ang sisi sa kanyang mga dating superior matapos masangkot sa pagkawala ng isang sabong kakompetensya.

โ€œIbinubunyag na ang kanyang imbentong kwento,โ€ giit ng abogado.

๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐–๐๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“Suportado ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang mungkahi ng DI...
04/08/2025

๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐–๐๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Suportado ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang mungkahi ng DILG na ipagbawal ang street parking sa ilang kalsada sa Metro Manila, ngunit iginiit nilang mas mainam ang total ban 24/7, alinsunod sa Republic Act No. 4136.

Ayon sa LCSP, ang mga iligal na nakaparadang sasakyan ay sagabal sa daloy ng trapiko at sa emergency response. Tinawag din nilang โ€œband-aid solutionโ€ ang panukalang limitadong pagbabawal tuwing rush hour.

Hinikayat nila ang Kongreso na ipasa ang batas na mag-oobliga sa car buyers na magpakita ng sariling parking bago makabili ng sasakyan.

Dagdag nila, mas mainam na mamuhunan ang gobyerno sa maayos na pampublikong transportasyon upang mabawasan ang paggamit ng pribadong sasakyan.

Samantala, ayon sa MMC chair at San Juan Mayor Francis Zamora, hindi pa sang-ayon ang mga alkalde sa total ban at mas nais panatilihin ang street parking sa maliliit na kalsada.

Target ng DILG na ilabas ang final policy sa Setyembre 1.

๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐–๐๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko, lalo na ang mga bagong b...
04/08/2025

๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€๐–๐๐†๐€๐– ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐€๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko, lalo na ang mga bagong botante, na makilahok sa voter registration na nagsimula noong Agosto 1 at tatagal hanggang Agosto 10.

Ayon kay Comelec Chair George Garcia, malakas ang turnout sa unang araw ng registration sa mga opisina ng election officers, satellite sites, at sa Special Register Anywhere/Anytime Program (SRAP) sa Metro Manila.

Tinatayang aabot sa isang milyong bagong registrants ang inaasahan, kabilang ang 500,000 kabataang edad 15โ€“17 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre 1, 2025.

Available ang SRAP sa Palacio del Gobernador, Intramuros, mula 8 AM hanggang 5 PM hanggang Agosto 7. Hinikayat din ni Garcia ang mga bumibisita sa Intramuros na samantalahin ang pagpaparehistro habang namamasyal.

Address

Tarlac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 91.1FM Jelexie Radio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share