04/08/2025
๐๐๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ก ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ: ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ถ๐น๐๐ป๐๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด-๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ป๐๐ฒ๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น
ni Reezamanthaj Peralta
Batang-Batang, Tarlac โ Pormal na sinimulan ng Batang-Batang Integrated School ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025 noong Agosto 1 sa pamamagitan ng isang simpleng kick-off program na ginanap sa multi-purpose hall ng paaralan.
Pinangunahan ito ni Gng. Erika V. De Vera, g**o sa Filipino at tagapagsagawa ng buong programa. Sa kabila ng kakulangan sa mga pagtatanghal sa araw ng pagbubukas, ramdam na ramdam ang sigla at pagkasabik ng mga mag-aaral at g**o.
Ayon kay Gng. De Vera, โAng araw na ito ay simula pa lamang ng ating mas makulay na pagdiriwang sa mga darating na linggo. Abangan ninyo ang mga patimpalak, pagtatanghal, at iba pang aktibidad na tiyak na magpapakita ng galing at pagmamahal natin sa sariling wika.โ
Sa mga susunod na linggo, inaasahang mas magiging masigla ang selebrasyon sa pamamagitan ng mga gawaing pampanitikan, paligsahan, at pagtatanghal na may temang, โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.โ
Muling pinatunayan ng BBIS na sa kabila ng simpleng paraan, bastaโt may puso, ay sapat na upang simulan ang makabuluhang selebrasyon ng wikang Filipino.